Quantcast
Channel: Lito Bautista Archives | Bandera
Viewing all 138 articles
Browse latest View live

Antonio Sanchez, pinagpala

$
0
0

PINAGPAPALA pa ang masasama. Binibigyang halaga ang mga “bigatin.” Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 66:18-21; Sal 117:1-2; Heb 12:5-7, 11-13; Lc 13:22-30) sa ika-21 Linggo ng karaniwang panahon.
***
Kung noong panahon ni Kristo ay espesyal ang mga bigatin sa lipunan at pinagpapala pa ang masasama, mas lalo ngayon. Maalwan ang buhay sa “bilangguang” walang rehas ni Antonio Sanchez, solo silid, mas malawak pa kesa solitary cell sa Amerika. Naging batas ang RA 10592 noong panahon ni BS Aquino 3 at wala sa himagas ang namatay na SAF 44 at mas maraming nanigas sa Dengvaxia. Tila pasadya sa sastre ang batas, na magagamit para makalaya si Sanchez, kundi lamang inalmahan ng taumbayan, maliban sa pangkalahatang simbahang Katolika (ilang parokya sa diocese ng Malolos at Cubao ang kumondena sa planong pagpapalaya pero walang binanggit na pangalan; nahihiya ba o baka bumalik sa kanila dahil rape ang kaso?).
qqq
Bitay pa nga ang sigaw ng nagngangalit na taumbayan sa karumaldumal na rape. Ang bitay ay sinasang-ayunan ng Catechism of the Catholic Church talata 2265-2267: “Assuming that the guilty party’s identity and responsibility have been fully determined, the traditional teaching of the Church does not exclude recourse to the death penalty.” Itinuturo rin ng simbahan na bigyan ng pagkakataong magbago ang kondenado. Makapagbabago ba ang ayaw magsisi? Sa kasulatan ng mga relihiyon, di lamang ng Katolika Romana, nakasaad at tukoy ang mga kasalanang “nonredeemable.” Pangunahin ang rape at murder. Inusig si Cain sa salang pagpatay; at di pinatawad.
***
Turan ng RA 10592 ang nagpakabait na bilanggo. Sa unang dalawang taon, “20 days reduction for every month of good behavior.” Sa ikatlo-ikalimang taon ng pagpapakabait, “reduction of 23 days for each month of good behavior.” Sa ikaapat hanggang ika-10, “25 days deduction for each month of good behavior.” Sa ika-11 at susunod na mga taon, “deduction of 35 days for each month of good behavior.” At ang bonus: “Additional 15 days deduction for each month of study, teaching or mentoring time rendered.” Susmaryosep! Ibinilanggo pa gayung paiigsiin lang pala ang sentensiya. Pabor pala ang batas ni Aquino sa demonyo (halimaw pa nga kung tawagin ng mga grupong kababaihan).
***
Aha, para raw mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Hindi pa nga nakalalaya, may nakahanda nang pangalawang pagkakataon. “Huwag mo nang uulitin yan,” anang tatay pagkatapos paluin ang nagkasalang anak (Heb 12:7). Umiyak ang anak, inamin ang sala at nangakong di na uulit. Hindi umamin si Sanchez at wala raw siyang dapat pagsisihan, gayung inamin niya na napagsilbihan na niya ang 40 taon; mahigit pa nga at dapat na siyang makalaya gamit ang batas ni Aquino, aniya. Pinagdusahan na raw niya ang sentensiya, na di dapat sa kanya. Ha?! Malabo pa sa sabaw ng pusit yan.
qqq
Malikot ang pag-iisip ng ilan hinggil sa peste sa baboy. Sa pamamayagpag ng magkasanib na US Army-CIA covert operation sa Latin America at Caribbean, ipinadala ang peste sa Cuba bago sumiklab ang sigalot. Ang pakay ng US, pilayin ang ekonomiya ni Fidel Castro. Sumunod na nag-develop ng peste sa agrikultura ay ang Russia. Nang tamaan ng peste ng baboy ang China, isinisi ito sa Russia, na may malawak at sari-saring bio-warfare programs. Nagbabala at naghanda ang Pinas kontra karneng China. Ngayon, nasa Pinas na ang peste. Made in China?
***
UST (Usapang Senior sa Talakayan sa Barangay San Agustin, Hagonoy, Bulacan): Sensitibo ang tema kung nagbunga na nga ang buhay ng senior citizen pagkatapos ng 30-40 taon ng pagsisikap. Para maunawaan agad ang talakayan, di isinama sa umpukan ang upper middle class, o ang may kaya at mayaman. Masigla ang usapan kapag ang tinatalakay ay ang perang nakamit o naipon habang di pa sumasapit ng 60. May nakabili ng palaisdaan, pero mas malaki pala ang panganib ng puhunan. Meron nga bang bunga ang pagsisikap? Napakinabangan ba ang bunga? O nasa isang palad na lang ang natira?
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Barangay Lumang Bayan, San Jose del Monte City, Bulacan): Sino na naman ang buntis na tinedyer? Tila karaniwan na lang ang balita’t tanawin na may buntis na tinedyer sa paligid. Pero, bakit tila malaking balita kung ang bagong buntis na tinedyer ay mula sa kilalang pamilya o angkan? Bakit mas magandang balita kung nabuntis nang walang ama? O kundi’y nagulo at nasadlak sa sigalot ang tahimik na pamilya bunsod ng nabuntis na tinedyer?
Malaki na nga ang mali sa lipunan at ang tinedyer na buntis ay tanggap na at absuwelto ang mga magulang. Ang hayagang pakikipagrelasyon at pagpapalit ng karelasyon ay mapapanood sa TV. Ang hindi alam ng mga tinedyer ay ang pagbubuntis, hanggang…
***
PANALANGIN: Makapangyarihang prinsipe ng kalangitan, San Miguel, tulungan mo kaming mapagtagumpayan ang lahat ng kasamaan. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Matagal mag-release ng postal ID sa Zamboanga City. Sa Maynila pa raw ginagawa. Ilang buwan ba ang paghihintay namin? …2041

The post Antonio Sanchez, pinagpala appeared first on Bandera.


Rapist patayin na lang

$
0
0

HINDI tayo kakampi ng gabi’t kadiliman. Manatili tayong gising at hulas. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (1 Tes 5:1-6, 9-11; Sal 27:1, 4, 13-14; Lc 4:31-37), Martes sa ika-22 linggo ng taon, sa Paggunita kay San Gregorio magno, papa at pantas ng simbahan.
***
Ipinakita ng taumbayan ang pagiging hulas at gising nang mag-alsa laban sa nakatakdang paglaya ng rapist/murderer na si Antonio Sanchez, kaya naudlot ang malaking pagdiriwang sa Calauan, Laguna. Agad pinakinggan, at sinunod, ni Pangulong Duterte ang vox populi. Sa Pagninilay sa Lucas 4:31-37, ang demonyo, bagaman sumusuko dahil alam niyang hindi siya magtatagumpay laban sa Diyos, ay nananatiling kaaway ng liwanag. At kahit kailan, hindi hihingi ng kapatawaran ang demonyo sa Diyos, na muling napatunayan sa pagdinig sa Senado.
***
Sa Ebanghelyo (Lucas 4:16-30) sa unang araw ng pagdinig sa Senado, mistulang naging Diyos si Nicanor Faeldon at mga opisyal niya dahil “isinugo” sila upang ipahayag ang paglaya ng mga bilanggo, bilang patunay sa kabutihang magluwag ang masikip na bilangguan. At marami pa nga ang pinalaya, pero masikip pa rin ang Munti. Ang pagpapaluwag ng bilangguan ay binalangkas ng isa pang nasa karimlan, si Leila de Lima, sa IRR ng Good Conduct Time Allowance (Republic Act 10592). Marami na ang nakalaya at marami pa ang lalaya (ito ang dahilan ng pagnanais na agad amyendahan ang IRR. Pero, ano nga ba ang nasa isip ni De Lima nang gawin niya ito at guluhin ang batas?).
***
Tulad ng rapist na umuwi sa kanyang pamilya sa North Caloocan, ilang buwan bago pa man itinakda ang paglaya ni Sanchez. Gising at hulas ang kapitbahayan kaya’t simbilis ang pagkalat ng apoy ng balitang nariyan na ang dayukdok na hayok. Binalaan agad ng mga magulang ang kanilang sisiw na dalaginding, ang paboritong dagitin ng rapist. Bukod sa paalala ng pag-iingat, inihanda ng kapitbahayan ang kanilang mga baril at itak. May nag-imbak ng isang galon ng gasolina para silaban ang bahay ng rapist o ang rapist mismo. Masidhing pagmamatyag, na sinang-ayunan naman ng mga tanod ng barangay.
***
Tikom ang mga huwes sa media sa pagpapalaya ng kanilang hinatulan. Hindi kumikibo ang mga justices ng Supreme Court dahil bahagi iyan ng kanilang mandato. Hindi madali ang paghatol sa rapist bagaman hindi kailangan ang maraming ebidensiya, kundi ang walang kagatul-gatol na testimonya ng biktima. Nag-iisip ang mga pulis. Kung ibinebenta ang pagpapalaya sa Munti, para sa tiwaling mga pulis, sila na lang ang gagawa nito para sila na rin ang magkapera. Para sa mga huwes at piskal, malaking bagabag ang paglaya ng kanilang mga hinatulan. Tiyak na babalikan sila ng mga ito sa takdang panahon at pagkakataon. Kahit na ilang armadong mga huwes at piskal ay nangangamba rin laban sa determinadong kondenado. Hindi natutulog ang demonyo.
***
Hindi magbabayad ng iniutos na danyos ang pamilya Sanchez dahil walang kasalanan daw ang patriarka. Teka. May narinig din ang taumbayan na di isosoli ang milyones na ipinasosoli ng Sandiganbayan dahil wala rin siyang kasalanan. At nagkita pa sila sa malaking pagtitipon. One way lang kapag pera: papasok. Tulad din ng network na may malaking utang. Di na magbabayad dahil inilista na sa tubig.
***
UST (Usapang Senior sa Talakayan sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan): Tatlong mayayaman sa maliit na umpukan. Dapat bang ipadama o ipakita ang kayamanan, tulad ng bagong kotse gayung amoy lupa na? Kailangan bang mas nakahihigit kesa katabi? Pangangailangan ba ang pagkakaroon ng mamahaling cellphone, gayung text, call at games lang ang kayang gawin? May pananaw na malaya ang senior na ipakita ang kanyang nais. Kawawa naman ang walang maipakikitang di naman madadala sa hukay.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Barangay Santo Cristo, Angat, Bulacan): Trapik na sa Bulacan, lalo na sa bahaging timog at sentro. Napagtitiisan at binabata ng lowlands ang baha, pero hindi ang trapik. Ayon sa tala ng umpukan, oras at pera ang nauubos sa trapik. Lalo na sa pinakahihintay at pagbukas ng pinakamalaking kaunlaran: ang international airport sa Bulakan, Bulacan.
***
PANALANGIN: Makapangyarihang San Miguel, prinsipe ng kalangitan, tuwina’y ilayo at ipagsanggalang kami. Fr.Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
qqq
MULA sa bayan (0916-5401958): Human rights? Pati rapist may rights? …1876, Bangkerohan, DC.

The post Rapist patayin na lang appeared first on Bandera.

Sodom bilibid prison

$
0
0

MAG-ingat at baka malinlang sa walang saysay na pananalita. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Col 2:6-15; Sal 145:1-2, 8-11; Lc 6:12-19) sa Martes sa ika-23 linggo ng taon, kapistahan ni San Nicolas Tolentino.
***
Iyan ang ginawa ng komite ni Sen. Richard Gordon sa pagdinig sa malawakang katiwalian sa Bilibid, ang mag-ingat; pero ang panlilinlang ay ang unang depensa ng pagsisinungaling. Kaya naman lahat ay nagsisinungaling, sa pangunguna ng pinuno ng Bilibid, nakatikim ng di malilimutang hambalos at kahihiyan. Peligrosong mapahiya ang mga opisyal ng Bilibid. Gaganti ang mga ito at puwedeng humugot ng murderer sa mga dormitoryo para ipapatay sina Gordon at iba pang senador. Kahapon yun. Pero, iba na ang damdamin ng mga bilanggo dahil may mukha na ang kanilang pang-aapi, si Godfrey Gomez. Ang prison mutiny ay karaniwan sa Latin America at baka unang mangyari ngayon (may Munti riots din noong ’60s, pero maliliit at agad na humuhupa sa putok ng shotgun).
***
Nadama na ang magandang pamunuan sa Ombudsman; sa pamamagitan ni Samuel, ang pinakahuling Hukom na hangad ng mga Israelita para maghari sa pamunuan. Pero, nasapawan ni Samuel Martires ang Senado dahil 30 agad ang kanyang sinuspinde sa bilibid, nang walang sahod (sahud nang sahod sa mga bilanggo, pati mahihirap). “This office finds that the evidence showing the anomalous release of prisoners convicted of heinous crimes/offenses appear to be strong,” ani Martires. Sa isa pang kuwento, si Samuel ay anak ni Hannah, ang pinagpala.
***
Sa dami nang sinuspinde ni Samuel Martires, nanariwa ang sinabi ni Abraham sa Genesis 18: “Paano kung 10 na lamang ang matatagpuang walang sala?” “Alang-alang sa 10, hindi ko wawasakin ang lunsod (Sodom),” ani Yawe. Tila lalahatin ni Samuel Martires ang mga opisyal ng bilibid at wala siyang ititira, dahil malakas ang ebidensiya laban sa kanila. Ganoon ang naganap nang lusawin ng apoy ang Sodom, na bilibid na walang rehas ng mga makasalanan.
***
Kung sisisihin ang mga opisyal ng bilibid, sila ang magiging alay para di pagbuntunan ang 15th Congress at di magngalit ang ngipin kay BS Aquino 3. Ang 15th Congress, sa ilalim ni Aquino, ang pinaka-negligent. Bukod sa mabibilang sa daliri ang mga batas na ipinasa dahil tamad nga, sila rin ay sunud-sunuran sa pangulong pulpol, na walang ginawa kundi ang paghigantihan sina Renato Corona at Gloria Arroyo. Malakas ang karma sa inaping patay, at alam yan ni Lito Lapid.
***
Tila ang mga tauhan na lamang ni Capt. Isabelo Mondejar, hepe ng PNP Dona Remedios Trinidad, Bulacan, na lamang ang nagsasagawa ng RODY (Rid the streets of Drunkard and Youth), na kabilang sa mga unang inutos ni Pangulong Duterte para walisin (at kasuhan kung may nilabag) ang mga tambay sa kalye’t eskinita. Dapat kilalanin sina Mondejar at mga pulis. Ni isang lungsod ay wala nang gumagawa ng RODY sa Metro Manila, lalo na sa North Caloocan, ang tahanan ng mga adik, rapist, lasenggo’t lasengga, partikular sa Barangay Bagong Silang, ang pinakamalaki sa bansa. Maliit ang populasyon ng DRT. Dahil sa RODY, mapayapa ang pamumuhay dito (hindi na yata natutulog ang mga pulis ni Mondejar).
***
UST (Usapang Senior sa Talakayan sa Barangay Turo, Bocaue, Bulacan): Sensitibong tanong sa umpukan: maligaya ka ba sa pagtanda? O mas maligaya ka noon dahil, bukod sa bata pa, ay madaling kumita? Karaniwang iniuugnay ng seniors ang ligaya sa bastante o nakahihigit na pamumuhay. Kawawa naman ang dukhang matatanda na hindi nakapaghanda; o kundi’y nahuthot sa kanilang kasaganaan. Kaligayahan bang naituturing ang hindi makakumpleto sa pagbili ng maintenance? Ang kalinga ay kaligayahang hindi pa nalalasap sa mga pangako ng politiko.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Barangay Bagumbayan, Bocaue, Bulacan): Wow mali. Ay mali. Madalas sambitin. Isinama sa kantiyaw. Pero, bakit nagkakamali pa rin? Inuulit pa nga ang dating pagkakamali. Wala na raw natututo sa mga pagkakamali. Hayun si sister. Nakaapat na panganay pa, hanggang ngayon ay single mother pa rin. May mga lalaki at babaeng itinuturing na pagkakamali ang pagpapakasal. Si Ka Indo, walang pinakasalan kaya raw hindi siya nagkamali. Ay mali na naman: ibinoto muli sa Lito Lapid.
***
PANALANGIN: Pagkalooban Mo kami ng makapangyarihang pagsasanggalan. Fr. Mar Ladra, SVD, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Digong, may droga na naman sa DC. …4531, 13-A, Davao City.

The post Sodom bilibid prison appeared first on Bandera.

Mga biktima ni Lim

$
0
0

KUNG maglilingkod sila nang mabuti, uunlad ang lahat. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (1 Tim 3:1-13; Sal 101:1-3, 5-6; Lc 7:11-17) sa Paggunita kay San Roberto Belarmino, obispo’t pantas ng simbahan, Martes sa ika-24 na linggo ng taon.
***
Hindi manhid ang Diyos sa kabiguan sa EDSA (no such thing as a hopeless case in God’s eyes); ang kuwero ay ang MMDA, sa pamumuno ng rebeldeng Danilo Lim, na wala talagang alam, at solusyon, sa trapik, gayung pinasusuweldo siya ng taumbayan. Bakit sa taumbayan pa niya hihingin (suhestiyon) ang solusyon sa trapik gayung siya ang dapat magsaliksik at mag-aral? Kung inirereklamo sila ng taumbayan, inirereklamo naman ng MMDA ang bus drivers na lumalabag pero hindi tinitikitan. Nakikita ni Danilo Lim ang puwing ng mga driver pero hindi niya nakikita ang troso na nakabara sa kanyang mata.
***
Nang dahil sa awa’t malasakit sa mga walang masakyan sa Commonwealth hanggang Mabuhay lanes sa New Manila, Greenhills at San Juan, nagkusa ang pribadong riders na iangkas ang mga biktima ni Danilo Lim. At dahil magkakilala na, lumalaganap ang sistema ng “suki.” Muli silang naisasakay sa pagpasok ng mga riders (di sila miyembro ng Angkas) kinabukasan. Sa baradong trapik, lalo na sa EDSA, motor (ang minemenos na sasakyan ng MMDA pero naging sanhi ng pagkatalo ni JV Ejercito dahil sa malaking plaka na pinaboran niyo) at bisikleta na lang ang umaandar. Babay.
***
Isa pang nagmamarunong, na wala naman, ay si Grace Poe, na simula sa kampanya at hanggang ngayon ay humuhugot pa rin kay FPJ. Kailan nasolusyonan ni Panday ang trapik? Si Panday ay guni-guni, ang trapik ay katotohanan, si Grace Poe ay sumasakay na pasahero kuno; si Danilo Lim ay walang alam, si Celine ay rapper, si Jojo ay tapal sa butas-butas na bubong kaya butata sa QC RTC. Ang MMDA ay puro turo na lang, maliban sa kanilang sarili, kung sino na naman ang bagong sisisihin. Marahil ay labis ang kanilang pagbabasa ng Genesis: nagturuan sina Adan at Eba kung sino ang dapat sisihin pagkatapos mabuking ang katangahan.
***
Pabor ang mga opisyal ng MMDA sa suhestiyon ni Caloocan Rep. Edgar Erice na ipagbawal ang mga kotse sa EDSA ng anim na oras araw-araw. Patibong ito. Pag nagkagulo, ang sisisihin ay si Erice at ligtas na naman si Danilo Lim. Ang suhestiyon ng mambabatas ng Caloocan ay agad na tinawag ni Sen. Ralph Recto na kalokohan. Nauunawaan ko si Erice dahil ngayon pa lang ay nais niyang makilala siya; ngayon pa lang ay madalas na ang gapang niya sa District 1 ng Caloocan dahil sa kanyang ambisyon sa susunod na eleksyon. Sinu-sino ang mga ginagamit ngayon?
***
Kung talamak ang katiwalian sa National Bilibid Prison, araw-araw din ang pera-pera sa Caloocan City Jail. Nagsisimula yan sa tarima. Ang may pera ay may nakalaang tarima, masarap ang pagkain, bastante sa “electric fan,” masahe, atbp. Pero, medyo nagbawas ng pamemera ang hoyo pagkatapos may nagbanta na magpapa-media. Kampante naman ang isang tiwaling jailguard dahil hindi naman daw sila mase-Senado.
***
UST (Usapang Senior sa Talakayan sa Calvario, Meycauayan City, Bulacan): Dumarami, pero ayaw sabihin kung ilan na sila. Ito ay ang pagsasama ng golden gays, mga bakla-lalaki at tomboy-babae na edad 50 o senior (ang golden gays ay unang kinalinga sa Pasay ni Councilor Justo Justo, entertainment writer ng Bandera, noong ’90s). Ang sex, bagaman di priority, ay naroon pa rin dahil bahagi ng pagsasama. May mga nagsasama dahil sa kanilang negosyo, tulad ng parlor o net cafe. May mga nagsasama para maibsan ang lungkot. Ito marahil ang pinaboran ni lola Ricky Reyes, same-sex union.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Gasak, Meycauayan City, Bulacan): Masigla ang umpukan kapag ang tema ay kainuman.
Kaibigan ba ang kainuman? Hanggang laklak lang ang samahan, lalo kapag siya ang nagpapainom? Ang bote ay alak kapag may laman pa.
Ang kaibigan ay kaibigan hanggang siya ang nagbabayad. Kapag wala nang alak at pera…
***
PANALANGIN: Anghel na tanod, tanglawan at akayin ang mga tagapangasiwa. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Tama po, Sodom na ang bilibid prison. Gunawin na yan ni Digong. Baka magalit ang mga obispo dahil magiging Yawe si Digong. …2165, Rosary Heights, Cotabato.

The post Mga biktima ni Lim appeared first on Bandera.

Diyos nina Bantag, Isko

$
0
0

KUNG ang ikinikilos natin ay malayo sa katangian ng taong ating ipinagmamalaki, mawawalan ng saysay ang anumang ipinagmamalaki. Maaari pa tayong maging kasiraan sa pangalan ng taong ipinagmamalaki natin. Iyang ang Pagsasadiwa sa Ebanghelyo (Esd 6:7-8, 12, 14-20; Sal 122:1-6; Lc 8:19-21) sa kapistahan ni San Isarno de Tolosa, Martes sa ika-25 linggo ng taon.
***
Nakita ng buong bansa nang umiyak sa Director General Gerald Bantag, Torogi, at garalgal na sinambit ang “Diyos.” Sa kampanya pa lamang, “Una ang Diyos,” ani Isko Moreno (Diyos din naman ang una kay German Moreno, at ang idinadambana, at peregrino, ay ang Birhen ng Manaoag, taun-taon). Sina Bantag at Isko ay nagmula sa kawalan. Sila’y namulat (sa magulang) at nakapag-aral na may Ipinagmamalaki (Siya nga, ang Diyos). Si Kuya Germs (mas matanda siya sa akin) ay janitor sa sine Clover at nagdarasal sa Sakramento ng kalapit na simbahan ng Santa Cruz.
***
Berdugo kung tawagin si Bantag ng mga nakakikilala sa kanya. Pumapatay ng masasama, ng mga demonyo. Pero, hindi pa ito napatutunayan ng Korte Suprema. Magaling magwasiwas ng dalawang samurai, nanunudla kahit machine pistol ang hawak (hindi riple, na may sinisipat). At ayon sa mga kritiko, magaling magpasabog ng granada (sa aking 45 taon sa pamamahayag at bilang rifle at pistol shooter, wala pa akong nakilalang magaling sa granada); at sabugan man siya ay wala siya sa ground zero, kaya buhay bagaman sugatan. Pero, ayaw talaga niyang pumatay, maliban na lamang sa mga tinalikuran at kinalimutan na ang Diyos, na patapon at basura na ng lipunan.
***
Nang maging BJMP, simula sa pagiging Marines, nakita niya sa bilangguan ang pagsasama ng iilang mabubuti at nakararaming masasama. Iyan din ang pahayag ng Kasulatan: good and evil co-exist. Ang masasama ay nag-aanyong mabubuti para di mahalata ang malisyang nasa isip nila, para magtiwala ang kaharap. Maging ang warden ay napaniniwala sa kabutihang ipinakita ng masama. Pero, malalim ang pakiramdam ni Bantag. Kapag mabuti ang paligid, may ikinukubling masamang balak. Sa Mateo 10:16-17, Maging matalino nawa kayo gaya ng ahas. Mag-ingat sa mga tao.
***
Sa napagsilbihang city jails, maraming natutuhan si Bantag: pag-iingay ng buong Bilibid Viejo at nakaambang pag-aalsa, na tinustusan ng mga Instik, sa Paranaque. Walang nagawa si Bantag kundi ang mamuhay sa piling ng masasama. Hindi maiiwasan na marumihan ang kamay, pero walang dungis. Sino nga ba ang di namuhay sa tabi ng demonyo? Sa buhay ni Kristo sa lupa ay naganap din ito. Ganyan ang daan pa-langit.
***
Maraming warden at opisyal ng BJMP, maging mga tsuwariwap sa poder, ang nakakikilala kay Bantag. Kaya siya ay itinalaga sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) dahil walang sigalot doon? Pero, mas kilala siya ng nasa poder. “Killer” ang hiningi ni Duterte at berdugo ang kinausap ni Sen, Bong Go. Kung gugunawin ni Bantag ang Munti, iyan ang ulo ng aking kolum noong Biyernes 13 ng Setyembre: Sodom bilibid prison. Di pa nila nakakausap si Bantag noon.
***
UST (Usapang Senior sa Talakayan sa Pag-asa, Obando, Bulacan): Masiglang usapin ang martial law sa senior citizens. Idineklara ni Marcos ang 1081 dahil nakubkob na ng komunista ang mga kolehiyo’t unibersidad, ang labor at maging ang dalawang kapulungan ng Kongreso. Pero, ito rin ang nagaganap ngayon. Pati ilang media ay nasakop na ng komunista. Ang simbahang Katolika ay kakampi rin ng komunista. Sa kabayanan ng Obando, nanahan at namahinga rin ang ilang lider komunista. Iyan ang naganap noon at nagaganap din ngayon.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Binuangan, Obando, Bulacan): Sino nga ba ang nagturo ng katiwalian sa Pinoy? Ang Kastila? Amerikano? Hapon? Ang panlagay ng mga Kastila ay ang tanaw na lupain, na kinamkam ng mga pari sa Indio. Ang katiwalian ng Kano ay ang pagkain at pakikipagtalik sa Pinay. Ang katiwalian ng Hapon ay ang pagwasak sa mga Pinay na birhen. Sa kasalukuyan, mayorya sa umukan ang nagsabing ako at ikaw. Lahat tayo? Walang maliligtas?
***
PANALANGIN: Turuan Mo akong maging matibay sa mga pagsubok na dumarating sa aking tungkulin. Fr. Mar Ladra, SVD, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Nasaan ang safety driving na sinasabi ng LT

The post Diyos nina Bantag, Isko appeared first on Bandera.

Demonyo sa murder academy

$
0
0

MAPANGANIB ang kapangyarihan kung ginagamit sa kawalan ng pagpapahalaga sa tao. Ito’y nagdadala ng pananakit, paghihiganti. Saan sila dadalhin ng kanilang kapangyarihan? Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Zac 8:20-23; Sal 87:1-7; Lc 9:51-56) sa Paggunita kay Santa Teresita ni Jesus, dalaga’t pantas ng simbahan, Martes sa ika-26 ng linggo ng taon.
***
ANG patuloy na pananakit, tulad ng nagaganap sa Philippine murder academy na nauuwi sa pamamaslang, ay patunay na matagal nang nananahan dito ang invasive spirits, isa sa sanlaksang uri ng fallen angels o demonyo. Ang invasive spirits ay dalubhasa sa paghahasik ng depression, despair, chronic anger at hatred. Hindi na napipigilan ang emosyon, nagiging obsessive, habitual at harmful. Ang malalang kalagayan ng akademya ay nagbubukas ng bagong pinto para papasukin ang extreme negative emotions at destructive attitudes.
***
At nang tanungin siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” sumagot siya, “Hukbo nga ako, marami kasi kami.” Marcos 5:9. Marami nga ang invasive spirits, ang nananakit, ang pumapatay sa akademya. Matuwid ang pakay sa akademya: “A cadet does not lie, cheat, or steal, nor tolerate those who do.” Ipinahihiya, dinudusta hanggang sa mawalan ng lakas at kaluluwa; hanggang ma-torture at mamatay ang plebo. Tulad ng mamamatay-tao sa kalye, ang mga kadete ay umerta (tahimik) pagkatapos ng pamamaslang. Gayun din naman ang mga Hudyong dumusta at pumatay kay Kristo.
***
Nangako ang Useless People na wakasan ang “fraternity-related violence and impunity.” Talaga? Matagal na nilang kinokondena ang karahasan kapag may namamatay (lamang), o pinapatay. “We reach out in concern as well to all those who have been victimized by a persistent system of fraternity-related violence engendered by an underlying culture of toxic masculinity, patriarchal values and impunity.” Talaga? “There is no place in the country’s national university for all forms of violence, harassment, discrimination and cruelty, whether committed through physical acts such as hazing and sexual violence, or through mental and emotional abuse committed through acts of bullying and cyberbullying.” Ows (marami pala ang demonic attacks; kayo ang maysabi niyan).
***
Malaking negosyo’t buwis ang diborsyo sa Tate, na pilit na gagayahin sa Pinas, salamat sa panlilinlang ng mga mambabatas. Maraming makokolektang acceptance, appearance, litigation at documentation fees ang mga abogado. Mula sa isang bahay, dalawa na ang maghihiwalay (bagong renta, bagong subdibisyon). Magbigay kaya ng diskuwento ang mga Villar? Imbes na isang bahay, madaragdagan ang “sources” ng mga tsismosa. Madaragdagan din ang benta ng metro ng kuryente’t tubig. Madaragdagan din ang ihahatid ng Grab at Angkas. Dalawang bahay na ang mangangailangan ng kasambahay. Buhay ang ekonomiya.
***
Laman ng aking puso ang antig kahit na nagmamaneho pauwi pagkatapos ng 5 a.m., Friday devotional at votive Mass sa Diocesan Shrine ng Sacred Heart of Jesus sa Scout Ybardolaza, QC (ang Jesus na nalagutan ng hininga). Nanikluhod na humingi ng second collection si Fr. Ramon, SVD, para lamang maipalibing ang kanyang second cousin, na nakaburol sa iskwater sa bahagi ng Singalong, Maynila. Mahirap ang pamilya ng yumao. Mahirap din pala si Fr. Ramon dahil hindi niya kayang ipalibing ang kamag-anak at kapwa dukha. Maraming SVDs na malalapit sa Inquirer, tulad nina Fathers Jerry Orbos, Mar Ladra, Lino Nicasio, Glen Gomez at maging si Bishop Nes Ongtioco, ng Diocese of Cubao at dating spiritual director ng Diocese of Malolos. Meron din palang dukha sa bakuran ng Christ the King, sa kabila ng malalaking retreat houses at contemplative convents sa Tagaytay.
***
UST (Usapang Senior sa Talakayan sa Malhakan, Meycauyan, Bulacan): Masigla pa rin, tila walang katapusan, ang temang martial law sa senior citizens. Para sa mga lalaki, nawala ang prostitutes na nasa “sampayan” kapag gabi. Para sa mga babae, nawala ang mga tsimosa at disiplinado na ang paligid. Nawala ang mga tambay; nawala ang tamad. Tumahimik ang maiingay. Na-diyeta ang malalakas lumaklak ng alak. Nakapagtataka na ang kabataan ang maiingay hinggil sa torture kuno ng martial law. Propaganda ng dilaw.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Saint Francis, Meycauayan, Bulacan): Ang dengue nga ba ay para lang sa mahihirap dahil nananahan sila sa maruming paligid? Dahil burara sila? Bagay at angkop lang daw sa mahihirap ang magka-dengue dahil hindi sila responsable sa paligid. Hanggang sa tamaan ng dengue ang isang anak-mayaman sa isang exclusive school. Sinugod ng nanay ang school at tinarayan ang isang opisyal. Bakit daw sa kabila ng anti-dengue heaters ay tinamaan ng sakit-mahirap ang kanyang hija?
***
PANALANGIN: Mahal na pintakasing Jose, gabay nina Jesus at Maria, ipamanhik mo sa Panginoong Diyos na ingatan ang aming mga anak. Fr. Mar Ladra, SVD, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Bumalik ang shabu. Di namin alam kung lalapit kami sa pulis o barangay. Baka sila involve at kami pa ang gantihan. …1086, Labangal, GenSan

The post Demonyo sa murder academy appeared first on Bandera.

Narco, Corona, Angie Reyes

Komunista challenge

$
0
0

NANGATWIRAN silang parang mga tanga at pinagdimlan ang bulag na kalooban. Sila’y mga lokong nagmamarunong. Ang Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Rom 1:16-25; Sal 19:2-5; Lc 11:37-41) sa Paggunita kay Santa Teresa de Jesus, dalaga’t pantas ng simbahan.
***
Matalino kung ituring si Sal Panelo, bigong tagapagtanggol ni Antonio Sanchez. Ayaw kong maniwala na tanga siya, base sa Unang Pagbasa, nang tanggapin niya ang commute challenge ng komunista, ang grupong nagpalugmok sa buhay sa Northern Mindanao, Negros, Samar, Southern Leyte, Bicol, Quezon, Bataan at Abra (basang sisiw na sila sa Bulacan). Nang patulan niya ang hamon, naging bagong propaganda lang siya ng mga komunista. Nakalatag na plano na pala ang commute dahil ang maraming komunista sa Kamara ay may nakahandang panukalang batas para mag-commute ang mga opisyal ng gobyerno tuwing Lunes. Nasakop na rin ng komunista ang UP dahil sa bagong kurso na “Philippine Studies 21: Wika, Panitikan, at Kultura sa Ilalim ng Batas Militar Pilipinas.” Komunista pag estudyante, burgis pag nakatapos na.
***
Sa hilagang-silangan ng Bulacan, hindi nagko-commute ang mga komunista dahil sa mahigpit na checkpoint ng pulis at militar. Nakasakay ang mga ito sa pribadong kotse, family wagon, o van; at tinted pa. Binigyan ng taumbayan ng mga retrato na kuha mula sa cellphone ang mga pulis at militar, kaya natatandaan na ang kanilang mukha at kilala na rin sila. Lumilikas na sila pa-Aurora, Isabela at Quirino, mga lalawigang lugmok at walang pera ang taumbayan, pero ginagamit sila ng ilang politiko bilang private army. Lumalaban na ang Bulakeno, lalo pa’t ang trabaho at malaking pag-unlad ay magmumula sa pinakamalaking international airport sa Asean. Ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa mga itinakda ng Diyos; at lalapatan ng parusa ang sinumang lumaban. Roma 13:2.
***
Hindi kalbaryo ang mag-commute kung ang gamit ay motorsiklo, na nadiskubre ko noong 2008, nang tumagal ang biyahe mula San Jose del Monte hanggang Chino Roces, Makati. Hanggang ngayon, na tumutukod na ang trapik, 1.5 oras hanggang 2 oras lang ang biyahe. Sa kotse, 4-6 na oras ang biyahe. Sina Sen. Bong Go at Rep Charito Plaza ay nagmomotor. Semplang? Aksidente? Kamatayan? Tanging ang mga riders lang ang handa sa mga pagsubok at mangyayari sa buhay. Ang pagbalanse sa motor ay hugot para sa pagbalanse sa buhay. Ang kamatayan ay hindi kinatatakutan, bagkus pinaghahandaan.
***
Heto na naman ang MMDA, parang sirang plaka. Welcome na naman daw ang “other ideas and proposals to help solve Metro Manila’s gigantic traffic problem.” Ang rebeldeng Danilo Lim ang pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority, wala siyang ideya? Malaki ang suweldo niya mula sa taumbayan, walang bitamina ang kanyang utak? Ang taumbayan ang pinahihirapan ni Lim; wala ka bang utang na loob (kahit na wala yan sa aklat ng rebelyon)?
***
Mahal ko kayo. Iyan ang sabi ni Rep. Edgar Erice sa kanyang lingguhang presensiya sa North Caloocan. Libre naman ang mangarap na maging mayor. Maliit na lang ang kita ng mayor, di tulad ng kinikita ni Erice sa minahan. Ang malalaking negosyante ay di na nagpapadala ng karitilya ng pera. Wa-is na rin. Pero, kung hangad ni Erice ay tunay na paglilingkod, oks yan. Alam mo naman ang mundo. Gumagalaw yan pag may pampatalino. Pera.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Jose, Paombong, Bulacan): Meron pa ring mga pamilya na namumuhay sa tensyon bunsod ng lumang sigalot, kahit sa kasagsagan ng edad. Dahil malalim ang sigalot, at ilan ay nauwi pa sa karahasan, mas lalong lumala ang pagkamuhi at galit ng dalawang kampo, magkakamag-anak man o hindi. Tila walang kapatawaran, na nauunawaan din ng simbahan. Wala pang hidwaan na naihihinto agad. Tanging sa paglakad ng panahon lang huhupa at maaaring magkaron ng kapatawaran.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santo Nino, Paombong, Bulacan): Madaling ihayag ang kahirapan. Ang kahirapan ay kailangang naranasan, kung maaari ay sa matagal na panahon. Sa karanasan ng paghihikahos, may nasusugatan. May naiwang pilat sa paglaban sa karukhaan. Nasaksihan din ang pakikipaglabang mag-isa at halos wala nang tumulong o masulingan. Ang mga kabiguan ay gawing inspirasyon ng pagsisikap. Ang tagumpay ay di pa hudyat ng pamamahinga.
***
PANALANGIN: Inang Maria, aming tagapagtanggol, huwag mo kaming pababayaan. Fr. Mar Ladra, SVD, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Meron ding ninja cops dito. Tricycle driver lang ako at di ko kayang ituro sila. …4387, Fatima, GenSan

The post Komunista challenge appeared first on Bandera.


Murder, mauling Academy

$
0
0

KUNG kasalanan ang inyong sinunod, mapapahamak at matatapos din kayo. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Rom 6:12-18; Sal 124:1-4, 6-8; Lc 12:39-48) sa Paggunita kay San Juan Capistrano, pari, Miyerkules, sa ika-29 na linggo ng taon.
***
Ang nanahang invasive spirits sa PMA, tulad ng ating ipinahayag noong Okt. 4 (Demonyo sa murder academy), ay hindi na aalis sa Fort del Pilar. Ang invasive spirits ay isa sa sanlaksang uri ng fallen angels. Sa huling insidente, na idinokumento ng video, ng panghihiya at panghahamak ng senior cadets sa mga plebo, naghari na ang extreme negative emotions at destructive attitudes ng demonyo, ng invasive spirits. Sa 2019, isa pa lang ang naitalang pinatay na plebo, pero habitual at harmful na ang obsession ng demonyo sa pagkatao ng senior cadets, kaya naman taglay na nila ang chronic anger at hatred (sadyang di ko isinalin ang mga salitang Ingles para eksakto ang turan ng banal na lumaban sa demonyo).
***
Sa paghahari ng chronic anger at hatred, desperado araw-araw ang senior cadets kapag di sila nakapananakit. Ang depresyon ng senior cadets ay saglit na huhupa kapag nakamit na nila ang misyon: ang pagpapahiya at panghahamak sa mga plebo. Tulad ng pinatay na plebo sa dormitoryo (si Dormitorio nga), na tinawag ng mga demonyo na “anak ng diyos,” kailangan na siyang tapusin (patayin) bilang paghahayag ng katangian ng invasive spirits. Winawasak na nga ng demonyo ang PMA, at ang malakas na halakhak ni Satanas ay dadagundong kapag durog na ang institusyon.
***
Tanging ang pulutong lamang ni Fr. Jocis Syquia, chief exorcist ng Pilipinas at pinuno ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism, ang kayang kumilos laban sa fallen angels; ang may gawad na kakayahan na magpalayas ng demonyo. Pero, malayo sa pagpapakabanal ang PMA. Di nga sila tumatawag sa Diyos; at di naniniwala sa Diyos. Sumuway nga ang PMA, lalo na ang mga kadete na sinaniban ng demonyo, sa nais ng Ebanghelyo (Lc 12:39-48): ang di paggamit sa tama ng isa sa mga katangiang handog ng Diyos, ang paghahanda bilang kawal ng aba. Sa Pagninilay sa ating kolum noong Okt 4, halaw sa Paggunita kay Santa Teresita ni Jesus, dalaga’t pantas ng simbahan, mapanganib ang kapangyarihan kung ginagamit sa kawalan ng pagpapahalaga sa plebo, sa tao. Ito’y nagdadala ng pananakit at paghihiganti. Saan dadalhin ng kanilang kapangyarihan ang PMA? Bad deeds and deeds hurtful to us are easy to do; what is beneficial and good, that is very difficult to do. Dhammapada, Buddhism.
***
Sa panayam noong 1987 kay Tay Ne (Nene Pimentel), ang aking di makalilimutang tala, na iginiit niya sa napakarami at bagong politiko dahil wala na si Marcos, ay “lead modest lives.” Ipinayo niya sa mga bagito na ang sinasabing paglilingkod sa mahihirap ay may kaakibat na responsibilidad: integrity at efficiency. Isinulat ko ito sa Manila Times (Anding at Chino) noon. Susmaryosep! Hindi binasa ng mga politiko? Tsk-tsk-tsk.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion 1, Marilao, Bulacan): Marami ang nagtaas ng kamay na ang madalas na makalimutan ay ang pangalan ng pamilyar na mga mukha na nakikita nila, o nakakasalubong sa kalye o palengke (talipapa). Minsan ay nakahihiya, dahil bukod sa pagbati at pagbanggit ng pangalan ng senior, si lolo(a) pa ang magtatanong, “ano nga ba ang pangalan mo?” “Anak ako ni ditse,” sagot sa senior. Mas lalong di maalala ng senior si ditse. Sinong ditse? Ang susunod na marami ang nagtaas ng kamay ay ang susi. Saan nga ba inilagay (iniwan) ang susi? Kapag hindi pa nakita ang susi pagkalipas ng 30 minuto, “violent reaction” na si lolo(a). Marami ang nagtaas ng kamay sa tanong kung kaya pang suklian, at bilangin, ang P1,000. O ilang P100 ang nasa P10,000.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Bulacan): Sadyang di binanggit ang barangay at bayan, o lunsod, para di matukoy ang bakla, o pamilya niya. Ayon sa doktor, may dissociative disorder ang biktima. Isinilang na lalaki, pero bata pa’y bakla na. Nangibang bansa at nagpa-opera, dahil di naman siya purdoy. Ibang-iba at babae na nang bumalik sa tinubuan. Maligaya na? Hindi. Dahil may pera, kaya niyang bilhin ang halos lahat. Hanggang sa muling ibinilanggo sa bisig ng kalungkutan sa gabi at pilit na ngiti sa umaga. Nagtangkang magpakamatay, pero nailigtas. Dinamayan ng militanteng ordinado, namulat at naglingkod sa pananampalataya. Nangibang bayan at kilos-lalaki na. Mas yumaman pa sa Awa ng Habag.
***
PANALANGIN: San Miguel Arkanghel, tulungan mo kaming mapagtagumpayan ang lahat ng kasamaan at patatagin kami sa aming katapatan sa kapangyarihan ng Diyos. Fr. Mar Ladra, SVD, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Malalaki ang sunog ngayon. Bakit walang bagong bumbero? Maging Chinese volunteers ay nananamlay sa aming ciudad. …1894, Lower Calarian, Zamboanga City

The post Murder, mauling Academy appeared first on Bandera.

Impiyerno o Ikatlong Langit?

$
0
0

MAPAPALAD ang mga naulila. May nakalaang ginhawa sa kanila. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Pag 7:2-4, 9-14; Sal 24:1-6; 1 Jn 3:1-3; Mt 5:1-12) sa dakilang kapistaan ng Lahat ng mga Banal.
***
Maraming uri ng ginhawa ang nakalaan sa mga naulila. Ang pinakamahalaga: ang ginhawa na alam nilang tinanggap na sa langit ang kanilang mahal sa buhay dahil ipinagdasal nila ang kanyang kaluluwa hanggang malinis na ng kasalanan. Ang ginhawang ito ay kanila ring madarama kapag pinaghandaan nila ang kanilang kamatayan dahil walang nakatitiyak na ang namatay ay agad na papasok sa Ikatlong Langit, ang pook ng maraming mansyon at silid na hindi kailanman mapupuno dahil mas marami ang pinili ang impiyerno, tulad ng mayaman na nanghamak kay Lazaro.
***
Napakarami ang mas pinili ang impiyerno. Hindi pinipigilan ng Diyos ang kanilang ligaya. Damnation is for the soul who wants to be damned, ani Santa Faustina (1905-1938), Talaarawan 631. Nakita rin ni Santa Faustina ang mga pari, “religious men and women, and high dignitaries of the church… There were lay people of all ages and walks of life. All vented their malice on the innocent Jesus(.)” na mas namuhay sa kasalanan (Talarawan 445). Sa pagdalaw sa mga puntod sa Dia de los Muertos, ang pagkakasala ay karay-karay, imbes na manalangin at magpakumbabang humingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan at napakaraming pagkukulang ng mga yumao.
***
Maraming namatay ang hindi naghanda sa kanilang pagpanaw, kaya ito ang dapat na ipagdasal sa nobena sa mga kaluluwa sa purgatoryo at sa Mahal na Birhen ng Carmelo, ang may tangan ng kalasag laban sa demonyo na walang sawang nasa tabi ng mamamatay at namatay at walang tigil sa pagtulak sa bangin ng walang hanggang apoy. Hindi totoo? Napakaraming buhay na naging santo ang binigyan ng pribilehiyo na makasilip, o tumuntong sa gilid ng apoy, ng impiyerno. Ang world religions ay naglalahad at nagpapatunay na may impiyerno.
***
Ang kamatayan ay alam ng lahat; at huwag nang hintaying magaganap ito bago kumilos para maligtas. Pero, marami pa rin ang hindi naniniwalang malapit na silang mamatay kaya patuloy na nagsasaya sa kasalanan, hanggang sa biglang mamatay. Huli na ang lahat. Ang huling oras ng buhay ay kulang na panahon para hingin ang tulong at pagliligtas. Tatawag ba sa Diyos dahil nakaamba na ang kuko ng impiyerno? Hindi, kailanman, sasagot ang Diyos (nasa mga kasulatan ng Luma at Bagong Tipan; kailan ba nakapagligtas ang tawag na “Mayday”?). Sa huling 15 minutos ng deliryo, di na masasambit ang salitang “Kinamumuhian ang kasalanan.”
***
Hanggang may panahon pa, balikan ang nakalipas. Alalahanin ang 10 Utos ng Diyos, ang basehan ng iyong mga sagot sakaling magbigay ng huling pagsusulit. Masalimuot? Sa bokasyong sick and the dying, mahirap ibangon ang lugmok na sa kasalanan. Pero, may magagawa pa ang “damo” ng paalala sa naghihingalong kabayo: sa iyong konsiyensiya, sinu-sino ang natapakan? Ang huling 15 minutos ay mahaba pa. Sa pagpasok ng last two minutes, nakita ang pagliwanag ng mukha; at nabanaag ang pag-aliwalas ng daan.
***
Sa bihirang mga pangyayari, naringgan ang huling 15 minutos ng kimkim na pahayag ng galit at pagkamuhi. Di talaga mapuknat ang kapit ng kasalanan, ng masama’t demonyo. Sa naghihingalo’t malalakas na buhay, naroon ang galit at pagkamuhi. Hindi nga mapuknat, lalo na sa paligid ngayon. Mas malala. Malalalang mga kasalanan. Sa lahat ng gawain mo, alalahanin ang iyong huling hantungan at di ka magkakasala kailanman. Sirac 7:36
***
UST (Usaping Senior sa Santa Cruz, Angat, Bulacan): Ang Encanto ay banal at religious district sa Angat. Di kumilos ang isang kongregasyon para mabago ang pangalan at maging angkop sa espirituwal na tahak. Kaya naman, ang tanong sa umpukan ay nakikipagtulungan o nakikipag-ugnayan ba ang nagpapakabanal sa demonyo? Ang sagot: oo. Mas lalo sa panahon ngayon. Bumabaha ang horror movies, sa sinehan at TV. Alam ng millenials ang sapi, sanib, diabolical infestations and attacks, atbp. Mas gusto nila ang tinatakot at hinahanap ang mga gawa ng demonyo. Iilan na lang ang lumalaban? Paano kung ang paglusob ay bahay mo na?
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santo Cristo, Angat, Bulacan): Hindi maitatanggi ang dungis na inililihim sa pagsasamang mag-asawa. Marami ang nagpahayag ng katapatan, pero walang tunay na tapat. Nag-umpisa sa tampuhan, nauwi sa sumbatan hanggang sa ikinimkim na lang ang dungis, alang-alang sa mga anak at iba pang tinitimbang na mga bagay-pagsasama. Madalas humahantong sa problema’t kabiguan. Ang temang ito ay naungkat nang dahil sa pagsubaybay sa teledrama ng magagandang artista na dati’y nanirahan sa ilalim ng isang bubong.
***
PANALANGIN: Panginoon, tulungan Mo kaming maintindihan ang tunay na kahulugan ng kamatayan. Fr. Mar Ladra, SVD, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Phlippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Maraming droga sa Naga City. Kaya pala ayaw ni Robredo ng drug war. …1987, Ma-a District, Davao City.

The post Impiyerno o Ikatlong Langit? appeared first on Bandera.

Tutulong, pero natatakot

$
0
0

KUNG tutulong, ito’y upang tumulong. Huwag maging tamad, kundi masikap. Makiramay nang may galak. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Rom 12:5-16; Sal 131:1-3; Lc 14:15-24) sa kapistahan ni San Espino, Martes sa ika-13 linggo ng taon.
***
Nauunawaan ng tatlong structural engineers na nag-volunteer nang giniba ng lindol ang Hyatt Terraces sa Baguio ang matinding pangangailangan ngayon ng Mindanao. Sa loob ng anim na oras, nadagdagan pa sila at ang iba ay itinalaga na lang sa nasirang mga bahay at gusali sa Baguio. Day 2 ito. Pero, iba ang “tulong upang tumulong” sa nilindol na bahagi ng Mindanao. Mahigit sanlinggo na ay wala pang volunteer structural enginners, lalo na sa liblib na mga bayan ng Cotabato. Maging Red Cross ay hindi binababa, o inaakyat, ang mga lugar sa Cotabato, atbp. Maraming structural engineers na masipag at hindi ipinagkakait ang kanilang tulong sa biktima ng mga kalamidad, lalo na ang lindol. Pero takot sila, at ayaw, sa mga liblib ng Moroland.
***
Maging mga alkalde ay pinayuhan ang tutulong mula sa Imperyo Maynila na huwag magtungo sa mga liblib; huwag magbigay ng pera, pagkain, atbp sa daan. Wala ring nakitang mga pari’t madre o kinatawan ng iba pang relihiyon at sekta na bumaba, o umakyat, sa mga liblib. Tigib ng kuwento ng manliligalig, terorismo, kidnaper na Abu Sayyaf (wala raw Abu Sayyaf sa Cotabato, ows), Maute, BIFF, Pentagon, mamamatay-tao, IED (improvised explosive device) ang liblib na Mindanao.. Bakit nakikiamot ng pera, pagkain, gatas ng bata ang ilan sa kanila (gayung noon ay hindi sila tumestigo laban sa masasama; o kundi’y tumulong na ilapat, at makamit, ang hustisya sa mga biktima)?
***
Ilang sundalo na ng Army engineering brigade ang pinaslang sa mga liblib? Hindi madaling naglaho ang memorya ng volunteers ng Imperyong Maynila at alaala pa rin nila ang pinatay na mga kasama, dalawa ay pinugutan na lang dahil imposibleng makapagbigay ng ransom. Gayunpaman, maawain pa rin ang Imperyo sa kabila ng lahat. Kahit may impit na kalooban ay tutulong pa rin sila nang walang inaasam na kapalit. Iyakan lang ang Imperyo ay mahahabag na iyan at magbibigay. Ito’y taliwas sa iniaatas ng Islam: Those who act kindly in this world will have kindness. Qur’an 39:10.
***
Kung sablay si Aaron Aquino kay Oscar Albayalde, mas lalong sablay siya ngayon kay Leni ROBredo; na noon ay sinabi niyang di makatutulong kontra droga gayung wala naman itong alam. Pero ngayon ay payag na siyang makatrabaho sa Robredo pagkatapos ng paghirang ni Duterte bilang co-chairman kontra droga. Nakarma si Aquino. Ang kanyang hinusgahan noon ay makakasama pala niya sa trabaho (buti na lang pakipot si Leni). Pero, wala nang magagawa at naroon na ang sampal kay Aquino. Aral: huwag maghusga; di ka naman Diyos. May solusyon si Ferdinand Marcos kontra droga at hindi ito madugo dahil isa lang ang na-firing squad (ang Intsik na Lim Seng). Nagbukas si Marcos ng special courts para lamang sa mga kasong droga. Sa loob ng isang buwan ay may guilty verdict na. Teka, noong Undas ay nagpamisa ako para sa kaluluwa ni Marcos sa St. Paul of the Cross Parish, sa Vicariate ng Santo Nino, Diocese of Novaliches.
***
Katangahan ang itaas ang buwis ng daing. Sa Luzon, Visayas at Mindanao, maging sa Pag-asa island, ang mga mangingisda ay nagbibislad at ito ang kanilang ulam kapag masama ang panahon. Kung mahal na ang presyo ng daing sa palengke’t grocery dahil sa tangang batas, kikita ang mga mangingisda dahil ibebenta nila ito ng mas mura at tiyak na dadagsa ang mamimili. Saan ngayon ang kita ng gobyerno? Kitam!
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Tiaong, Baliwag, Bulacan): Instant noodles sa senior? Tila nagkulang ang gobyerno sa pagmumulat sa matatanda na masama sa kalusugan ang instant noodles. May mga calories din ang instant noodles, pero wala itong nutritional value na makadaragdag sa resistensiya. Mataas ang asin at fat content ng instant noodles. Mahilig ang matatanda sa paghigop ng mainit na sabaw, pero ang instant noodles ay pag-igsi ng buhay at paanyaya sa mga sakit. Ang nakalulungkot, mismong ang gobyerno ang namamahagi ng instant noodles kapag may bagyo, baha at kalamidad. Sa labas lamang ng Bulacan Provincial Hospital, nakasalansan ang ibinebentang instant noodles; endoso ng DOH na healthy diet?
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Tilapayong, Baliwag, Bulacan): May mga batas para sa kalinga’t alaga ng senior citizens at disabled. Pero wala sa youngest citizens; ang mga batang edad 2-6. Ayon sa mga psychologists at social scientists, sa ganitong edad mapagtanong, mapag-usisa, at madaling matuto ang mga bata. Hindi mapatatawad ang gobyerno, lalo na ang mga magulang (lalo na ang mga walang pinag-aralan), na hindi nagmulat ng mga bata sa mabuti. Bagkus, ang turo ay mali (karaniwan ang birthday ng mga bata na may lasingan ng matatanda, na nakamulatan ng bata na tama). Lumalagpas ang yugto ng “absorptive mental state” ng mga bata kaya’t nakatatandaan na nila ang pagiging bobo.
***
PANALANGIN: Lumalapit kami sa Iyo, mapagmahal na Ama. Humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Tumitindi sa pananalanta ang lindol. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Horatio Imperata ang dasal ng mga paring Passionists dito sa Fatima. Parang walang gamot sa hilo at nerbiyos. …3109, GenSan.

The post Tutulong, pero natatakot appeared first on Bandera.

Dapa, Leni, dapa!

$
0
0

ANG karunungan ay di pumapasok sa tampalasan, ni nananatili sa katawang alipin ng kasamaan. Lumalayo siya sa kahangalan at di mapalagay kapag may nagaganap na walang katarungan. Karunungan 1-7, Unang Pagbasa. Labis na mahiwaga para sa akin ang ganyang kaalaman, napakatayog para aking maabot. Salmo 139:6. Ang Ebanghelyo (Kar 1:1-7; Sal 139:1-4, 6-10; Lc 17:1-6) sa Paggunita kay San Martin de Tours.
***
Oo nga naman. Dapat hindi ngakngak nang ngakngak si VP sa gera kontra droga; na ikinairita ni Speaker Cayetano (pero bumuwelta si VP at sinabing ang madaldal ay si Cayetano pa). Sa Pagninilay, turan si VP dahil inamin niyang “listening” pa siya dahil nga wala siyang alam sa raid, encounter, rules of engagement at tactics vs active shooter(s). Inakusahan niya ang PNP at PDEA na pinatay ang mga tulak at adik pero ni isang kaso ay wala siyang iprinisinta (tapos na ang Kian de los Santos case at nilitis ang tatlong pulis sa demandang murder, at hindi EJK; dahil wala naman talagang EJK sa kodigo penal (abogado ka pa naman). Ang walang alam, lalo na karanasan, sa gera kontra droga, ay walang karunungan. Napakatayog at mahiwaga ba ang gera na di niya kayang maabot?
***
Napasok na ba ni VP ang mga pasilyo sa Bacoor, Cavite, balwarte nina Sen. Bong Revilla at misis na si Lani? Makikipot na kalye sa Novaliches, Sauyo at Bagbag, QC, na nililinis ng masisipag na mga pulis na sina Cejas at Francisco? Mga pathwalk sa Camarin at Bagong Silang sa North Caloocan, na may rubout ng mismong nga sindikato na pumatay ng lima sa Bagsak, P8A? Mga rough road sa Gaya-Gaya at iba pang barangay sa San Jose del Monte City, Bulacan, na buwis-buhay ang mga bata ni Col. Castil? Naranasan na ba ni VP ang panggagahis ng mga adik, lalo na sa gabi? Kung hindi pa ay wala ngang karunungan si VP sa gera. Pero, kung mapilit si VP ay isasama naman siya ni PDEA Aquino sa operasyon (average stakeout/waiting time: 3-5 hours, at gabi pa). Sasama rin ako (alam ko ang active-shooter engagement) dahil nais kong marinig si Aquino na sumigaw ng: Dapa! Leni! Dapa!
***
Ang unang “Dapa” ay para makaiwas sa bala, kahit out-of-range na, o .38 lang ang gamit ng kalaban kontra semi-auto pistol ng mga pulis at PDEA. Ang ikalawang “Dapa” ay talinhaga; nadapa na si VP dahil sa “ignorance of the job.” Pero, ang unang nadapa ay ang mga kandidato (at isang kandidata) ng Otso Diretso; matatalinong abogado at dekano pa. Dinurog at dinusta nila si Duterte sa gera kontra droga, gayung hindi naman kandidato ang bababaero’t matandang matapang. Tumulong pa ang simbahan sa paggiba kay Duterte sa kanyang gera kontra droga at halos ipahiwatig sa mga homilia na ang hindi boboto sa Otso Diretso ay diretso sa impiyerno.
qqq
Pagbibigyan ko ang aleng tsinelas noon, leather heels ngayon at may political close-in pa na si Bolet: paano kung tama si VP?
You foolish men accusing women for lacking reason when you yourselves are the reason for the lack. Sor Juana Ines de la Cruz, nun, 1651-1694, New Spain, Mexico City. Santa-banal ang relihiyosang madre, ang unang ipinagmalaki ng makasalanang Latin America. Totoo yan. Pero sa 21st century, kailan malalaman na mali ang mga lalaking naghusga sa kanya?
***
Ako’y nagpupugay kay Lamberto Antonio, 73, na tinawag naming Kuyang sa unang Abante sa ibabaw na palabag ng sauna bath sa Quezon av at naging nobelista ng Bandera. Namayagpag si Kuyang Bert, poet-screenwriter (Insiang ni Lino Brocka) sa 2019 Palanca awards, sa 69th edisyon ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Turno Kung Nokturno at Iba pang Tiyempo ng Rilyebo sa Pagberso). Bagaman di personal na magkakilala, inatasan ni Eileen Mangubat, dating publisher ng Bandera, si Kuyang na isalin ang isang serye ng matalinong lathalain. Si Kuyang ay bahagi ng Bandera, kabilang ang mga Palanca awardees na sina Jim Libiran at Domeng Mirasol (Mga Linta sa Lagarian, nobela). Ang kanilang nahan ay gintong dahon sa pahayagang nakaabot ng sirkulasyong 180,000 at average na 100,000-90,000. Meron ding Palanca awardee na naging bahagi ng Bandera (Tonight), si Ariel Borlongan (tula), dangan nga lamang at isinulat niya ang “30” sa edad na 60.
***
Ang aking sariling pakikidalamhati kina Robina at Dekdek (Frederick Go, Robinsons Land Corp., taga-Bandera rin) sa pagpanaw ni John Gokongwei Jr., sa edad na 93. Si Mr. John ang unang avid fan ng Bandera, araw-araw, sa almusal. Ang sabi niya (sa akin) ay mas una niyang binabasa ang kolum ni Jim Libiran, bago sapilitang basahin ang mga ulo ng Manila Times (editor-in-chief, Ricky Agcaoili, JMJ +). Pagkabasa ng kolum, nakangiti si Mr. John; “It’s real,” aniya. Hi, Alex Reyes, ng Cebu Pacific.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion, Paombong, Bulacan): Sadya bang pagal na sa buhay dahil sa katandaan kaya’t di na masigla ang pakikipagtalastasan, talamitan at pakikipag-ugnayan sa kapwa senior? KKK na lang (Kanya, Kanya sa Katandaan) para iwas abala’t ligalig? Pero, tila ganito na rito. Walang pakikipagtulungan at koordinasyon, kahit bigkis na ng samahan. Hanggang discounts na lang ba ang buklod? Wala na ba ang kumustahan ng magsing-edad, kahit makasalubong sa kalye o makasabay sa pila?
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Malumot, Paombong, Bulacan): Hindi dami ng sasakyan ang sanhi ng trapik, kundi lubak at sirang mga kalye. Kahit na ang itinuring na “best and matured” drivers ay di umubra sa mapanganib na mga kalye.
qqq
PANALANGIN: Makapangyarihang prinsipe San Miguel, ipagsanggalan at patatagin mo kami. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Hanggang di nagbabago ng ugali si Pangulong Duterte, hindi hihinto ang mga kalamidad, lindol ar baha, sa Mindanao. Kaya Digong, magsisi ka na. Bumalik ka na sa Panginoon. …1820

The post Dapa, Leni, dapa! appeared first on Bandera.

Walang alam si VP

$
0
0

KAHIYA-hiya ang magkunwari. Kung maililigaw sa pagkukunwari, madadala lamang ako ng kahihiyan sa aking katandaan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 Mac 6:18-31; Sal 3:2-7; Lc 19:1-10) sa kapistahan ni San Crispin, Martes sa ika-33 linggon ng taon.
***
Mahirap pagkatiwalaan si VP, na napatunayan nang wala talagang alam sa droga, sa talaan ng HVT. Halata na, na nagkukunwari lamang siyang may alam, pero wala talaga; at ang pagkukunwaring yan ay malaking kahihiyan sa kanyang pagtanda. Ang pagpanggap na may alam ay madaling mahalata dahil ang kanyang mga salita ay nagmula lamang sa kahog, at hindi karanasan. Iginiit niyang sa HVT siya mag-uumpisa sa kanyang trabaho? Mag-umpisa ka sa ibaba dahil nariyan ang kalakaran sa droga na walang humpay sa kabila ng mga raid.
qqq
Sa North Caloocan, dalawang pugad ang hindi mapasuk-pasok ng PDEA: ang Balwarte sa Phase 8B, ng Bagong Silang (pinakamalaking barangay sa Pinas) at ang Dose, ng Tala. Sinubukang pasukin ng NBI ang Dose noon: isang ahente patay. Sinubukang pasukin ng mga pulis ang Balwarte: 2 patay, sa bungad pa lamang. Bumalik ang mga pulis; dalawang trak na SWAT at isang trak na sundalo, walang dinatnang mga residente, maliban sa mga batang naglalaro sa pathwalk.
***​
Cat-and-mouse game kung ilarawan ng dating hepe ng pulisya ang sindikato. Sa madaling salita, mas matalino ang sindikato kesa pulis. At tiyak na mas matalino sila kesa kay VP, dahil hindi sila madaldal. Dahil sa labis na pananahimik, mabilis na nakaiisip ng “innovative ways” ang sindikato. Umaalis at nagpapalamig ang sindikato kapag sunud-sunod na nalalagasan sila. Ang taga-Balwarte ay tumawid lang ng Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan, pero handa pala ang mga tropa ni Col. Castil; at bumulagta na lang sila sa dilim.
qqq
““Paano ko mae-ensure nang hindi ko nga alam? Paano ko ito ma-e-ensure na nahuhuli iyong mga high-value targets, kung hindi ko nga alam kung ilan ba ang high-value targets? Ano ba iyong status doon sa pagtugis ng mga high-value targets, ano ba iyong available na impormasyon na saan ba iyong kakulangan,” magagaang tanong ni VP. Ang HVT ay malalansag kapag sinimulan ang low-value targets (LVT). Kapag mainit na ay naglalahong parang bula ang HVT, tulad ng mayor sa Iloilo, na batang Drilon, kadilawan ni VP.
***​
Hindi tinutugis ang HVT dahil hindi sila snatcher na biglang tumatakbo pagkatapos makapanghablot. Ang HVT ay binibitag sa pamamagitan ng pagsubaybay sa mga politiko’t heneral ng PNP. Sanggang-dikit ang mga HVT sa mga politiko’t heneral, at maging sa isang presidente, kaya mahirap bitagin. Kung malapit nang mahuli, agad silang nakalalabas ng NAIA (mahuhuli kasi sila kapag lumabas sa Cebu, Davao o Clark).
***​
Malinaw na walang alam si VP, at nangangapa. Pero, ang karanasang ICAD, sana, ay “educational” kay VP. Mag-aral, linangin ang impormasyon, alamin ang susunod na tamang hakbang, saka magsalita, lalo na sa media. Matalino si VP. Malalaman din niya ang lupa, kung tatapak siya. Mas lalo siyang tatalino kung di muna siya makikinig, at pauuto, sa mga dilaw. Paano ka makalilibot kung di mo alam ang lugar? Maliligaw ka lang.
***​
Nakalulungkot naman ang pagpanaw ng editor na si Cris Martinez, na ang kaarawan ay kapistahan pa man din ni San Crispin. Labis na dinamdam niya ang pagkakawalay sa pahayagan. Ayaw niyang umalis sa pamamatnugot. Dalangin para sa iyo at pakikidalamhati sa mga naulila.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion, Pandi, Bulacan): Wala namang ganitong pamumuhay dito (walang umaamin). Pero, masigla ang opinyon sa tanong na kaya ba sa lumalagong kalunsuran sa buong lalawigan ang maaliwalas na kalye (road clearing sa MM), walang naninigarilyo’t umiinom ng alak sa publikong lugar, sumusunod sa batas trapiko, walang droga, walang tsismisan? Hindi kaya. Hindi rin mangyayari ito. Pero, para sa matatanda na inabot ang martial law, nangyari ito. Kahit panandalian lamang. At natikman ang kaayusan.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Siling Matanda, Pandi, Bulacan): Hindi namamana ang kahirapan. Pero, tila ito ang pasya sa umpukan dahil ito ang kalakaran ng maraming pamilya. Karpintero si lolo, “labor” si anak, tricycle driver si apo. Hindi lang sila nagsikap at sinamantala ang libreng edukasyon. Malaking tema’t halimbawa sa lalawigan ang sinapit ng kusinerang taga-San Rafael, na kusinera-maestra na ng White House sa Amerika.
***
PANALANGIN: Banal na Espiritu, mapanibago Mo nawa ang kaisipan. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinatagugod ng Philippine Daily Inquirer.
qqq
MULA sa bayan (0916-5401958): Saan ba galing ang murang sigarilyo rito? …5467, Magnaga, ComVal​

The post Walang alam si VP appeared first on Bandera.

13th month para sa malls

$
0
0

ANG itinuturing na may pinag-aralan at pantas ang siya pang ayaw maniwala’t makumbinse. Di kailangang makapangyarihan, matalino’t mayaman para magsulong ng mabuting bagay. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 11:1-10; Sal 72:1-2, 7-8, 12-13, 17; Lc 10:21-24), sa Paggunita kay San Francisco Javier, pari’t masayahing misyonero (kasamang nagtatag ng Society of Jesus), Martes sa unang linggo ng Adbiyento.
***
Gutom, o pantawid-gutom o pang-alis-kalam lang ng sikumura, ang handog ng mga politiko sa sasapit na Pasko. Panlibang ang ginto ng SEA Games dahil wala nang iba (lupaypay na kasi ang isyung Leni La Alam). Panakot ang China, pero ang mahihirap ang namamakyaw ng panindang Made in China; nagkakapalitan ang mga mukha sa halos araw-araw na salubungan sa malls, ang pinaglaanan ng 13th month pay ng obrero padre de pamilya. Alam ng mga may pinag-aralan at pantas na mali ang ganitong buhay pero sila mismo ang nagpapalaganap at nagpapatuloy nito.
***
Gutom na Pasko, kasi mas lalong nadagdagan ang bilang ng walang pera’t mahihirap: mga biktima ng lindol sa Mindanao (nahihirapang bumangon at wala pang nakatitindig mula sa guho), mga binagyo ni Tisoy (puwera pa ang dalawang beses na inilugmok sa Norte) na imbes na damit, pagkain at regalo ay uunahin ang yero, kahoy at semento, at pamilya ng mga suspek at biktima ng droga. Bukod dito ang taun-taon mahihirap sa Pasko: ang mga walang pinag-aralan at nakamamatayan na lang ang pagiging sangkahig-sangtuka (at maluwag pa nilang tinanggap na ito nga ang malupit nilang kapalarang inilaan ng Diyos). Susme.
***
Pareho na ngayon ang ligalig ng mahihirap sa kanayunan at kalunsuran: pagkain, damit, pamasahe, disenteng tirahan, edukasyon at ospital. Maraming industriyang alam ang mga may pinag-aralan at pantas, pero wala sa kanayunan (ah, oo nga pala, may NPA na kanlong ng mga politiko’t pari). Hindi inaalis ang mahihirap sa geologically hazardous areas, tulad ng fault line, guhuin (landslides) at bahain. Isa rin itong dahilan kung bakit may malupit na kapalaran. Ipapasa na lang ang ganitong sinapit sa susunod na henerasyon, na ang masasabi na lang ay minana nila ang kahirapan.
***
Hindi masisisi ang ilang opisyal ng PNP kung bakit nananamlay na sila sa kampanya kontra droga. Bukod sa labas-pasok na mga suspek sa bilangguan (pera-perang sabwatan ng imbestigasyon at piskalya), lumalaki ang komunidad na tanggap na ang bisyo, tulad ng Bacoor, Cavite; Novaliches, Payatas at Batasan Hills sa Quezon City; at North Caloocan. Sa araw-gabing panghuhuli ng mga pulis, may mga mayor at congressmen pa ba ang mga pugad na ito? Mahigit dalawang dekada na ang mga Revilla sa Bacoor at marami pa rin ang shabu. Ang mga pulis na sina Cabatingan, Cejas at Francisco na lang ang tapat sa tungkulin.
***
Tsubibong kampanya kontra korapsyon ang istilo ng gobyerno, mga politiko at hudikatura. Bakit ang mga tagapamahala ng DAP at PDAF na sina Noynoy Aquino at Butch Abad ay inililigtas sa demanda? May bagong desisyon ang mataas na hukuman na hindi pananggalang ang “good faith.” Ang malinis na Panfilo Lacson ay hindi kumikibo sa partisipasyon nina Aquino’t Abad sa katiwalian. Dedma rin kay Lacson ang pananagutan ni Aquino sa napintakasing SAF 44 (porke kaibigan niya si Aquino?). May mga kasong isinampa kay Aquino, nahindi gumugulong. May pinag-aralan at mga pantas nga sila.
***
Walang bago’t kamanghamangha sa palabas sa pagpapasinaya sa 30th SEA Games. Kinoberan ko noon ang Kasaysayan ng Lahi ni Imelda Marcos sa pagbubukas ng Folk Arts. Bongga ito, bagaman iilan lang ang sayaw; pero naipaabot sa taumbayan ang makulay na kasaysayan ng ating lahi. Galit ang matatanda, tulad ko (rider at magre-renew ng lisensiya ng mga baril sa edad na 70), dahil di man lang kinilala at pinasalamatan ang magkapatid na Garcia sa kanilang walang kamatayang “Manila.” Sa Culver at Daly cities sa California, “Manila” ang tinutugtog sa kalye, at nakikisayaw ang mga Kano dahil galing din sila sa Manila, bukod sa turan na San Francisco at Disneyland. At nakisayaw pa nga si Duterte (Rodrigo, hindi Sara).
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Pungo, Calumpit, Bulacan): Bonus ka na ba ngayong Pasko? Ang bonus na tukoy ay mula sa Diyos, at hindi sa amo (tao). Masuwerte ang umpukan; may bonus. Lagpas pa nga ng 70 ang iba at isa ay makaaabot pa ng 80. Di naman nakalilimot magpasalamat ang matatanda, bagaman noong bata’t malalakas pa ay bihirang tumingala’t tumawag sa Diyos. Sa pagtanda, tila ayaw nang mawalay sa Diyos. Buhay nami’y umabot ng 70 taon singkad. Minsan nama’y umabot ng 80, kung malakas. Awit 90:10.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Marcos, Calumpit, Bulacan): Karaniwan na lang ang makarinig, at makasumpong, ng galit na tao. May nagmumura; naghahamon. Kapag nauwi sa pananakit, gulo. Kapag may nasawi, kaso. Kapag may kaso, may kalaboso. Wala na bang makapagpipigil ng galit? Sa tahanan o tarangkahan? Sa Ingles, anger is useless.
Ang taong magagalitin ay laging napapasok sa gulo; laging nakikipag-away dahil sa init ng ulo. Kawikaan 29:22.
***
PANALANGIN: Tulungan Mo akong pigilan sa pagsasalita’t pagkilos ng di nararapat. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Maraming may alam sa droga rito pero tahimik lang. Mabuti pa si Vice Leni. …6734, Fatima, GenSan.

The post 13th month para sa malls appeared first on Bandera.

Alak, Babae, Shabu (ABS)

$
0
0
DI lamang ang maipagmamalaking mga kamag-anak ang binanggit kundi maging ang mga kahiya-hiya. Iyan ang Pagninilay sa talaangkanan ni Kristo sa Ebanghelyo (Gen 49:2, 8-10; Sal 72:1-4, 7-8, 17; Mt 1:1-17) sa kapistahan ni San Florian, sa mga huling linggo ng Adbiyento.
o-o-o
Magpa-Pasko noon nang patayin ng sindikato ng droga sina Mac-Mac at pinsan, ng North Caloocan. At nang kapanayamin ang nanay, nagpasalamat pa siya’t pinatay ang kanyang anak na wala nang pag-asang magbago simula nang maging adik sa shabu (ABS ang tawag noon sa padre de pamilyang lulong sa bisyo; na ang ibig sabihin ay alak, babae at sugal. Ang sugal ay shabu na, dahil mas may thrill daw). Ang pamilya ni Mac-Mac ay kilalang palasimba; kumukumpleto ng Simbang Gabi dahil 30 hakbang lang ay nasa loob na sila ng Ina ng Laging Saklolo.
o-o-o
Hindi siya pinabayaan ng ina dahil lahat ng pakiusap at paraan ay ginawa nito para lamang mawala ang shabu sa buhay ng anak. Mismong ina na rin ang nagsuko sa anak sa pulisya kaya itinala ito bilang drug surrenderee. Pero, sadyang palos si Mac-Mac at hindi matiyempuhan ng mga pulis. I-salvage na ninyo, atas ng ina sa pulis, dahil wala nang magawa ang mga layko’t pari para magbago ang nalihis ng landas.
-o-o-
Sa kasalanan ay may karimlan. Pero si Maria, sa Ina ng Laging Saklolo (deboto ang nanay ni Mac-Mac sa Kanya) ay may gabay ng liwanag “because her womb contains the heavenly light (Fr. John Macalisang, Mother Mary, Patroness of Philippine History).” Kasalanan ang pinili ni Mac-Mac, hanggang sa iniwan na siya ng asawa’t anak; ikinandado na rin ng nanay ang maliit na bahay para di makapasok ang anak at muling manggulo, kasama ang barkada. Sa Simbang Gabi sa mga huling araw ng Adbiyento, walang bakas ng dalamhati ang nanay, na masayang tumutulong sa simbahan.
o-o-o
Sa sinapit ng anak, mayaman na sa karanasan ang ina, na umaming di niya kayang labanan ang demonyo. Noo’y binalewala lang niya ang mga bisyo ng anak, at ipinagdasal na magbabago rin ito, tulad ng ginawa ni Santa Monica (nagbago si Agustin at naging santo pa’t pantas ng simbahan). Pero, mali pala na dedmahin ang demonyo dahil mas lalo lang siyang naglatag ng maraming bitag at panlilinlang para magtagumpay ang tentasyon “until it becomes almost impossible for us to resist them.”
o-o-o
Nilalabanan din ng PNP ang demonyo na dala ng mga sindikatong Intsik na galing China. Mali man ang gamit na salita pero natutuwa na rin ang PNP dahil ang mga biktima ng sindikato ay kapwa nila Intsik. Sila-sila. Ang unang ABS (Alak, Babae, Sugal) ang dala ng mga Intsik (pera pa rin ang ugat ng lahat). Bawal ang sugal sa China kaya dito sa Metro Manila ang malalaking operasyon. Magaan ang parusa kontra sugal sa Pinas; di tulad sa China na bitay. Bitay ang parusa sa droga sa China. Ang batas na bitay na ikinakasa sa Pinas ay kinokontra ng mga politiko at hanggang ngayon ay tagumpay ang mga hungkag na opisyal.
o-o-o
Simple kidnaping lang (at hindi complex) ang mga kasong nalutas ng PNP na kinasangkutan ng mga Intsik. Madali nga nilang nalulutas ang mga kaso (papuri sa PNP). Meron silang hiningi sa panahon ng isang dating opisyal na magkaroon ng Mandarin (atbp) classes para maintindihan nila ang mga Intsik at hindi sila niloloko kapag nag-uusap ang mga ito, lalo na sa presinto. Umalis ang dating opisyal at nakabimbin ang request. Kung may US Peace Corps Volunteers noon, na nagturo ng Ingles sa mga lalawigan, sana’y meron ding magtuturo ng Mandarin, sa ilalim ng nilagdaang cultural exchange ng bansa at China.
o-o-o
Ang unang dapat gawin sa problema sa pagbabasa ng kabataan ay amining malaki na ang problema at hindi ang pagbabalangkas ng kung anu-anong gagawin para malutas ito. Kaya nga nagkaroon ng problema ay binalangkas ang K+12, na hindi naman angkop sa Pinas. Malinaw na problema na rin ang pagdagdag ng dalawang taon sa pag-aaral ng kabataan. Hindi tumalino ang kabataan sa dagdag na dalawang taon.
o-o-o
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Vicente, Malolos City, Bulacan): Inaalikabukan na lang ang mga panukalang batas sa Kongreso na nagpapalawig ng mga benepisyo sa senior citizens at dagdag-proteksyon kontra abuso. Ilan sa mga panukalang batas ay ginamit para makakalap ng boto ng matatanda sa nakalipas na halalalan. Pero, malabo ang sinasabing tulong sa senior dahil ito’y nakapaloob sa di malinaw na “assistance program.” Anong “assistance” at anong programa? Nadenggoy na naman ang matatanda, na patuloy pa ring pinaaasa.
o-o-o
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa santo Nino, Malolos City, Bulacan): 2019: Sa talaan na isinumite pagkatapos ng talakayan hinggil sa “mahahalaga,” hindi pera o gadgets ang nanguna. Ang mahalaga pala, ngayong Pasko’t Bagong Taon ay “relationships.” May ibig ipahiwatig ito. Panandalian na lang ang relationships at sa bawat pagbabago ng relasyon ay lalong nagiging komplikado ang buhay at nagiging magulo.
o-o-o
PANALANGIN: O Diyos, tulungan Mong laging alalahanin ng ina ang ibinigay Mong pinakamahalagang tungkulin. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
o-o-o
MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit pag kalamidad, nawawala na ang mga tauhan ng isang sekta. …3124, Magnaga, Pantukan, Davao de Oro.

The post Alak, Babae, Shabu (ABS) appeared first on Bandera.


Chainsaw murders, MC taxis

$
0
0

ANG 2020 ay nakasalalay sa ginawa ngayong 2019. Kapag nagkamali, itutuwid sa pamamagitan ng pamalo, gaya ng ginagawa sa tao, pero di babawiin ang pagtangkilik. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (2S7:1-5, 8-12, 14, 16; Sal 89:2-5, 27, 29; Lc 1:67-69) sa mga huling linggo ng Adbiyento, sa kapistahan ni San Delfin.
***
Isang kahindik-hindik na patayan ang tinaguriang chainsaw murders. Hindi ito lihim dahil sadyang ipinakita ang paghati, o pagputol, sa ilang bahagi ng katawan ng tao, sa pamamagitan ng umiikot na kadenang lagari para makarating ang balita sa mga kalaban at magsilbing panakot at pantaboy. Nakatali ang mga kamay at paa sa puno, hanggang lumapat ang chainsaw at pumulandit ang dugo. Ang chainsaw murders ay alam ng ilang mamamahayag, pero di nila ito ihahayag. Hindi na ito, kailanman, maaabot ng kamay ng batas at hustisya. Ang mga gumawa nito ay nariyan pa, malalakas at maimpluwensiya. Nagkakapitasan (resbak) na nga.
***
Mas lalong ginugulo ang serbisyong motorcycle taxi dahil kumikita na ito ng P100,000 arawan, neto. Mahusay ang takbo ng MC taxi at araw-gabing inaasahan sa Makati, lalo na sa Central Business District at Pasong Tamo. Pinahina ng MC taxi ang Grab at taxi cab. Matindi ang inggit ng mga buwitre sa MC taxi dahil bago sumapit ang Pasko ay ikinasa ang gutom sa mga riders. Para sa demonyo, makatao yan. Nang nagkakabatuhan na ng putik ang Angkas at LTFRB, tumindi ang panawagang isara na ito nang tuluyan dahil pilot case lang ito at ipasa na lang sa Kongreso ang susunod na kabanata. Napakaraming kesyo-kesyo, tulad ng mga aksidenteng kinasangkutan gayung wala namang police report. Naroon din ang umano’y hayok na mga rider sa pasahera gayung wala namang nademanda ng panghihipo. Dama na ang maniobra sa MC taxi, tulad ng nangyari sa Uber at hatchback; gayung isa lang naman ang namatay sa aksidente ng hatchback, ang manunulat na si Chit Sombillo, ng Manila Times.
***
•May bagong programa ang pulisya, sa ilalim ng PNP Patrol Plan 2030 at Project ROADRIVE ng Aurora Provincial Police Office. Ang ROADRIVE ay Ridding Operations against Underage Drivers and Not Registered and Illegally-parked Vehicles, na isinasagawa ni Capt. Namoro, sa pamamahala ni Col. Raul Siriban. Sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan, ipinatutupad ni Capt. Mondejar, lalo sa gabi, ang Oplan RODY (Rid Our streetss of Drunkard and Youth). Bagaman hindi ito ipinatutupad sa Metro Manila sa di malamang dahilan, ang Project ROADRIVE at Oplan RODY ay misyon na maging maayos ang mga lalawigan sa 2020. Kung ano ang sinimulan ngayong 2019, ipagpapatuloy at aanihin na lang sa 2020.
***
Sa ROADRIVE, nakita ng PNP ang mumunting krimen na lumalaki at lumalawak dahil sa simpleng paglabag sa batas-trapiko at ilegal na paggamit ng di rehistradong mga sasakyan. May kampanya ang MMDA at DILG laban sa illegally-parked vehicles pero tila hindi na ito magpapatuloy sa 2020. Unang pinananagot ang mga mayor. Nagbago. Pananagutin na lang daw ang mga barangay chairman. Kawawa sa Kap. Panakip butas kay Yorme.
***
Ang sunud-sunod na pagkatalo ng PCGG sa mga kasong isinampa laban sa pamilya Marcos ay tulad din ng 89 kaso na isinampa laban sa akin bilang mamamahayag ng apat na pahayagan at isang pioneer provincial weekly (Cavite Ngayon); sa loob ng mahigit apat na dekada. Dismis lahat ng kaso dahil mahihina, o halos walang ebidensiya ang iprinisinta ng mga kalaban. Karamihan sa mga kaso ko ay mula sa makapangyarihang mga opisyal ng gobyerno. Resbak ng malakas sa mahina. Ang aking mga panalo ay nasasaad sa Ika-8 Utos ng Diyos. Sa panalo ko at pamilya Marcos, umiiral pa rin ang Best Evidence Rule (noong Nob., nagkataong nagkita kami ni ex-mayor sa firing range sa Bulacan. Nagligpit ang hukluban at lumayas). Mga journo, banat!
***
It was good a woman had succeeded Marcos because a man would have been interested in revenge. Yan ang sabi ni Cardinal Sin nang iluklok ni JPE si Cory (hindi si FVR, ayon sa aking tala noong kumober ako ng EDSA ‘86). Ang mga panalo ng pamilya Marcos sa mga kasong isinampa ng PCGG ay resbak at benggansa lang. Basta makasuhan, bahala na si batman. Napakatagal naman ng dismissal ng mga kasong sa umpisa pa lang ay wala palang katibayan.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Bagbaguin, Meycauayan City, Bulacan): Anong trabaho ang walang suweldo, walang reklamo? Ang mag-alaga ng mga apo. Dumarami ang Sona rito: solong nanay. Mistulang paanakan na lang sila ng mga panganay at ang tagapag-alaga ay mga lola. ‘daming biyaya ng mga lola: mahabang buhay para nag-aalaga ng mga apo. Meron din namang nag-aabot ng pera sa mga lola; meron din namang wala. God provides at naitatawid ang mga apo. Matiisin talaga ang mga lola. Di sinisisi ang pariwarang anak, bagkus minamahal pa.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Gasak, Meycauayan City, Bulacan): Sa mga Christmas reunions, hindi nadama ang muling pagkikita dahil kalahati ng oras ay ginugol at naaksaya sa gadgets. Ang gadgets ay nagsilbi ring simbolo ng karangyaan. Pag mahigit P100,000 ang gadget, wow. Pag Cherry Mobile C2 lang, eh di wow. Hindi na rin napag-uusapan ang edukasyon at antas ng kaalaman. Basta may pinakamahal na gadget at magarang sasakyan, no questions asked kung saan man ang mga ito galing.
***
PANALANGIN: Patatagin Mo ang aming luklukan sa susunod na taon. Sal 85:5
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Salamat Digong sa masaganang taon. Tulong pa more sa LGU. …7309, Bongabong, Pantukan, Davao de Oro.

The post Chainsaw murders, MC taxis appeared first on Bandera.

Iwasan, toxic person(s)

$
0
0

IYAN ang maigsing Pagninilay sa Ebanghelyo (1 Jn 1:5, 1 Jn 2:2; Sal 124:2-5, 7-8; Mt 2:13-18) sa Kapistahan ng martir na mga Sanggol na Walang Kamalayan. Toxic people ang turan ng mangangaral na Bo Sanchez dahil isinama na niya ang mga toxic sa Bagong Dekada. Pero sa Ebanghelyo, isa lang ang turan: ang napakataas ang tingin sa sarili na nilamon na ng galit.
***
Kung may toxic noon, dumami nga sila ngayon. Mangyayari uli ang nangyari noong una; gagawin uli ang ginawa na noon — walang bago sa ilalim ng araw (Ecc 1:9). May mga mata sa kanyang ulo ang marunong; samantalang naglalakad naman sa dilim ang hangal (Ecc 2:14). Hindi sila magkaiba at pareho lang, sa Bagong Dekada. Mamamayagpag, magpapatuloy nang may bagong sigla.
***
Dahil uusad na ang mga kaso sa mga obispo, bubuhayin muli ang panlulugmok kay Duterte. Mas pinag-isipan ito at kaiba sa paninindigan ng CBCP noong 1985. Bago iluklok si Cory ni JPE, ang apela ng mga obispo sa mga Katoliko ay ibinase sa religious sentiments at hindi sa katuwiran at kaisipan. Sa halalang nagdaan, katuwiran at kaisipan laban kay Duterte ang ginamit at hindi ang nalalaman at kasanayan ng mga kandidato. Talo ang Otso. EJK? Basyong bala na lang yan at balik-Amerika.
***
Susugal muli ang ilang obispo (hindi ang buong CBCP) kung paano gisingin ang oposisyon. Pero, ang problema, ilan sa kanila ay mga “emeritus” na at kung may kumupkop na diocese ay hindi naman all-out ang suporta sa kanila. Ilang kongregasyon ng madre ang pinasabihan na, pero isa lang ang matapang sa demanda at ang pagkilos ay sa bangketa na lang. Hindi pa kasama rito kung makahahatak sila ng suporta sa mahihirap, sa taumbayan.
***
Maaaring makakuha ng dagdag “bala” ang matatandang obispo sa ipasasarang network, na ang payo nga ni Duterte ay “…ipagbili na ninyo ‘yan. Kasi ang Pilipino ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan.” Pero, nag-iisip ang network. Hindi confrontational ang ginawa ng dalawang oligarko na may hawak ng tubig, pero sa ilalim ay dumadaloy ang kanilang gagawin. Napakaraming bala na nga ito laban kay Duterte.
***
Hindi mag-uumpisa sa taon ito ang bakbakan. Magpapatuloy ito hanggang 2022, eleksyon. Kailangang madurog ang lider ng bagong imperyo dahil kapag nanatili ang impluwensiya’t poder, wala nang buhay ang mga nawala sa puwesto. Sa tagal ng dadaang panahon, wala nang makaaalala sa mga Aquino. Para sa kalaban, hindi maiiwasan ang isang toxic. Kung alam lang nila ang pamamahala sa Davao City, ang mga dating kalaban ay kakampi na ng Imperyo — para lamang mabuhay ng payapa at masagana. Ang tanong nga sa Ingles: Where can they find a new start?
***
Magiging madugo ang banggaang Duterte at simbahan. Sa umpisa ng bagong dekada, muling palalakasin ang kontrobersiya sa sinasabing predator priests, na kailanman ay hindi nasalag ng simbahan sa Pinas at ng maging Vatican. Epektibong bala ito ni Duterte sa umano’y panghihimasok ng simbahan sa kanyang pamamalakad. Maging si Pope Francis ay wala na ngang mabagawa sa isyu ng predator priests, kundi buksan ang mga bagong kaso sa kaalaman ng publiko at iagawad ang parusang kanoniko. Ayon sa Talaarawan 1107 ni Santa Faustina, “it is up to us whether we receive God’s grace or not. It is up to us whether we will cooperate with it or waste it.”
***
Nasaan ang mga trapo ng Sorsogon? Lugmok ang mahihirap sa dalawang bagyo. Ang Sorsogon ay parang Eastern Samar na rin. Hindi na makaaalis sa kahirapan ang mahihirap. Nakita ko ang pangangaroling sa mga simbang gabi ng mga semenarista para lamang makabili ng yero sa may 10 simbahan, at mabubungan na rin ang kanilang mga seminaryo. Umuwi silang nakakalap ng sapat na halaga. Pero, walang nangangalap ng tulong at pera para sa mahihirap ng Sorsogon. Mayaman lang ang lalawigan sa politiko’t NPA (meron naman daw cute trapo. Cute din ang tulong).
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion 1st, San Jose del Monte City, Bulacan): Mas marami pa rin ang mga lalaking senior na namumuno sa mga organisasyon, kabilang na ang market stall holders, kesa babaeng senior. Maaaring mas malakas ang mga lalaking senior kesa babae, o kundi’y bawas na sa “ikot” ang mga babae. Mas gusto ng mga senior citizens na kumikilos sila o may pinagkakaabalahan sa barangay, mga kapilya’t parokya. Ang paglawig ng edad ng mga senior ay malaking biyaya ng langit, na siya namang ikinaiinis ng ilang tindahan o establisimento dahil kailangang may discounts sila. Dahil sa dami ng senior, kulang ang sinehan.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Sapang Palay Proper, San Jose del Monte City, Bulacan): Bagaman di pa maituturing na magulo ang paligid, ilan sa mga naunang residente ang nananawagan ng disiplinang Marcos. Maingay na at makalat ang dating paraiso na ang relocatee family mula sa iskwater sa Metro Manila ay binigyan ng 1,000 square meters. Salamat Imelda, anila. Sadyang ganoon nga kaya, na kasama ng kaunlaran ay ingay at kalat. O kawalan ng disiplina.
***
PANALANGIN: Alisin Mo sa puso ang galit at masasamang hangarin. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Nasaan ang sinasabing murang bigas dito? …3489, Araibo, Davao de Oro•

The post Iwasan, toxic person(s) appeared first on Bandera.

Tama si VP, palpak nga

$
0
0

Pagbasa sa Ebanghelyo (1 Jn 3:22, 4:6; Sal 2:7-8, 10-12; Mt 4:12-17, 23-25 ) sa kapistahan ni San Andres Besette, Lunes kasunod ng pagpapakita ng Panginoon.
***
Hindi palpak ang giyera ni Duterte kontra droga. Nag-iisa si VP sa nagsabing palpak ito. Ang mayorya ay sumusuporta na kay Duterte dahil nawala, lumayas o nakakulong na ang demonyong mga adik at tulak. Napakaraming demonyo at hindi sila maubus-ubos, kaya patuloy pa rin ang mga operasyon ng pulis at PDEA kontra droga. Wala na ngang nagdadalamhati sa pagkamatay ng mga adik at tulak, lalo na sa North Caloocan. Hindi na sila bumubulagta sa Bagong Silang at Camarin at sinasalubong na lang sila ng bala pagtawid sa San Jose del Monte City, Bulacan (salamat sa mga pulis ni Col. Castil).
***
Insanity is doing the same thing over and over again, but expecting different results, anang kasabihan. Patuloy pa rin sa panlilinlang si VP at ang malaking kasalanang iyan ay kinondena noon pa mang panahon ng Lumang Tipan at termino ng mga Ebanghelista. Para sa mga mananampalatayang Katoliko, di sila mabibitag ng panlilinlang ni VP dahil ang kanyang mga pahayag ay di kumikilala sa katotohanan at mas lalong di kumikilala sa Diyos base sa tudling ni San Juan apostol. Panahon pa naman ng pagpapakita ng Panginoon pero iba ang udlot na pagpapakita ni VP sa droga, na noon pa sanang bago magpascua.
***
Sa aking panayam noon kay PC Narcom chief Gen. Ramon Montano bago mag-EDSA breakaway (hindi ko isinulat na “revolution” ang aking kinoberan noon dahil wala naman talagang himagsikang sumiklab kundi ang repeke ng dila ni Cardinal Sin), ipinaliwanag niya na walang permanenteng numero (estadistika) sa kampanya kontra droga. Araw-araw ay nagbabago ang numero ng mga sindikato’t sugapa (para kay Montano, hanggang naroon sila, durugin; hanggang may marijuana, sunugin). Marahil, ito ang pagkakamali ng PDEG (PNP Drug Enforcement Group).
***
Ang numero ng PDEG ang ginamit ni VP para tawaging palpak ang gera kontra droga ni Duterte. Hindi na-update ng PDEG ang numero at ito rin ang reference ng PDEA. May problema rito ang PDEG at dapat sabunin bago sibakin ni Duterte ang mga natulog sa pansitan. Pero, ang napabayaang numero ng PDEG ay hibla lamang sa ulat ni VP dahil ang pangkalahatang estadistika ay mula sa DILG, lalo na ang post incident evaluation, na lumaya na ang maraming barangay sa kuko ng droga.
***
Sige. Sabihing tama si VP na palpak nga ang gera ni Duterte kontra droga. Palpak dahil hindi isinama ni Duterte sa kanyang listahan ang nakalipas na pangulo, DILG secretary, narco generals, atbp., ang siyang nagpalala ng problema sa droga, na ipinasa lang kay Duterte. Kilala at malapit si VP sa mga ito. Silang lahat ay nasa ilalim ng malawak na payong ng Liberal Party. Hindi rin isinama ni Duterte ang mga network na kontrolado ng LP (ang mga ito ang siyang bumabanat sa kanya at nagtatanggol pa kay Joma). Isa lang ang isinama ni Duterte: Leila de Lima (dahil sa “mabiyayang” lobby sa US, marami na ang kakampi ni D5).
***
Mapurol ang pag-aaral at ulat ni VP sa Duterte drug war. Imposible ang kanyang inaasam. Mahirap na bansa lang ang Pinas at mayaman lang sa dakdak at pambobola. Alam ng lahat, maliban kay VP, na ang makapangyarihang Amerika ay, kailan man, di nagtagumpay sa gera kontra droga, pero kaya niyang patayin ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng Iran sa pamamagitan ng precision drone. Walang tapang-Duterte sa Sur America kaya nilamon na ng droga ang Mexico at Colombia. Bagaman hindi nagupo ni Duterte ang sindikato ng droga, ilan sa kanila ay kilalang mga politiko, komunista’t pari, malaki ang ibinawas ng pagkalat ng shabu at araw-araw ay may nasasabat, maliit man o malaki.
***
Kung sa tingin ni VP ay tama ang kanyang pag-aaral, mahihikayat niya ang mayorya ng mamamayan at iiral ang teyorya ni John Locke. Sa ilalim ng kaisipan ni Locke, ang taumbayan ay may karapatang ibagsak ang gobyerno ni Duterte, o ikulong at patayin ang pangulo. Sa kaisipang Locke, karapatan ng taumbayan na magrebelde kontra “despotic and tyrannical government.” Pero, taliwas ang boses ng masa sa mga survey. Paano ngayon yan, VP?
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Borol 2nd, Balagtas, Bulacan): Mga nais ng matatanda (hindi ikinahihiya ang edad dito) ngayong taon: normal na kolesterol at angkop na blood pressure. 120/80 ang normal pero ang dumalo sa maliit sa salu-salong pasasalamat ay 130/80. Maraming kondisyon sa salu-salong tinapang hasa-hasa, ensaladang mang•ga (manibalang), pritong itik at bandeha ng prutas na macopa, sinuguelas, duhat, •balimbing at bayabas: walang politika, walang problema sa pamilya at puro lovelife lang (pag malungkot, hindi lovelife yan; puwede rin yung kuwentong amor na bawal).
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Wawa, Balagtas, Bulacan): Tila mahirap iwasto, sa maigsing oras ng tulog at paggising, ang pagkakamali (higit ang maraming pagkakamali). Ang mahirap ding iwasto ay ang pakikialam, sa gawain man, pamilya o kapitbahayan. Napakahirap na temang tinalakay sa umpukan ang pagkakamali at pakikialam. Pero, inilulusot (pinagpipilitan) pa rin ang maling nagawa sa ilang pansariling kadahilanan. Sadyang ganoon nga yata; na hindi sinusunod ang utos na patawarin ang nagkasala.
***
PANALANGIN: O makapangyarihang prinsipe San Miguel, tulungan mo kaming mapagtagumpayan ang kasamaan at panlilinlang. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
-o-o-
MULA sa bayan (0916-5401958): Pa-simple lang sila. Bumabalik ang droga. Digong, tabang. …1665, Maco, DavOro

The post Tama si VP, palpak nga appeared first on Bandera.

Sex, bulkan, sex

$
0
0

ANO’NG mga sagabal para sa kabutihan? Iyan ang Pagmamasid sa Ebanghelyo (1S1:9-20; 1S2:1, 4-8; Mc 1:21-28) sa kapistahan ni San Felix de Nola, Martes sa unang linggo ng taon.
***
Inabsuwelto raw ng Vatican ang kilalang pari ng pangmomolestiya sa dalawang sakristan. Hindi batid kung sino sa mga opisyal ng Vatican ang nagpawalang-sala sa pari, pero ang dekreto ay nilagdaan ng obispo sa Pinas, na pinaglingkuran ko pa sa nagdaang halalan. Nakagawian na ang ganitong pagdinig na may kinalaman sa sexual abuse ng mga pari ay mananatiling lihim at ni isang pahina ng pagsisiyasat o bista ay hindi ibinubunyag. Pinagpala ang paring inireklamo dahil ang kaso ay isinampa bago pa man hiniling ni Pope Francis na maging bukas at ipagtanggol ang mga biktima.
***
Pinagpala talaga ang paring ito dahil marunong siyang “umespada,” mangalap ng pera sa ngalan ng simbahan, hanggang sa nabuking siya ng malaking negosyante. Hindi siya naging pari rito, pero siya’y Pinoy at nakipagdilatan pa sa isang talk show host para lamang ipadama na siya’y nagsasabi ng katotohanan (ibang tema na naman, at hindi sekswal). Bukod sa ambo ng mga parokya’t kapilya, mistulang pulpito din niya ang ere. Marami ang naniwala’t nagtiwala, bagaman hindi pa panahon ng pagdating ng anti-Kristo. Muntik na siyang makapagmisa para sa mga maysakit sa isang pambansang dambana, pero nakatunog ang kura’t rektor nito kaya…
***
Dahil absuwelto sa kasong laman, ibinalik ang kanyang tungkulin sa healing ministry, sa kondisyong makikipag-ugnayan muna siya sa pamamahala. Pinatawad na rin daw ng pari ang mga sakristan na nag-akusa sa kanya. Pero, bakit niya aakusahan ang mga sakristan na naging sagabal sa kanyang ministriya kung walang poot na sumingaw sa pagitan ng mga bitak?
Hindi ko ginagawa ang mabuti na gusto kong gawin at nagagawa ko ang masamang ayaw kong gawin. Roma 7:19.
***
1976, sa isang press club. Namangha ako sa kayabangan ng isang lasing. Hindi naman masama, aniya, ang magyabang basta’t kaya at walang inaapi. Noong Enero 13, alas-9 n.u., pagkalipas ng 44 taon, inilubog ng abo ng bulkan ang kanyang magandang resthouse. Bigla niyang naalala ang kanyang mga kakilala/kaibigan. Lugmok na siya sa buhay at tanging ang lumang resthouse na lang, na may patabaing mga baboy sa likod-bahay, ang alaala ng kanyang karera, na nagbigay din naman ng malaking biyaya at kasaganaan. Ayon sa mga Ebanghelista, ang mayabang ay ibinababa at ang nasa ibaba ay itinataas.
***
Noong Nob. 2019, dumalo ako sa healing mass sa Parokya ng Birheng Lourdes sa Tagaytay, at sa di kalayuan ay ang magara at mamahaling condo. Marami pang unit ang basyo dahil sa mahal na presyo: P16 milyon sa sahig na wala pang 50 square meters (di pa kasama ang iba pang buwanang gastos kapag nakalipat na). Kung ang bibili ng pinakamaliit na unit ay pangit, magiging guwapo siya dahil sa prestihiyo na dala ng pangalan ng condo. Sige na nga, bumili ka na ng unit na may buhangin ng bulkan.
***
Ang tanyag na pari sa Cebu, Roy Cimagala, ay naniniwala na kailangang pag-usapan na sa publiko ang sex (Sex should not be taboo no more! The Freeman). Aniya, sinasamantala ng demonyo kapag ang tema ng sex ay taboo. Pero, kailangang talakayin ang sex nang may pag-iingat at kaalaman. Ang sex, aniya, ay biyaya ng Diyos. Naalala ko tuloy na ang Bandera ay dinudusta ng mga pari noon dahil sa siyentipikong kolum ni Dr. Margarita Go Singco-Holmes. Maingat at matalino rin naman ang pagtalakay ni Dr. Holmes sa sex at napakarami ang sumubaybay, at naniwala, sa kanya. Sa kabila ng ilang demanda kontra Bandera, walang moralista ang nagdemanda kay Dr. Holmes. Tama si Fr. Cimagala: maingat at maalinong pagtalakay sa temang sex.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion, Meycauyan, Bulacan): White board ang ginamit sa talakayan, dahil ang tema ay walang mahingan ng libreng hearing aid ang ilang mahihirap na matatanda.
Nahahawa raw sa matatandang bingi ang mga opisyal ng barangay at munisipyo kapag ang itinatanong/hinihingi ay hearing aid. Mahal ang instumentong ito at di kaya ng simbahang Katolika (maraming parokya rito ang kumakalinga sa matatanda, bukod sa ang mismong church workers ay senior din). Ang problema sa pandinig ay nadiskubre nang mag-field work ang mga estudyante ng isang kolehiyo. Bingi na nga ang matatanda, pero mas bingi pa pala ang gobyerno.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Saint Francis, Meycauayan, Bulacan): Isang tanyag na mamamahayag ang namatay kamakailan; nang di man lang naalala ang kanyang katanyagan noon. Hindi siya ang tema ng umpukan kundi kung may makaaalala pa sa kilalang pangalan, sa barangay man o sa bayan, kapag namatay na siya. May nagsabing wala nang pakialam sa kanya ang bagong henerasyon, nakaukit man sa barangay ang kanyang pangalan. May nagsabing dapat ay magpahinga na siya dahil hindi na siya mahalaga sa bagong sibol. Habang may bagong henerasyon taun-taon, mas lalong itinatabi sa limot ang may pangalan. Iyan daw ang buhay ngayon.
***
PANALANGIN: Panginoong Jesus, turuan Mo akong maging kalugud-lugod at maging matibay. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit galit ang mga radio anchors sa Maynila sa Angkas at nakamotor? Dito sa Mindanao, nakatutulong ang riders, lalo na sa liblib. …1882, Pakibato, Davao.

The post Sex, bulkan, sex appeared first on Bandera.

Pang-aapi sa nakamotor

$
0
0

HINDI nilikha ang batas para sa atin. Hindi tayo nilikha para sa batas. Dapat may katarungan ang batas para sa kapakanan ng tao, hindi para sa iilan na makikinabang nito. Iyan ang Pagsasaayos sa Ebanghelyo (1 Sam 16:1-13; Sal 89:20, 21-22, 27-28; Mk 2:23-28) sa paggunita kay Santa Agnes, Martes sa ikalawang linggo ng karaniwang panahon. Sa Pagsasaayos, binibigyan ng pag-asa ang lahat tungo sa maaliwalas na buhay.
***
Patuloy ang pang-aapi ng mga opisyal ng gobyerno’t mga politiko sa mga nakamotor. Nanindigan pa sila na ipahinto na ang paghahanapbuhay ng MC taxis; at wala silang pakialam kung di umabot sa trabaho ang may 100,000 obrero araw-araw, lalo na yung nasa Makati, Pasig, Maynila, Quezon City at South Caloocan. Matindi ang lobby ng malalaking negosyante para ipahinto ang MC taxi, gamit ang lumang batas na di na angkop sa lumalakas na ekonomiya ng Mega Manila. Hindi muna pumopronte sa isyu si Duterte pero ang masidhing pagkilos ni Sen. Bong Go ay patunay na ang administrasyon ay para sa kapakanan ng nakararami at hindi sa mga switik at mapanlinlang.
***
Nakopo na ng aninong sindikato ang mga network, kumaintarista (komentaristang walang kabusugan sa libre at mamahaling pagkain) at bloggers kaya ang kanilang mapanlinlang na opinyon ay kontra riders. Lahat ng kagaspangan sa pagmamaneho ay ipinukol na sa riders, pero wala namang tinukoy ng mga pangalan o kaso. Basta’t makapanira’t makapanlait ay natumbasan na ang materyal na itinapal sa kanilang kaluluwa (wala ngang kaluluwa). Kunwari’y nagpapayo na nakamamatay ang pagmomotor. Di ba’t sinabi sa Ebanghelyo ni San Marcos noong Enero 8 na walang dahilan para matakot ang palaging na kay Kristo? God never abandons a soul. Talaarawan 1315 ni Santa Faustina.
***
Ang pamamagitan ni Go sa sigalot, na ikagugutom ng riders kung natuloy ang panlilinlang, ay patunay ng pagbibigay ng pag-asa para sa maaliwalas na buhay ng nakararami (Pagsasaayos) at hindi ang konti pero maperang impluwensiya ng manlilinlang. Nanindigan si Go na di dapat ipatigil ng DOTr TWG ang pamamasada ng MC taxi (pilot testing) at naniwala ito (TWG) dahil nasa kusina mismo ni Duterte si Go. Tumutulong din sa riders at pasahero si Sen. Grace Poe. Balewala sa manlilinlang at politiko ang aral na sinapit ng anak ni Erap sa eleksyon. Dahil iginiit niya ang lapidang plaka sa harap ng motor, limang milyon boto ang nawala sa kanya. Olatchika.
***
Panlalansi ang sinasabi ng manlilinlang na “high risk of injury and death to riders and passengers” ang motorsiklo. Walang ganoong nangyayari sa MC taxis. Kung pagbabasehan ang news CCTVs, ang kamatayan ng riders at pasahero ay dahil sa matuling pagpapatakbo, bulagaan, semplangan sa kurbada at pagmamaneho nang lasing at naka-shabu. Ang unang rider na aking nakapanayam ay si Onofre D. Corpuz.
Naka-big bike siya at pumapasok sa kanyang tanggapan sa Arroceros, Maynila, sumasampa sa bangketa ng Quezon bridge, tumatalon sa gutter para maabot ang flag-raising ceremony sa DECS. Halos lumipad ang motor si OD pa-Tagaytay para lamang makaabot sa 12 noon conference sa DAP. Nazi helmet pa ang suot ng makisig.
***
Nalinlang at nalason na ang LTFRB ngayon. Maraming kontrobersiya at intriga sa ahensiyang ito dahil sa gabundok na pera, ayon sa progresibong mga tsuper ng jeepney. Halos suntukan na ang labanan ng mga opisyal dito kaya pinalaya ang tapat na si
Aileen Lizada, dating opisyal ng LTFRB. Tila pagod na ang ale sa suntukan at intriga kaya ang ipinayo na lang niya sa TWG ay “rethink (its) decision for the sake of the riding public.” O hangaring masama! Saan ka nanggaling upang palaganapin sa lupa ang panlilinlang? Sirac 37:3
***
Gagamit ng pag-aaral ng Biblia si PNP chief Archie Francisco Gamboa para mapagbago ang tiwaling mga pulis. Sinu-sinong tiwali ang pagbabaguhin mo? Sa PCP? Sa Extension Office? Sa station? Sa City Hall detachment? Sa District? Sa Region? O mismong sa Crame, na mas kabisado mo dahil sa tanggapang kaalaman mo sa comptroller, budget division, bids and awards, secretariat, logistics, directorial staff, atbp? Atty, naghihintay ang bayan at matitinong parak. Mataas ang turan ko sa iyo. Ako’y umaasa na paiiralin mo, lalo na sa North Caloocan, ang Oplan RODY at Oplan RoaDRIVE. Kaya mo ‘to.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion, Baliwag, Bulacan): Kapag may maintenance medicines at nananalagin na ng banal na haplos, wala nang sigla ang pagtatalo sa mga isyu at politika. Wala nang bakbakan at balagtasan. Kung nakararanas man ng kawalan ng kalinga at lingap ng gobyerno, puwedeng ihanay na lang sa “di bale na lang, matanda na kasi” o kundi’y nasa “last trip” na, huwag nang pansinin yan. Sa nalalabing mga araw, paano nga naman hihintayin ang pangako ng politiko? Sa umpukan, tila bigkis ang pananaw ng nagbibilang ng araw.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Tiaong, Baliwag, Bulacan): Bakit hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tukso ng sex? Wala namang bago sa sex at wala ring orig dito. Bakit ito ang pinagkakaabalahan gayung hindi naman yayaman ang mahilig dito? Bagkus problema pa nga raw: sa pera’t asunto. Sa pera, wala nang pantustos, baun pa sa utang. Sa asuntong rape, pera pa rin sa areglo, o kalabosong pangmatagalan. Madaling magpakasarap; sakripisyo ang magpakatino.
***
PANALANGIN: Sa ngalan Mo, iginagapos ko ang puwersa ng kasamaan na kumikilos laban sa amin. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinaaguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Fake ang MC ban sa Metro Manila. May nais lang magkapera riyan. …2875, Estoy, Labangal,GenSan.

The post Pang-aapi sa nakamotor appeared first on Bandera.

Viewing all 138 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>