Quantcast
Channel: Lito Bautista Archives | Bandera
Viewing all 138 articles
Browse latest View live

Lason-isip ng simbahan

$
0
0

HUWAG Mo kaming pabayaan dahil nahaharap kami sa pag-aalipusta. Akayin kami sa katotohanan at turuan Mo kami. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Dn 3:25, 43-43; Sal 25:4-9; Mt 18:21-35) sa Martes sa ikatlong linggo ng Kuwaresma, sa kapistahan ni Santa Margarita Clitherow.
***
Sa Salmo 25, sumapit na ang panahon ng pagtawag sa Diyos (lahat ng relihiyon ay may Diyos at ang Kanyang Salita ay nalalahad sa bawat Pagtuturo) dahil sa ligalig dulot ng halalan sa Mayo. Sa muling workshop na ipinatawag ng isang diocese sa Metro Manila para sa kanilang laylayang-layko, ipinahayag ng nakatataas na mga layko kung anu-ano ang “ibababa” (sasabihin) sa mga botante sa parokya.
***
Unang kasinungalingan (sa aking pakiwari, pero di hatol) ng simbahan ay ang paggiit (hanggang ngayon) na si Atty. Maria Lourdes Sereno ay biktima ng kawalan ng katarungan ni Duterte (kailan naging isyu sa mahihirap si Sereno?). Mismong mga kasama ni Sereno sa Korte Suprema ang nawalan ng tiwala sa kanya dahil sa kanyang hayagang pagsisinungaling sa SALN. Ang masakit: ang buong simbahang Katolika raw ay suportado si Sereno. Ha? Iba ang paninindigan ni Father Dean Rannie Aquino hinggil sa quo warranto.
***
Ikalawang kasinungalingan: ikinulong si Leila de Lima nang walang kaso. Ha? Mga kaso ng droga sa Muntinlupa at isang kaso ng pagsuway sa QC ang dinidig kontra De Lima. Pitak ko sa dalawang serye ng kolum ang mga kasalanang laman ng pari’t madre, na inamin ni Cardinal Chito Tagle sa Roma, at tahimik na di pinansin ng simbahan at CBCP.
***
Ikatlong kasinungalingan: ang pagkiling ng Sandigan Bayan kay Imelda kaya nakapagpiyansa. Maraming paring abogado pero di sila kumibo sa hatol kay Imelda base sa “financial interests.” Ha? Interes lang yan at wala pang ninakaw. Kapag inapela sa Korte Suprema, baka acquitted na naman si Imelda.
Sa halalan sa Mayo, malaking isyu pa ba si Imelda sa mahihirap? Bakit binubuhay ni Dutere ang department of human settlements?
***
Ang ikatlong kasinungalingan ay ang malisyosong akusasyon na sasakupin ng China ang Pinas dahil ito ang nais ni Duterte. Dito pa lang ay nagkasala na ang simbahan sa paglabag sa Ika-8 Utos ng Diyos. Paalala sa CBCP: tumanaw naman ng utang na loob sa mga Intsik. Simula 1571, pitong beses na itinayo ang Manila Cathedral, ang unang tatlo ay gamit ang pawid at kawayan. Sa ikaapat ng pagtatayo ng Manila Cathedral sa Intramuros, di nagpabayad at humingi ng pagkain sa mga pari ang mga piling Intsik na dalubhasa sa stone works, na naglatag ng adobe at apog. Bakit galit ang simbahan sa mga Intsik gayung milyones na ang naitulong ng mga matriarkang Gokongwei at Sy sa kanila, lalo na sa mga obispo?
***
Ang mga paring Kastila ay tagamando (construction foremen) lang sa mga Indio at Intsik, na sa mata ng mananakop ay ka-ranggo lang ng kalabaw at aso. Sa mga batong tulay, moog at arko sa Pagsanjan, Tayabas, Candelaria, San Pablo at Romblon (Fort Santiago at Fort San Andres), mga Intsik na dalubhasa sa pagtiltil ng marmol at abobe ang pinagtrabaho ng mga prayle nang walang suweldo; at higit pa sa otso oras.
***
Simula 2008, motorsiklo na ang gamit ko para makarating sa kalye Mascardo, Makati, mula sa North Caloocan at SJDM City, Bul. Bihira na akong magmaneho ng apat ang gulong. Bahala na, susunod ako sa malaking plaka sa harap ng motor, na atas ng mangmang na mga politiko. Exempted ba ang mga pulis-intel at SOG na walang plaka at ilaw sa harap at likod ang mga motor na gamit sa operation?
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Lawang Pare, San Jose del Monte City, Bulacan): Sa karamihang talakayan ng senior citizens, di lumiliban sa usaping pera. Demonyo nga ba ang pera? Tulad ng pag-iingat sa kalusugan, mas ibayo ang gawin sa pera. Di ba’t sa pera umaabuso?
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Cutcot, Pulilan, Bulacan): Mas maaya’t malinis ang pamumuhay sa barrio. Kung may pera, sige, sa Valenzuela o Meycauayan ka. Kapitbahay ang mga magnanakaw, lasenggo at rapist.
***
PANALANGIN: Sa pagsapit ng halalan, sa Iyo ako, Panginoon, umaasa sa lahat ng araw. Pagninilay, Salmo 25:5.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Sige Inday. Kung saan ka, doon kami. Hindi nila alam kung gaano karami ang magpapakamatay kay Inday Sara. Nol Disomangcop, …9118, Lasang, Bunawan, Davao City

The post Lason-isip ng simbahan appeared first on Bandera.


Talo sina Go’t Bato?

$
0
0

NAGHUHUKOM ang mga politiko ayon sa haka-haka’t maling kaalaman. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Dn 13:1-9, 15-17, 19-30; Sal 23:1-6; Jn 8:12-20) sa Lunes sa ikalimang linggo ng kuwaresma, sa kapistahan ni San Walter de Pontoise.
***
Nahusgahan na nina Gordon, JV at Duterte ang mga riders kaya kailangan silang magdusa sa mataas na multa at maaksidente dulot ng plaka ng tanga. Una kong naisulat na nagkaisa ang mga riders, pamilya’t kamag-anak, pati na ang nakikisimpatiyang angkas, na, labag man sa kanilang pasya, ay iboto ang otso deretso para lamang makaganti. Higit na hagip ng ganti si Sara.
***
Nang madama ni Duterte ang suplina ng ganti, kumambiyo, bagaman sablay. Ipasususpinde raw ang RA 11235, ang Motorcycle Crime Prevention Act. Sasabit si Duterte dahil nilagdaan na niya ang batas at binabalangkas na nga ang IRR para maipatupad ang butas. Naunawaan ni Gordon si Duterte dahil “political misstep” daw at matatalo ang mga balimbing at sampay-bakod na kanyang ikinakampanya. Baka raw matalo sina Go’t Bato. Tsk-tsk-tsk (laking kahihiyan).
***
Nataranta si JV (natural, ayaw niyang matalo nang dahil sa plaka ng tanga, na kasali siya). Di niya binanatan si Duterte, bagkus pinuri pa at sinabing “listening president” si damatan (‘sensiya na, panahon yan ng naspu lang, dehins goli). Magkakaroon daw ng “common formula” sa IRR. Hindi pa ba common formula na lumagda sina Gordon, JV at Duterte sa batas? Hoy, hindi tanga ang mga riders.
***
Labis ang galit ni Gordon sa umano’y pamamaslang ng RITs. Bakit wala sa tala niya ang RIT na nahuli sa Mindoro (ang bumaril ay chief inspector at ang driver ay senior inspector)? Wala rin sa tala ni Gordon ang pinatay ng RITs sa Bagong Silang, North Caloocan na sakay ang motor na walang plaka’t ilaw sa gabi; at tahimik ang tambutso noong panahon ni Johnson? Kahit walang plaka ang motor, may natatandaang palatandaan ang mga riders na nakakita at ang mga motor ay nakaparada lang sa PCP 3.
qqq
Bago pinatay ang topits (pito) sa Bagsak, P8A, Bagong Silang, iniulat ko kay Johnson ang panggulo’t pambabato ng mga adik alas-2-3 n.u. Ang sagot ni Johnson sa akin: bakit? Marami nang pinatay doon, ah. Di ako nakipagtalo. Isang gabi, pinatay ang topits ng apat na sakay ng dalawang motor. Nagbunyi ang mga residente, pero di si Failon. Nang mangampanya si Gordon sa Bagsak, sinabayan siya ng mga riders, para manalo. Pero, isa sa politikong kasama ni Gordon ay dawit sa droga, na di kalaunan ay inambus naman.
***
Pati ilang pari ay di napigilang manudla. Anila, headline ng dyaryo: apo pinatay ni lolo. Ganyan daw talaga ang lipunan: di na makaaawit ang apo dahil pinatay ng malaswang lolo. Sa pag-amin, kailangan daw matuto ang lolo, kahit ilang taon na lang siyang mamamalagi. Ang leksyon daw: huwag mapang-api at mapangutya habang sikat, dahil kapag bumagsak ay lagapak, na mula rin sa mga pangaral ni Kristo. Ha?!
***
Di nakapagtataka na nag-bullet proof glass si Duterte sa Malabon. Ang reporter na si Alberto Orsolino, ng Gozon, Letre, ay pinatay sa Malabon (habang tirik ang araw), kahit na ang kanyang tagapagtaguyod sa paninindigan ay si Chief Supt. Pol Bataoil, hepe ng Northern Police District. Alam nina Duterte at PSG ang paglala ng droga sa Malabon, kahit na ang mayor ay Oreta.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion, San Ildefonso, Bulacan): Nakababata ang di mapaminsalang tawanan at pagtawa. Nakaaalis din ito ng mga sakit-sakit. Mas lalong tumatanda kapag ayaw tumawa at pinipigilan ang tawa. Pero, huwag naman na sa katatawa ay naihi pa. (Kay texter …4361, ng Barangay 29, Ormoc City: ang mga temang nailalathala ay mula sa talakayan ng OSCA groups at organisasyon ng matatanda sa mga parokya’t barangay)
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Bigte, Norzagaray, Bulacan): Kontrobersiyal na tema: trato ni Duterte sa kababaihan. Mga birong rape pero siya ang muling nagpahuli sa suspek sa dalagitang tinalupan ang mukha, na unang pinalaya ng piskal; pinalawig ang maternity leave, itinaas ang suweldo ng mga guro, maraming babaeng pulis ang hepe na ng mga istasyon, bayan at brigada sa Army. Tila walang katapusang balitaktakan.
***
PANALANGIN: Panginoon, dinggin ang daing ng riders. Umabot nawa sa iyo ang aming sigaw. Sal 102:2.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Wala sa droga si Polong. Trillanes bumalik ka rito pag di ka na senador. …7113, Kap. Tomas Monteverde Sr., 2nd Agdao, DC.

The post Talo sina Go’t Bato? appeared first on Bandera.

Lindol? Eleksyon na!

$
0
0

KASINUNGALINGAN ang kanilang sinasabi, mapanlinlang na labi at balik-harap na puso silang nagsasalita. Putulin nawa ng Panginoon lahat ng labing mapanlinlang, lahat ng dilang mapagmayabang. Salmo 12:3-4, bahagi ng 14 na pagbasa’t mga Salmo noong Sabado Santo, sa magdamagang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.
***
Sa Luz, Vis at Min na lindol (6.1, 6.5), marami ang nagdasal. Nawa’y nabuksan din ng yugyog ang saradong utak na pipili sa bagong mga lider sa Mayo 13. Sa tuwirang turan, wala ang lindol sa Oratio Imperata (kung igigiit, maaaring nakasingit sa “iba pang mga kalamidad.” Pero ang lindol ay di kalamidad na dala ng klima). Nawa’y ipagdasal na tapat at di sinungaling ang mga iboboto, na saad at paalala ng ating Nilay-Gabay, na mula sa Sabado Santo.
***
Alam na kung sinu-sino ang magnanakaw kapag nahalal. Kahit bo-botante ay alam ito, da-ngan nga lamang at di niya makita ang troso sa harap ng kanyang mga mata. Pero, ang hindi nakikita, o wala sa himagas, ay kung anu-ano ang gagawin kapag nahalal, na lingid sa kaalaman ng taumbatayan at simbahan. Tulad ng nangyari sa pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona, na hanggang ngayon ay di makita ng dilawan dahil din sa troso sa harap ng mga mata nila.
***
Bilang himas-alaala para muling dumaloy ang dugo ng nakalipas, ang mga nagpatalsik kay Corona ay sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Francis Escudero, Lito Lapid, Loren Legarda, Sergio Osmeña III, Aquilino Pimentel III, Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile. Bagaman di kandidato, si Manny Villar ay isa sa 19 na itinampok (immortalized) ng Korte Suprema sa ilegal na DAP ni Aquino, na tumanggap ng P50 milyon mula kay Florencio Abad para sa misyon.
***
Sana’y ang resureksyon (nasa oktaba pa rin naman tayo ng Pasko ng Pagkabuhay) ay magsilbing busilak ng liwanag para makita ang sinungaling na mga kandidato sa ating lokalidad (lala-wigan, bayan). Ang si-nungaling ay kapatid ng magnanakaw. Sana’y ang paglakad ni Jesus sa kadiliman mula sa libingan ay magsilbing gabi ng pagsusuri para sa umaga’y huwag na silang iboto.
***
Sa voters’ education ng isang diocese sa Metro Manila, bigo akong igiit para isama ang “sinu-ngaling” sa talaan ng mga “huwag iboto.” Igniit pa rin nila (may imprimatur ng obispo) na sapat na ang “magnanakaw.” Pero, ang pagnanakaw ay nagsisimula sa pagsisinu-ngaling.
***
Ang 48-anyos na si Kris Aquino (nagpagpag ng taba?) ay kinakapanayam nang lumindol ng 6.1. Tumigil siya at nag-isip, nagnilay pero di nagdasal. Ang unang nasambit ay ang sariling pamilya (Bimb at kuya Josh). “Umuwi na tayo.” Ang ehemplo rito ay pamilya, na, sa atin, ay manatili sana hanggang eleksyon. Pero, huwag gagayahin ang sumunod na sinabi niya: “It’s the end of the world na, I’m telling you! Buti nalang binili ko na lahat ng Chanel na gusto kong bilin so at least na-experience ko na siya.” Ka-blam!
***
Hindi biro ang lindol, totoo yan. Mas lalong hindi biro ang eleksyon. Sa lindol, gumuguho. Sa eleksyon, natatabunan ang mahihirap ng bundok na gawa ng politiko para di sila guminhawa. Masdan ang Samar.
***
Sa siyensiya, may tinatawag na swarm of quakes. Ito ay major earthquakes (6-6.9) na sunud-sunod na nagaganap sa malaking isla o sa isang bahagi ng kontinente. Naganap ito sa California, USA. Sa naganap na 6.1 at 6.5, nakatatakot.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Agustin, Hagonoy, Bulacan): Huwag nang banggitin ang pangalan ng kandidatong nangako ng malaking “cash aid” sa senior citizens kapag siya’y nanalo. Ang akala niya, simbobo niya ang matatanda sa Hagonoy. Una, hindi mukhang pera ang seniors sa Hagonoy. Ang pera ay pain ng demonyo, di ba Hudas? May skills at talino ang matatanda rito, na nagagamit para kumita at tustusan ang mga apo. Dedikasyon at work discipline ang katangian ng seniors.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Balite, San Miguel, Bulacan): Dumarami ang nabubuntis nang wala sa oras. Pero, apat lang sa limang kasibulang daliri ang pinanagutan ang kasalanan (kapusukan daw? Mali). Wala na sa bokabularyo ang responsibilidad, ang pananagutan. Pero, sa tulong ng isang busilak, nanagot ang mga iresponsable nang idemanda sa husgado.
***
PANALANGIN: Panginoon, nawa’y mapuspos ang bansa ng katarungan at pagkamatuwid. (Sal 33:5)
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Kapag napatunayan mo na nasa droga si Kitty, 16, lumingon ka agad sa likod mo kung nariyan pa ang anino mo. …7229, Poblacion 40D, Davao City.

The post Lindol? Eleksyon na! appeared first on Bandera.

Pari vs obispo

$
0
0

SAN Jose Manggagawa, tagapagtanggol ng banal na simbahan, iligtas mo ang mga pari’t obispo. Iyan ang panalangin-paninilay sa Ebanghelyo (Gen 1:26, 2:3; Sal 90; Mt 13:54-58) sa paggunita kay San Jose Labrador, Miyerkules sa ikalawang linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
***
Kumontra ang bikaryato (isa lamang sa anim) sa isang diocese sa Metro Manila sa nais ng obispo na ilako sa parishioners na iboto ang Otso Diretso, mahigit sanlinggo bago ang eleksyon. “Ilako” ang ginamit na salita para di halatang namimilit ang obispo. Nagalit ang pari ng isa sa mga parokya ng bikaryato at di na ito nagpadala ng mag-PPCRV.
***
Sino ang nasa likod ni bishop? Simula pa ng recruitment/activation para sa magsasagawa ng voters’ education sa mga parokya ay Otso Diretso na ang inilalako. Bakit? Bakit dalawa ang mock election sa tuwing pagpupulong sa diocese at sa ikalawang “halalan” ay panalo ang Otso Diretso sa bilangan na isinagawa lamang ng isang tao? Iyan atbp ang mga tanong ng kura na walang kasagutan sa mga kinatawan ni bishop. Nakarating sa obispo ang gulo sa tabakuhan; at ang kanyang pakli ay may discernment naman daw ang mga parishioners.
***
Sa ibang diocese sa Luzon ay ganito rin ang nagaganap: lantarang pakikialam ng mga obispo at ipinararating sa mga lingkod layko ang sapilitang pagboto sa Otso Diretso. Sa tanong ng pari na sino ang nasa likod ng obispo, ang sagot na dilawan ay sapat na kaya? Sa tanong na sino sa dilawan, ang sagot na si Benigno Aquino 4 ay tama kaya?
***
Ito’y maituturing na ikalawang sugat ng simbahang Katolika. Ang unang sugat ay nakita mismo ni Pope Francis nang mabigo ang mga obispo na pigilan ang paglaganap ng kasalanang laman ng mga pari; at mismong isang obispo pa na nasa sirkulo ng santo padre ang sangkot sa sexual abuse.
***
Sa isang parokya sa bikaryato ng diocese, isang pari, na marami ang tagasunod at parishioners, ang kumokontra sa obispo. Gantihan kaya siya ng obispo (kung magaganap ay baka nais ng obispo na magtampo sa pera mula sa koleksyon)? Wala pang nakikitang kakampi ang obispo pero marami na, at dumarami pa, ang sumusuporta sa ipinaglalaban ng pari: ang malayang pagpili sa iboboto sa Mayo 13. Ang paggawad ng ordinasyon ay hindi anyong anghel sa kinatawan ni Pedro.
***
May mga paring sumusuporta rin sa ilang gawa ni Pangulong Duterte; at isa sa kanila ay ang obispong pangulo ng CBCP. Ipinagdarasal nila ang mga kamalian ni Duterte; ang kanyang pagbabago, ang kanyang kapatawaran. Ipinagdarasal din nila ang kalayaan ni Duterte sa pagsunod sa mabuti at pagpili sa impiyerno.
***
Isang bugok na pulis na naman sa Caloocan. Sentensiyado na ang mga bugok na pulis na pumatay kay Kian de los Santos. Murder ang inirekomendang kaso ng piskalya sa pulis na pumatay sa 6-anyos na bata at bumaril sa kanyang lola. Nang pumutok ang balita mula sa Camarin, North Caloocan, ipinagtanggol pa ng kapwa pulis si De los Reyes, na sinasabing nakipagbarilan sa wanted na si Botchok na may warrant of arrest pa. Walang naibigay na tunay na pangalan ni Botchok at walang naipakitang arrest warrant. Mukhang malabo pa sa sabaw ng pusit. Bakit maraming nagtatanggol sa “floating” at disarmadong pulis na may record na substance abuse (paglalasing) at indiscriminate firing? Binaril ang bata nang malapitan. Kung ito’y proficiency test sa firing range, tatamaan nga ng pulis ang fixed target na bata at hindi niya tinamaan si Botchok, na running man sa practical shooting; dahil wala namang Botchok at wala ring running man target, na active shooter pa.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Gitna, Paombong, Bulacan):
Sumasali ang matatanda sa away sa fb, sisihan, intriga at bashing. Paubos na ang matatanda na nagsasalita ng tama; kung nakasasakit man ay di naman nakasusugat. Isang bagay ay di mawala: intriga. Ayon sa 2 Tim 4:3, Darating ang panahon na di na matatagalan ng tao ang mabuting aral, sa halip, maghahanap sila ng mga guro na nais marinig ang mali ng kanilang makakating tenga. 2 Tim 4:3.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Partida, San Miguel, Bulacan): Sabon at gugo noon, malinis na ang tao. Ngayon, meron nang “lucrative hygiene industry,” na ang ibig sabihin ay magastos na kung nais na maging malinis. Anang industriya (negosyo) na kumikita ng milyones, kailangang “soaped, shampooed, deodorized, bleached, disinfected, sprayed with cologne and other synthetic odors.” Ha? Bakit may putok pa rin?
***
PANALANGIN: San Jose Manggagawa, ipanalangin mo kami.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): May text-laglag na. Huwag daw iboto ng Mindanaon sina Revilla, Estrada, Ejercito at Enrile. …5609, Gatungan, Bunawan, Davao City

The post Pari vs obispo appeared first on Bandera.

Obispo nasungalngal

$
0
0

MAGSISI (Pedro) sa kamalian. Magpakatotoo tayo. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 5:27-32, 40-41; Sal 30:2, 4-6, 11-13; Pag 5:11-14; Jn 21:1-19) sa ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
***
Ang misyon ng simbahan ay base sa direksyon na inilatag ng Diyos. Iyan ang homilia ni Luis Antonio “Chito” Tagle sa kanyang Installation Mass sa Maynila, ilang taon na ang nakalilipas. Ang salita ng Diyos ang dapat mamayani sa mahaba at nakalilitong gabi ng kampanya at eleksyon. Bakit Otso Diretso (anino ng Liberal Party ni Aquino) ang isinususog ng ilang obispo na iboto sa Lunes; na siya ring isiniko sa mga kasapi ng PPCRV?
***
Dahil nasungalngal (nang paalalahanan na ang misyon ni Kristo ay pagliligtas [salvation] at hindi halalan), ipinaliwanag ng hindi guwapong obispo ng isang diocese sa Metro Manila na discernment at botong konsiyensiya ang kanyang ipinapayo sa kanyang sirkulo, na ibaba sa laylayan sa barangay. Heto ang botong konsiyensiya ng isang bata at militanteng pari: Rafael Alunan, Edgardo Angara, Glenn Chong, Bato de la Rosa, Larry Gadon, Bong Go, Jiggy Manicad, Imee Marcos, Willie Ong, Francis Tolentino, Cynthia Villar at Butch Valdez.
***
Ang pagpili ng ilang obispo sa Otso Diretso ng LP, na dumaan sa nakalilito at mahabang gabi ng nominasyon, ay kanilang pasya at hindi “Catholic’s choice.” Walang Catholic vote (dahil si Kristo mismo ang nagpairal ng kalayaan, kahit ang pinili ay demonyo); merong Catholic’s choice. Simula 2016 base sa tala ng local elections, naganap ang Christians’ choice: nagtugma ang boto ng Katoliko, El Shaddai, Iglesia Ni Cristo at Born Again. Naganap yan sa Cavite, Batangas, Rizal, Caloocan, atbp.
***
Mas nakagagaan ng damdamin kung ang simbahang Katolika ay di sasawsaw sa politika’t eleksyon. Ayaw na ni Jaime Cardinal Sin kay Marcos noong snap election, bagaman malaking pera ang naibigay ni Imelda, sa pamamagitan ng Pagcor, sa simbahan. Halos kinumutan ng simbahan si Corazon Aquino (nagtataka ako kung bakit kinupkop siya ng Pink Sisters gayung contemplative ang mga ito at 24 oras na di nagsasalita, nag-uusap. Ilang kumbento na ng Pink Sisters ang aking dinalaw [ang pinakahuli ay noong Sabado sa Silang, Cavite], napakatahimik at bakit naroon ang ngakngakera?) noong 1986. Pero, noong lumitaw ang mortal na mga kasalanan ni Cory, tulad ng Mendiola massacre, bakit nakapikit ang simbahan at nakabara ang troso sa kanilang mata?
***
Napagtanto: dapat walang Catholic vote. Mas makabubuti ito sa simbahan. Mas kapitapitagan at kagalang-galang pa ang simbahan. Walang kinatigan o dinustang partikular na politiko o opisyal si Jesus, ni Sanhedrin (na nag-akusa sa kanya), ni procurator (na nagpapako sa kanya) o ang mapanghimagsik na Hudyo.
***
Sinuportahan ng ilang obispo ang kandidatura nina Marcos, Cory, FVR (bagaman Protestante), GMA people power, Noynoy. Nang umalingasaw ang baho, naglaho ang mga obispo. Wala namang putik si Mitra, pero nang matalo, lumayo ang mga obispo. Kung aalisin lang ang nakaharang na troso sa kanilang mata, makikita nila ang Mendiola massacre, Corona, Mamasapano, Dengvaxia, DAP, atbp.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan): Mainit na tema ng talakayan ang pangako ni Poe na tutulungan niya ang senior citizens kapag iboto siya, at manalo. Mayorya ang opinyon: matatanda na nga, lolokohin pa niya. “Madaling mangako sa matatanda. Bukas, baka patay na sila.” “Mana ka nga sa pinagmanahan. Yun pala, script lang, tulad ni Maruja.”
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Sapang Putol, San Ildefonso, Bulacan): Sinusukat ng mga botante ang bawat kandidato kung ano ang gagawin nila hinggil sa Mamasapano massacre ng 44 pulis-SAF. Walang gagawin, lalo na ang mayayabang na human rights advocates at lawyers. Hindi sapat na nasa Ombudsman na ang kaso at di mananagot si Benigno Aquino, dating pangulo. Dugo ang dumanak; mga buhay ang nawala.
***
PANALANGIN: Sagipin ako, Diyos ng katotohanan. Sal 31:6 (Tugunan sa Martes sa ikatlong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay).
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Kapag nalaman namin ang may pakana sa pagdadawit kay Kitty, hindi makatutuntong yan dito. …7803, Barangay 30-C, Davao City

The post Obispo nasungalngal appeared first on Bandera.

Resbak Bato, resbak!

$
0
0

PERO sumusunod sila sa kanya dahil kilala nila ang kanyang tinig. Di na sila sumunod sa nag-iwan sa kanila. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gaw 11:1-18; Sal 42:2-3, 43:3-4; Jn 10:1-10) sa Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima, sa Lunes sa ikaapat na linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
***
Sa itinuring na demonyong lider, ipinakita ng Diyos, muli, ang Kanyang hiwaga at pagkilos. Sino’ng mag-aakala na di pala magaganap ang utos ng mga obispong sina Villegas, Bastes at Tobias sa botanteng Katoliko na iboto ang Otso Diretso? Nakapanghihilakbot na sa isang araw ay nabura ang angkang Erap sa alabok ng politika? Sino’ng mag-aakala na guguho ang tore ng Eusebio sa Pasig (si Emiliano Caruncho ay 40 taon; pimakamatagal)? Ang relihiyosang Connie, ina ni Vico, ay santambak na banal na kasulatan ang dala para patunayang ang salita ng Diyos ay moog na di pa rin magigiba sa 2019. Bakit si Duterte ang sinunod ng kawan at di ang dilaw na nag-iwan?
***
Una kong binanatan ang pamimilit ng obispo sa isang diocese sa Metro Manila na iboto ang Otso Inidoro, na isiningit sa seminar ng voters’ education at PPCRV poll duties. Walang nagawa (natural) ang mga pari sa dikta ng obispo, pero rumesbak ang ilan nang “tamarin” sa pangangalap ng poll volunteers mula sa matatanda’t kabataan. Ayokong husgahan si Cardinal Tagle nang ipasa niya sa mga parokya ang pasya sa Otso ng People’s Choice Movement, grupong Katoliko na pinangungunahan ang konsiyensiya ng mananampalataya.
***
Nang ihayag ang resulta ng eleksyon, at ni isang Inidoro ay di nakalabas ng banyo, mas tahimik pa kay Kristo ang matatabil na obispo. Marahil, nagmuni-muni at nagsaliksik mula sa mga kasulatan at talinhaga kung ano ang banal na pakli o kasagutan sa pambebelat ng dalawang daliri ng paninisi. Ayokong dustain ang mga obispo sa kanilang lihis na paniniwala dahil sila man na nasa luklukan ng kabanalan ay may karapatan sa maling kaisipan, tulad ng kalayaang iginawad ng Ama kay Jesus. Tulad ni Jesus, ayoko.
***
Hindi nakikita ng mga pulis ang kanilang sarili kay Panfilo Lacson. Nevah. Kay Bato, may kakampi na sila. Kaya naman, ang payo nila kay Bato, resbakan sina Pangilinan, Hontiveros, Drilon, atbp., ang mga nanlait at nanliit kay Bato; at naghusga sa buong PNP. Huwag mong reresbakan si Lacson; ingat ka lang, baka gamitin ka niya. Kuwidaw sa mga papuri niya.
***
Ngayong panalo na si Bong Revilla, isoli naman niya ang milyones na ipinasosoli sa kanya ng Sandigandaban. Di ka na nga na-convict ng Sandiganbayan, di mo pa isosoli ang pera? Ano ka, anak ng teteng (sabi mo yan)? Ngayong senador na naman siya, sa malamang na mapalitan ang hepe ng PNP sa Bacoor na walang humpay ang panghuhuli sa mga shabungero, malapit man ito o malayo sa City Hall ni Lani. Baka nga mapalitan din ang masipag na si Col. Segun, ang PD.
***
Ano naman ang gagawin ni Lito Lapid sa Senado? Ah, maghintay ng susunod na Corona? Isa siya sa nagpatalsik kay totoong Chief Justice Renato Corona. Napakagaling ni Lapid nang patalsikin niya si Corona, na siya (Lapid) mismo ay di nauunawan ang nagaganap. Sa iyong pagbabalik-Senado, sana ay dala mo na ang critical thinking at critical perception. Baka naman sabihin mo, di yan itinuro sa high school.
qqq
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Sumapang Matanda, Malolos City, Bulacan): Pinakamasiglang tema ang politika, ang mga nanalo noong Lunes, sa umpukan ng seniors. Kilala nga nila ang mga pangalan at apelyido sa ina, nina Recto, Tañada, Diokno, Tolentino (di kadugo ni Francis), Salonga, Rodrigo, Kalaw, Ziga, at Cuenco. Ngayon, gitara, kadugo, pagpapatawa’t boksing ang gamit para maging senador.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Dakila, Malolos City, Bulacan): P200 sa sample ballot? Insulto yan. Ang sabi ng komunistang labor groups, P768 ang minimum. Paanong mabubuhay ang pamilya na lima ang palamunin sa P200? Ah, kapag senador, P140M na?
***
PANALANGIN: Ipadala Mo ang Iyong katotohanan. Sal 43:3
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Huwag naman ninyong patayin si Triling kapag lumapag sa airport. …3210, ng 24-C, Davao City.

The post Resbak Bato, resbak! appeared first on Bandera.

Resbak Imee, resbak!

$
0
0

SA Ebanghelyo (Gawa 14:19-28; Sal 145:10-13, 21; Jn 14:27-31) noong Martes sa ikalimang linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, sa paggunita sa mga martir na sina San Cristobal Magallanes, pari, at mga kasama, naghari ang mga salitang kabulaanan, marami ang dapat pagtiisan, at kapayapaan.
***
Kay Imee, ang mga ito ang maaaring bumungad lalo pa’t makakaharap niya ang dalawang mortal na kaaway ng martial law (na naghasik ng mga kasinungalingan) at bumaboy sa bangkay ng amang si FM, lalo pa sa araw ng libing niya. Masidhi ang babae; at baka mauwi sa sabunutan kapag nagharap sa isang metro kuwadrado. Ang lalaki nama’y nakibaboy na rin dahil nagpaalipin siya kay BS Aquino, pagkatapos sumipsip kay GMA.
***
Maraming kasinungalingan at gawa-gawang krimen ang hinabi hinggil sa martial law, gayung, ayon sa kasaysayan, mismong mga obispo ang di kumontra kay Marcos at martial law sa taon 1972-1977. Hanggang 1978, di pa rin nagkaisa ang simbahang Katolika kontra Marcos at martial law. 15 obispo, sa pangunguna ni Gaudencio Cardinal Rosales, ang ipinagtanggol ang Bagong Lipunan.
***
Maraming bagay at buladas sa Senado ang pagtitiisan ni Imee. Higit sa lahat ay magtitiis siya sa plastik. Puwede naman niyang labanan ito ng asaran (asar-talo), kunin lang niya’t itapat si Mocha Uson; pati si Grasyan ay baka makunan kung di pa siya BIR. Kung ililista lang ni Imee ang mga plastik, mahigit anim ito. Mahigit anim laban sa reresbak na Imee? Ipakita mo ang dugong Gabriela Silang.
***
Ang ikatlo ay kapayapaan (Kapayapaan ang iniiwan ko… Huwag mabagabagab ni panghinaan. Juan 14:27). Di magaganap. Reresbak si Bato sa mga nang-insulto at nagpaiyak sa kanya; at mas lalong reresbak si Imee sa mga nambaboy sa bangkay ng ama. Marami nang naresbakan: ang mga nambaboy nang harapan kay Angelo Reyes (burado sila); ang nang-api sa 5M riders, atbp.
Anang Sikhism, ang monotheistic religion, ang buhay ng mga senador ay base sa kanilang mga ginawa. Sa Kristiyanismo, Judaismo at Islam, merong parusang langit (divine punishment) habang nabubuhay pa at ito’y iginagawad sa mga tumatanda para feel at carry ang pagsisisi (di ko na isinama ang Hinduism at Zoroastrianism). Karma!
***
Bukod kay Kerima, hinubog din ako sa pagsusulat ni JCTuvera. Para kay JT, mabuting pangulo si FM, pero di na niya alam ang lahat ng nagaganap sa Palasyo noong siya’y (FM) may sakit na. Sa mga kamag-anak ni FM, ang kapatid na si Dr. Pacifico ay consultant lamang ng tycoon na si Antonio Cabangon-Chua. Sa Medicare, isang tinig lang si Dok. Di tulad ng mga kamag-anak ni Imelda.
***
Kung nagsisimba lang tuwing Linggo ang mga Katoliko sa 8-D, na sinuportahan ni D5 pero walang kibo si Ronnie D, disinsana’y lumiwanag ang kanilang isipan. Sa Katoliko, ang pagsisimba tuwing Linggo ay pagsunod sa Ikatlong Utos ng Diyos at Cathechism of the Catholic Church 2189. Marami nga ang pekeng Katoliko.
***
Sana naman, batang mayor, huwag mo nang resbakan ang ilang malalaking negosyante sa Chinatown na hindi sumuporta sa iyo noong kampanya (huwag mo na ring resbakan ang isang reporter). Kung darating man ang trolley ng pera bago ang iyong inagurasyon, huwag ka sanang masilaw. Marami pang darating dahil ganyan ang Chinatown.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Rafael V, San Jose del Monte City, Bulacan): Pag gabi na, wala nang discount sa jeepney ang seniors. Gob Dan, tulong.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Sitio Puge-Puge, San Jose del Monte City, Bulacan): Hati ang opinyon kung dapat tanggapin sa pasukan sa kolehiyo ang may HIV-AIDS. Ayon sa “huwag,” dapat protektahan sa “ketong” ang malinis pa. Ayon sa “dapat,” tulungan sila at alisin ang diskriminasyon na iniaatas ng RA 11166 (Philippine HIV and AIDS Policy Act).
***
PANALANGIN: Jesus, igawad mo ang biyaya sa tao na nakasakit sa akin. Fr. Mar Ladra, ng Eucharist Mass na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Unbelievable. Diyan pala sa Imperial Manila, sumuporta sila kay SAP Bong Go. Daghang salamuch. …7844, Magtuod, Davao City

The post Resbak Imee, resbak! appeared first on Bandera.

Go: Gin ang mundo

$
0
0

HUWAG gawin sa iba ang ayaw ninyong gawin nila sa inyo. Dito pinalawig ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 15:22-31; Sal 57:8-10, 12; Jn 15:12-17) sa kapistahan ni Santa Juana, Biyernes sa ikalimang linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
***
Ayon kay texter …7576, ng Barangay 25-C, Davao City, isa lang ang inaabangan ng mga residente sa lunsod: ang paghaharap sa pagdinig sa Hulyo o Agosto nina Sen. Bong Go at Antonio Trillanes 4th. Ayon kay texter …2110, ng Lumiad, Paguibato District, hintayin muna ni Sen. Go na lugmok na si Trillanes saka pitpitin para kumatas at mapiga. Di mapipigilan ang damdamin ng Davao City kontra Trillanes.
***
Ang aking unang ulo sa kolum na ito ay “Resbak Bong Go, resbak!”, tulad ng naunang “Resbak Bato, resbak!” at “Resbak Imee, resbak!” Talagang gin bilog ang mundo: ang nasa ibabaw ay walang patutunguhan kundi sa ilalim. Ang nasa ilalim, pa-ibabaw. Sa pagbagsak ni Trillanes, sasamahan ba siya ng mga tagapagtanggol sa Senado?
***
Siningahan lang ng Davao City ang privilege speech in Trillanes, na tila paghahanda sa paggisa sa kanya ni Go. You shall not act wrongly, you shall speak no lie, ani Digha Nikaya, 62, Chakkavatti-Sihanada Suttanta (Buddhism); Palayain sa kamay ng nang-api ang kanyang pinagsamantalahan. Jeremias 22:3 (Katolisismo); There is nothing higher than justice. Even a weak man hopes to defeat a strong man through justice. Brihadaranyaka Upanishad 1.4.14 (Hinduism); Deal not unjustly with others, and you shall not be dealt unjustly. Qur’an 2 (Islam); May the true-spoken word triumph over the false-spoken word. Avesta, Yasna 60.5 (Zoroastrianism).
***
Hindi mahirap himayin ang mga sinabi, at sasabihin, ni Bikoy. Bilang police reporter (1976-77), narinig ko na rin ang pabagu-bagong kuwento (di ba Mario Cuento?) sa presinto. Tila nahihirapan ang ilang senador na himayin si Bikoy (o naghihirap-hirapan lang sila para tumagal sa TV news). Ayon sa batikang mga imbestigador, tulad nina Lakay Lagasca at Lakay Garcia (QC), madaling malaman kung nagsisinungaling ang naghahayag. Ang mga senador, tulad nina Sotto at Lacson, ay dapat mag-seminar sa batikang mga imbestigador sa presinto.
***
Si Angie Reyes ay binugbog noon nina Trillanes at Jinggoy Estrada sa pagdinig sa Senado. Si Sen. Go ay ginawang punching bag ni Trillanes (maaaring naliliitan si Trillanes kay Go, o nginungudngod lang niya ito para magalit si Duterte). Tulad ng SOCO, hindi nagsisinungaling ang kasaysayan. Ilang tulog na lang, magbubunyi na ang Davao City. May nagbabalak na mag-noise barrage bilang pagdiriwang.
***
Dalawang senador na todo-dusta sa China ang nanganganib na ma-Morales kapag tumuntong ng Hong Kong airport. Pero, mukhang nakatunog ang mga kumag na sinusuwelduhan natin. Kaya postpone muna ang shopping. Hindi naman daw sila ibibimbin sa airport, pero susundan sila ng squad ng People’s Liberation Army. Naykupu! Ang daming anino niyan.
***
Nangako noon ang isang opisyal ni Dinky Soliman na aalamin ang aking isiniwalat hinggil sa maanomalyang pamamahagi ng Conditional Cash Transfer sa Bagong Silang, Caloocan City (largest barangay in RP). Ngayon, dumami na ang may 4Ps at lumaki na rin ang perang nakukuha sa dutdot (ATM). Mahihirap pa rin ang tumatanggap ng doleouts: mahirap magmukhang mahirap.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa King Kabayo, San Miguel, Bulacan): Nakalulungkot na sa umpukang may pinag-aralan, meron pa ring ugaling “bahala na,” lalo na ang ayaw o tinatamad mag-isip kapag may bagong problema. Ang “bahala na” ay negatibong pagtanggap ng bagong problema. Sayang, dahil sa mahabang panahon ng buhay ay tila di natuto sa gintong karanasan.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Calvario, Meycauayan, Bulacan): Ayaw na nilang gamitin ang “po” sa pakikipag-usap. Dapat daw ay bumalik sa “ho,” na ginagamit kapag ang kausap ay di katandaan. Ayon sa kanila, ang “po” ay hinablot ng pamilya Poe, na wala namang nagawa para sa mahihirap at manggagawang alahas na maltrato ang suweldo.
***
PANALANGIN: Patawarin Mo sila kung nagpakita man sila ng pag-ayaw sa akin. Ipakita Mo sa kanila ang pagmamahal. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Kung maibababa lang ang presyo ng LPG, di na kami gagamit ng kahoy. Tumataas na rin ang presyo ng kahoy at uling. …0984, Lapu, Lapu, 2nd Agdao, Davao City

The post Go: Gin ang mundo appeared first on Bandera.


Basura sa Senado

$
0
0

WALANG pananagutan kaninuman. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gawa 20:17-27; Sal 68:10-11, 20-21; Jn 17:1-11) sa Martes sa ikapitong linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, sa kapistahan ni San Francisco Caracciolo.
***
Mabuti pa ang mga bansang nagtapon ng basura rito, kinokolekta na nila ang kanilang pananagutan. Mabuti pa ang Otso Diretso, huminto na sa katatapon ng basura (simula pa lang daw ng laban?). Mabuti pa si Darwin Ramos, dating basurero sa teritoryo ng Diocese of Cubao, Servant of God na at baka maging santo pa. Mayor na ang basurerong si Isko Moreno, dahil may pananagutan siya.
***
Pero, muling umalingasaw ang basura sa Senado dahil kina Pia Cayetano, Franklin Drilon, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson,
Lito Lapid, Francis Pangilinan, Aquilino Pimentel III, Ralph Recto, Bong Revilla, Tito Sotto at Antonio Trillanes. Sila (atbp) ang nagpatalsik kay Chief Justice Renato Corona base sa ebidensiyang kathang isip at bilang pagsunod sa utos ni BS Aquino.
***
Si Corona ay na-Andres Bonifacio. Pero si Bonifacio ay pambansang bayani na, samantalang si Corona ay pinagkaitan pa rin ng pagkilala sa kanyang pagtatanggol sa mga magsasaka sa asyenda Luisita; at di rin ibinigay ang mga benepisyo (pera) na para nga sa kanya, ayon sa iniaatas ng batas. Pinatalsik. Pinatay. Pinagkaitan: ang kababuyan ng mga nagpatalsik sa kanya.
***
Magiging bayani si Lito Lapid, tulad ng sa kanyang mga pelikula, kung siya ang sususog para mabigyan ng hustisya ang pagpapatalsik kay Corona ng Senate kangaroo court. Patatawarin ng taumbayan si Lapid dahil aaminin niya na wala siyang alam sa impeachment bunsod ng mababang pinag-aralan. At magiging sikat(chupoy) siya kapag pangunahan ang paggagawad ng hustisya sa pinatay ni Aquino.
***
Bukod kina Aquino, Cayetano, Drilon, Honasan, Lacson,
Lapid, Pangilinan, Pimentel III, Recto, Revilla, Sotto at Trillanes, papanagutin din sina Florencio Abad, Joseph Emilio Abaya, Manuel Roxas, Mario Relampagos, Yolanda Doblon at John Does. Oo, di na maibabalik ang buhay ni Corona. Ibalik ang kanyang dangal, na ipinaglalaban ng mga mahistrado ng Korte Suprema, mga abogado, mga mamamahayag.
***
Magtago na ang isang estudyante ng UST na nagpakalat ng malaswang retrato ng coed. Caviteno ang mga tito niyan. Hindi mahirap pumatay ng bastos sa Cavite. Di yan banta. Yan ang totoo sa Anabu, Cavite. Malaki ang atraso mo, bata.
***
Hindi uminit ang puwet ng hepe ng pulis sa Caloocan. Sa bagong hepe, na galing Pasay, asikasuhin mo agad ang shabu, na iniaabot na lang sa kalye at mga pathwalk sa North Caloocan kahit ang heat index ay 42. Mapagmasid si Hen. Eleazar. Hayagang inilalako at ibinibiyahe ang shabu noong panahon ng eleksyon. Walang huli, lalo na sa checkpoint. Anyare?
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion, San Jose del Monte City, Bulacan): Dumarami ang bilang ng senior citizens na pormal na nag-aasawa, pero marami pa rin ang nagsasama na lang; at nababawasan ang bilang ng naglalaro ng apoy. Iilan lang ang bilang ng hiwalayan. Di na pangunahin ang sex sa seniors. Ang may makasama lang sa dapithapon ay simoy na ng pagmamahalan. Dapat mamagitan ang parokya kung ang maluwalhating pagpanaw ng banal na pamumuhay ay turan sa nalalabing mga araw.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Wawa, Balagtas, Bulacan): Dalamhati ang puso ng angkan ni Francisco Balagtas nang magpasya ang Korte Suprema na di na kailangan ang panitikang Tagalog (Pilipino) sa kolehiyo. Wala nang pambansang wika, ang tanging bansa na burles sa sariling salita. Di masisisi ang SC dahil wala namang batas na nag-uutos na ituro ang wika sa kolehiyo. Kaya walang pagbabasehan ang SC. Maglupasay ka, Blas Ople.
***
PANALANGIN: Tulungan mo kaming maintindihan ang kamatayan. Fr Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Tapos na ang politika. Wala pa rin kaming trabaho at classroom. …5411, Barangay 20, Gingoog City.

The post Basura sa Senado appeared first on Bandera.

Sampalin saka kasuhan

$
0
0

MAHIRAP lapitan o hingan ng tulong. Iyan ang Pagsasagawa sa Ebanghelyo (Gawa 11:21-26; Gawa 13:1-3; Sal 98:1-6; Mt 10:7-13) sa Paggunita kay San Bernabe, apostol, Martes sa ika-10 linggo ng taon.
***
Sa Ebanghelyo, turan ang ama, na minsan nga ay mahirap lapitan sa oras ng dagliang kagipitan o hingan ng agarang tulong. Iyan ngayon ang kaganapan sa PhilHealth para sa arawan at kinsenas na obrero na nakikiamot ng tulong mula sa kanyang sariling pera. Di rin makapagsumbong ang isang doktor dahil hinaharang siya ng mga opisyal na nasa poder.
***
Nakalulula ang bilyones na nakukurakot sa PhilHealth. Malapit nang umabot yan sa trilyones (hindi Trillanes, bagaman sintunog) dahil bukas-makalawa, ang PhilHealth ang mangangasiwa sa kaban ng Universal Health Care (Act), na may mas malaking pondo dahil ang pera ay di ipagkakait sa mga “nangangailangan.”
Bukod sa di nasusubaybayan ang paglabas ng pera sa PhilHealth (kaya walang kuwenta sa winaldas), wala ring check and balance sa bawat transaksyon. Kung wala lahat, walang accountability. Kawawa naman ang dating sekyu sa Mola, Makati, namatay nang mumu ang nakuha sa PhilHealth.
***
Walang kumontra nang pinalawig ng PhilHealth, sa ilalim ng dilawang opisyal, ang claims for payment of services ng mga ospital, eye, diabetes clinics, atbp. Sa pinalawig na panahon naganap ang dukturan ng claims kaya pati mga patay ay “nabuhay.” Mana sa Comelec at mga politiko; dahil ang PhilHealth, mga ospital at klinika ay patuloy na pinagkakaperahan ang mga patay, na hindi alam ng mga buhay, maliban sa mga opisyal at kawani ng PhilHealth.
***
P12.69 bilyon ang “ibinayad” ng PhilHealth sa mga ospital dahil nagka-pneumonia raw ang 800,000 Pinoy (maliban kay Pnoy na sinasasal ng ubo). Pero ayon sa Department of Health, wala namang pneumonia outbreak. May inilaang pera sa senior citizens, pero ito’y kinamkam at inilipat sa iba: ang katuwiran ng dilawan, mamamatay na rin naman sila.
***
Ang 78-anyos na kapitbahay ay bulag na pagkatapos sapilitang operahan sa catarata. Kinolekta ng doktor ang bayad sa PhilHealth. Isang eye doctor sa Iloilo ang binayaran ng PhilHealth ng P16 milyon dahil sa 2,071 eye surgeries sa isang taon. Wow. Sa isang araw ay nakagagawa siya ng 5.67 eye surgeries! Aalma sana ang ilang rank/file sa PhilHealth, pero nanahimik na lang nang bantaang sisibakin at kakasuhan.
qqq
Nakalusot kay Duterte noong 2017 ang P4.9 bilyon operating cost at P250 milyon deficit (na ikinarga sa taon ng dilawan) ng PhilHealth. Bakit ipinikit ni Duterte ang kanyang mga mata? Kung dinedma ito ni Duterte, dapat sampalin (paboritong parusa sa Davao) yan. Wala ring nangyari sa P10.6 bilyon fund diversion ng PhilHealth, na inilipat sa barangay health center na hanggang ngayon ay anino pa rin. Alam yan ng isang senador, bakit di patuwarin yan?
***
Ang simpleng solusyon: sampalin sa harap ng media ang bawat tiwaling opisyal at kawani, saka sila kasuhan. Di ba’t epektibo ang ganitong parusa sa Davao? Ikalawa: papasukin ang ZTE ng China para alam ng lahat ng ahensiya kung sinu-sino na ang mga namatay. Tama si GMA, kinontra lang kasi.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Santo Rosario, Malolos City, Bulacan): Licensed to forget. Ang pagtatanggol ng mayorya ng mga senior, na mahirap kontrahin sa kabila ng ibinebentang food supplements para sa memorya. Madali rin daw mapatawad ang senior na aaming “nakalimutan;” huwag lang utang. “Positive thinking” din daw sila sa “nakalimutan.” Para sa 80-anyos, karapatan na raw niya ang “right to be wrong.”
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Bagna, Malolos City, Bulacan): Di na mahalaga ang tama. Ang mahalaga, marami na ang gumagawa (nababahala ang ilang namumuhay nang tuwid). Hayagan at ipinagmamalaki pa ang pagsasamang kapwa babae at kapwa lalaki. Maging sa simbahan ay merong PDA (public display of affection). Oo nga naman. Maging sa TV ay ipinakikita na ang halikang lalaki sa lalaki.
***
PANALANGIN: Bigyan mo kami ng tapat na tagapangasiwa ng pera namin. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Check new cops. May droga na naman. …1765, San Juan, Agdao 2nd, Davao City.

The post Sampalin saka kasuhan appeared first on Bandera.

Sagi, hindi ‘bunggo’

$
0
0

ISANG mabuting paraan para mawala ang kaaway ay ang pakikipagkaibigan sa kanya. Iyan ang Pagsasagawa sa Ebanghelyo (2 Cor 8:1-9; Sal 146:2-9; Mt 5:43-48) sa Martes sa ika-11 linggo ng taon, sa kapistahan ni San Marcelino.
***
Sa naganap na maritime accident sa Reed Bank, South China Sea, mas banal at naaayon pa sa aklat ni San Mateo ang asta ni Pangulong Duterte kesa sa palaos na mga politiko, na ang hangad ay makipag-away sa China (ang gera ngayon ay sa pamamagitan na lamang ng buton at ang hawak ng Pinas ay butones lang). Sa wakas, may hibla ng kabanalan si Digong, na kinilala naman ng isang pari sa kanyang homilia.
***
Ang pagsakay sa isyu ng mga politiko (Drilon, Lacson, atbp), na tila may pangungutya’t paghamon sa China, ay hindi makabubuti sa kanila. Baka ma-Conchita sila paglapag sa Hong Kong; o ma-extradite pa-Beijing, kapag kinasuhan. Kung maka-ngudngud sa social media ang mga sikat(chupoy), parang di na sila tutuntong sa Hong Kong.
***
Sa mga manggagawa ng basnig at pasaje sa Mindoro, Romblon at Palawan, nasagi, at hindi binunggo, ang Gem-Ver 1. Malinaw ang point of contact. Kung malakas, magdudulot ito ng mahaba o maraming points of impact (energy). Ang natanggal na dulo (section) ng bangka ay nasa dugtungan ng marine ply. Dahil mahina na, ito lang ang natastas; buo pa rin ang kilya at dinding. Nabali ang palo dahil hinila ito ng alambre ng natanggal na puwit.
***
Kung uupo sa witness stand, masisira ang assessment sa credibility ng kapitan, kusinero’t tripulante. Ang kanilang pahayag ay lumubog ang bangka; pero, hindi naman. Alam nila ang naganap, pero sira agad ang truthfulness, objectivity at accuracy nito. Away-mangingisda lang ang nangyari at walang kinalaman si Duterte at ang pakikipagkaibigan nito sa China. Sa away-mangingisda sa laot, karaniwan ang balian ng katig, o sagian ng nguso’t puwit.
***
Noong Hunyo 9, 1975 (nasa pamamahayag na ako), nilagdaan sa Beijing nina President Ferdinand Marcos at Chinese Premier Chou En-Lai ang pormal na pakikipagkaibigan ng dalawang bansa base sa “traditional friendship,” na naroon na bago pa man isinilang si Jesus sa Bethlehem. Bagaman nilulusob ng mga piratang Instik ang baybayin ng Ilocos at Pangasinan, ang pakikipagkaibigan at negosyo ng dalawang bansa sa Bulacan at Maynila ay matibay na. Mas malala ang paglusob ng pirata, na may panggagahasa, kesa sagian sa Reed Bank.
***
Sa ambassadorial level diplomatic relations, ang isinulong at pinalalakas ni Marcos ay ang sistema ng ekonomiya, na tanging China at Pinas lamang ang uugit at walang pakikialam ng “outside interference;” pangunahing tudling ang “peaceful co-existence” at paggalang sa “sovereignty and territorial integrity, mutual non-aggression, non-interference in each other’s internal affairs, equality and mutual benefit.”
***
Sa kasunduan, nakasaad na lahat ng pagtatalo’t sigalot ay wawakasan sa pag-uusap at tahimik na paraan, na di nagbabanta at gagamit ng dahas. Di ko makalilimutan ang araw na iyon dahil ang aking pahayagan ay mahigit 100 pahina na sa pagbati at pagdiriwang pa lamang ng Chinese community.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Pinagbakahan, Malolos City, Bulacan): Dumarami na ang bilang ng matatanda. Mas maagang namamatay ang mga bata. Pero, hindi nabibigyan ng social protection ang matatanda. Hindi nabubuhay sa discounts bunsod ng senior citizen’s Ids ang matatanda. Ang hanap nila ay kalinga at social protection, tulad sa Tate.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santo Nino, Hagonoy, Bulacan): Malaking isda ang humaharang sa proyektong New Manila International Airport (NMIA) ng San Miguel Holdings Corp. (SMHC) sa Bulacan. Ang 4-6 runway airport ang lulutas sa kahirapan sa Bulacan. Bakit nais nilang lugmok pa rin sa karukhaan ang mahihirap sa Bulacan?
***
PANALANGIN: Pagkalooban Mo kami ng karunungan sa aming pagpapasya, bumangon mula sa aming pagkakamali. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Maraming motor ang walang papeles. Nabibisto ito sa aksidente. Ipinipilit ang areglo, saka maglalaho. …1609, Gov Bangoy, 2nd Agdao, Davao City

The post Sagi, hindi ‘bunggo’ appeared first on Bandera.

Kabarilang Eddie Garcia

$
0
0

SIYANG walang dungis, walang paninirang puri sa dila, siya na di gumagawa ng masama sa kasama. Iyan ang Pagninilay sa Salmo sa Ebanghelyo (Gen 13:2, 5-18; Sal 15:2-5; Mt 7:6, 12-14) sa Martes sa ika-12 linggo ng taon, sa kapistahan ni Santa Lucia.
***
Bagaman minsa’y naging tropang Jingle Clan at Bongga din noon (maraming macho writers ang showbiz noon, tulad nina Joe Quirino, Eli Taparan, Romano “Banong” Cruz, Eddie Roque, Lito Bautista, atbp), kalabisan na kung ang pugay ko kay Eddie Garcia ay showbiz pa rin. Sadyang tagamasid ako sa mga sumulat hinggil kay Manoy: lahat showbiz.
***
Sa katatapos na Tactical, Survival & Arms Expo (presented by Armscor, ang aking unang gun club), saglit na inalala ng ilang senior shooters at gun enthusiasts si Manoy. Ilang shootfests (Levels 1, 2, 3) din ang pinagsalunan namin ni Manoy. Maaga siyang dumarating para pag-aralan ang program at stages’ layout, bilang ng half paper targets, nakakubling pepper poppers, plates/plates triggers, switch/drop targets, running man targets, at deep center hole, na bihirang gamitin, tulad ng paper targets na hostage situation.
***
Kahit wala siya sa five tops, ang bawat shootfest ay may pugay at clap-clap-clap sa kanya. Sa isang shootfest, inagaw niya ang mic limang minuto bago ang ceremonial shot (.45, lobo, height above eye) para lamang ibulalas ang inis sa mayabang na kolumnista ng broadsheet (media na naman!) na late na nga, ipinarada pa ang di bagong kotse sa bukana, na naka-reserve sa ambulansiya sakaling may aksidente (Attention in the area, owner of car…).
***
Sa isang competition, tinawag niya ang limang magagandang daisy (mahilig talaga si Manoy sa mga di pangit off-cam), tumingala sa langit, nagpuri (parang si Jesus) at binigyan ng “fatherly words of encouragement” ang seksing mga dalagang Pilipina. Kahit mga bagong sibol, sino nga naman ang di nakakikilala kay Manoy?
***
Sa isang Level 1 shootfest, kasama ko ang isang pari (PAF chaplain), 35, at, bagaman di nagpakikilang pari kay Manoy, ay nagparetrato katabi si Eddie Garcia. “Dre, fan ka ba ni Manoy?” Sagot-tanong ng pari sa tanong ko: “Masama bang magparetrato sa di masamang tao?” Pagdakila, at di pagsipsip, ang papurihan ang mabuti.
***
Dalawang kabarilang artista na ang pumanaw: Manoy at Alas (Ace Vergel, anak ni kapitana Alicia Vergel, na una kong pinaglingkuran). Tanging malalaking retrato na lamang ang patunay na sa firing range man, malayo ang mararating ng tapat na ugnayan, nahusgahan mang bad boy ang isa.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Lawang Pare, San Jose del Monte, Bulacan): Maraming lalaking senior citizen ang ayaw huminto sa paghahanapbuhay, bagaman may sakit-sakit o iniindang pagbabagal sa kilos. Napipilitang magtaguyod ng pamilya; o dalawang pamilya. Di sila dapat pagkaitan ng trabaho. Kailangan nila ang tulong ng City Hall, batas o ordinansang pabor sa kanilang kakayahan. Higit sa lahat, hindi tamad ang senior citizens.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Bagong Buhay 3, San Jose del Monte City, Bulacan): Nakatatakot pag-usapan ang cancer, lalo sa umpukan ng mahihirap. Nakatatakot pero nakagagalit, dahil hindi tinutulungan sa gastos ng LGU ang mga may cancer. Nakamatayan na ni Miriam Santiago ang financial assistance ng LGU sa mga may cancer. Si mayor?….
***
PANALANGIN: Matamo nawa ang lunas sa karamdamang nagpapahirap ngayon. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Death penalty na. May droga na naman sa Duterte country. …9078, Barangay 40-D, Davao City.

The post Kabarilang Eddie Garcia appeared first on Bandera.

Bangag sa EDSA ni Lim

$
0
0

KASAMA si Jesus sa paggaygay sa EDSA at dadalhin Niya tayo sa ligtas at payapang patutunguhan. Iyan ang Pagsasagawa sa Pagninilay sa Ebanghelyo (Gen 19:15-29; Sal 26:2-3, 9-12; Mt 8:23-27) sa kapistahan ni San Oliverio Plunkett, Martes sa ika-13 linggo ng taon.
***
Sa Pagninilay, hindi sinabi ni Jesus na mawawala ang problema sa paglalakbay; ang sinabi Niya ay darating tayong ligtas sa pupuntahan, kung… Sa panahon nina Bayani Fernando’t Francis Tolentino, walang bangag na nangharang at nanakot na manggugurlis o mambabato sa mga motorista sa EDSA, C5, Magallanes, atbp. Sa panahon ng rebeldeng Danilo Lim, lahat ng palpak na programa (na binawi) at pambabato ay nasa pangunahing mga kalye na sakop ng MMDA, na kanyang pinamumunuan at “di pinamumunuan.“
***
Di pinamumunuan dahil hindi siya nasisisi kapag sumablay, lalo na sa tukod trapiko’t baha (sa conglomerate office sa Ortigas, ang tawag diyan ay cover your ass). Ang nasisisi ay sina Jojo, Bong at Celine, na nakatapal sa TV news at dyaryo ang mga karakas araw-araw. Ganyan ang diskarte ng rebeldeng Danilo Lim; kahit na sa Pen ay si Trillanes ang naipit. Pero, malakas sa palamurang Duterte ang NPA (non-performing asset) kaya sukdulan na ang pagdurusa ng taumbayan, lalo ang motorista.
***
Ang sabi ng pamunuan ng isang diocese sa Metro Manila, nilusob na raw tayo ng China. Bakit walang Pinoy na namatay? Daang libo, o higit sangmilyon, ang namatay na Pinoy nang lusubin tayo ng Espana, Hapon at Amerika. Hindi nila kinokondena ang ginawa sa Pinoy ng Espana, Hapon at Amerika. Todo-suporta pa nga ang simbahang Katolika sa mga kapilya ng Eucharistic Lord, Holy Rosary at Holy Family na ipinatayo ng mga Intsik at Kastila sa Megamall, SM North at Fairview Terraces. Santo pa nga ang turing ng UST sa isang Intsik na nagpatayo ng malaking gusali sa campus nito.
***
Ibinubuyo ng Amerika ang Pinas sa gera sa China, gamit ang dilawan. Limang gabundok na bomba’t bala sa Tate ang nalalapit na ang “expiration dates.“ Kailangang maibenta ang mga ito sa Pinas bago pa man maghirap si Trump. $72 bilyon ang kinita ng US corporations sa gera sa Iraq, na wala naman palang weapons of mass destruction.
***
Cubao (P. Tuazon) to Makati (tulay) in 4:58 (5 mins ang kay Digong sa Dis). Naitala ko yan sa Honda 400CB noong Abril 14, 2017, 11 a.m. Alamin ninyo kung anong araw yan (hindi pa ako umabot ng 100kph). Sa NLEX, alalay na 160kph, kapag walang radar ang takbo ko. Mas mabilis pa ang takbo ni Louie R. Prieto dahil mas de kalidad ang motor niya kesa akin.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Agustin, Hagonoy, Bulacan): Mataas ang interes kapag ang tinatalakay ay pag-aalala; na may magaganap na masama, kapahamakan, sakuna o krimen. Kung may basehan ay kailangang isangguni, lalo na sa may alam. Pero, karaniwan ay simpleng pag-aalala lamang, na dapat ay ihayag para maibsan ang, mismong, pag-aalala.
***
PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa San Pascual, Hagonoy, Bulacan): Nalalaos na ang katangiang pagkakaisa, lalo na ang good sense of solidarity (mas sakto sa Ingles). Kung di pa hihingi ng tulong ay di pa tutulungan. Kung di pa mangangalabit (walang malisya) ay di pa papansinin. Kung di pa hihingi ay di pa bibigyan, kahit pilit. Hay…
***
PANALANGIN: Sa ngalan Mo, iginagapos ko ang lahat ng puwersa ng diyablo sa lansangan. Fr Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): May trabaho kami dahil sa maraming negosyo ng Intsik dito. …5643, Matina Crossing, Talomo, Davao City

The post Bangag sa EDSA ni Lim appeared first on Bandera.

‘Bakit siya namatay?’

$
0
0

ANG pagtulong sa naulila ay pakikiramay ng Diyos. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gen 28:10-22; Sal 91:1-4, 14-15; Mt 9:18-26) sa Lunes sa ika-14 na linggo ng taon, kapistahan ni San Quilian.
***
Sa bokasyong “the sick and the dying,“ nangyayari ang namamatayan ng ginagabayang maysakit. Meron din namang naililigtas sa kamatayan at gumagaling. Tulad ng naisagawa sa makasalanang si Primo, tanyag na horseracing columnist, hindi siya gumaling, pero ang oras ng kanyang pagpanaw ay ang oras ng kamatayan sa Golgotha ni Jesus (naihingi ng kapatawaran ang kanyang mga kasalanan at nakapagdasal siya ng Oras ng Awa).
***
Sa pamilyang cerrado Catolico, ilang araw na humina ang pananampalataya nang ideklarang Stage 4 cancer na ang nagpapahirap sa 6-anyos na anak. Pero, kumapit pa rin sila kay Jesus. Sa kabarilang Eddie Garcia, himala mula sa Diyos ang hiningi ng doktor nang di na kaya ng medisina ang pagliligtas sa artista. Sa pamilya ng bata, ang maibsan lang ang pagdurusa at makatulog man lang ng mahaba-habang oras ang hangad.
***
Ang sukdulan ay naganap. Namatay ang bata. Hindi nagtatapos dito ang bokasyon ng habag. Karaniwang sinasabi: hanggang diyan na lang siya. Tanong ng pamilya: bakit siya namatay? Kahit bumabaha ang luha ng panghihinayang at pagdadalamhati, sambit pa rin ng pamilya ang Diyos, bagaman nagtatanong: bakit siya namatay?
***
Mahirap agad na unawain. Pero, sadyang hiram lang ang buhay. Walang nagmamay-ari ng buhay, kundi Siya kaya siya namatay. Ang hiram ay binawi na, bagaman lumbay ang iniwan dahil maraming pangarap ang bata na kayang ibigay ng mga magulang. Lahat ng buhay ay hiram; babawiin sa Kanyang nais na panahon. Unti-unti’y isinoli na ang bata at tinanggap na ang hiram ay di sa kanila.
***
Nag-uumpisa pa lang ang war on drugs, “hey, boba.“ Marami na ang nakalaya pagkatapos mahuli’t makulong sa droga. Pero, sila pa rin ang nahuhuli ng mga pulis, lalo na sa Quezon City ni Bautista, na nalulong (na rehab na raw) sa shabu. Ano, pabalik-balik na lang? Labas-pasok na lang? Dahil sa kampanya kontra droga, tumaas pa ang kasikatan ni Digong.
***
Hindi dapat sisihin si Col. Chito Bersaluna kung bakit marami ang napapatay sa Bulacan. Noong hepe pa siya ng Caloocan police, si Kian de los Santos lang ang pinatay. Wala nga siyang “napatay“ sa Bagong Silang at Dose sa North Caloocan. Itinuring pa ngang tulog sa pansitan si Bersaluna ng mga taga-Bagong Silang at Tala.
***
Kahapon ay ginunita ng Valenzuela (dating Polo, Bulacan) ang ika-150 kaarawan ni Don Pio Valenzuela. Sa kanyang huling kaarawan noong 1955, sinabi ni Don Pio na di dapat ginagamit ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang puwesto para magpayaman, o pahirapan ang mga kalaban sa politika. Hindi rin siya tumanggap ng lagay sa jueteng, ni minsan.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Santo Rosario, Malolos City, Bulacan): Nababahala. Nag-aalala. Dalawang pangunahing instrumento ng karimlan sa seniors. Bilang kaaway ng damdamin at katahimikan ng puso, patuloy itong gagapi sa matatanda hanggang sila’y matalo, sumuko at magdusa. Napakagandang talakayan dahil nagising ang seniors sa mga problemang di naman dapat problemahin. Di naman dapat tambayan.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Bagna, Malolos City, Bulacan): Tahimik ang umpukan nang talakayin kung bakit may nalilihis ng daan; kung bakit halos lahat na yata ngayon ay nalihis ng daan. May sinisi ang anak. May sinisi ang magulang. Barkada ba o anak? Barkada ba o magulang? Bakit nagkaganyan? Kung nalihis, eh di bumalik lang sa tama, pakli ng isa. Bakit mahirap bumalik sa tamang direksyon?
***
PANALANGIN: Lahat ay kailangang mamatay. Ecclesiasticus 14:17-18
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Magulo naman diyan sa Batasan. Isara mo na lang kaya yan, Digong. …3321, Lapu-Lapu, 2nd Agdao, Davao City.

The post ‘Bakit siya namatay?’ appeared first on Bandera.

Bobo sa baril

$
0
0

ANG tunay na problema ay ang katigasan ng ulo. Hindi sila nagbabagumbuhay. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ex 2:1-15; Sal 69:14, 30-31, 33-34; Mt 11:20-24) sa Paggunita sa Mahal na Birhen ng Carmelo, tagapagligtas ng mga kaluluwa, sa Martes sa ika-15 linggo ng taon.
***
Maraming namamatay sa drug war. Ma-liban sa kasong De los Santos, ang sanhi ng kamatayan ay ang katigasan ng ulo at ang kabobohan sa baril. Hindi si Duterte o mga pulis ang pagbuntunan ng sisi, kundi ang mismong mga tulak at adik. Nakapagdudulot ng katangahan ang habambuhay na ilado sa yelo, kaya di nakapagtataka na mag-akusa at manisi ang Iceland nang walang basehan. Sa estadong frozen, patay ang utak at puso.
***
Kailanman, hindi isinasagupa ang .38 sa semi-auto na 9mm, .45 at semi at full auto na assault rifles (bala 5.56). Ilang pulis ang gumagamit ng .40 semi/full para subukan ang killing range nito sa 30-40m. Sa .40, na high-impact at mabilis, talo nito ang .45. Ito ang mga specs ng mga baril ng pulis at mga ahente ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency).
***
Iilan na lamang ang mga shooter na gumagamit ng .38 sa firing range (indoor/outdoor) at competition. Ang mga shooter na gumagamit ng .38 sa competition ay masidhing pinagmamasdan at kinaiinggitan ng mga gumagamit ng semi-auto pistols. Natatangi ang paggalang ng range officers at judges sa mga sumasabak gamit ang .38 de bola. Sa isang shootfest sa Bulacan pagkatapos ng gun ban, Jurassic na ang class/level ng mga gumagamit ng .38.
***
Kung ang mga shooter (fun, Levels 1, 2, 3) ay hindi na gumagamit ng .38, insulto, nakatatawa at mahiwaga na ang mga tulak/adik ay gumagamit ng .38 gayung wala silang basic gun handling/knowledge, ensayo at competion skills sa dinosaur na baril. Planted ang .38? Sa mga bista-droga, wala pang husgado na naghatol na planted ang baril. Lahat ng drug operations ngayon ay may camcorders/body cams. Simula sa putok ng .38 hanggang sa ganti ng 9mm, .40, .45 at 5.56 ng mga pulis at PDEA ay naka-vis/audio record na ito.
***
Sa isang bista na kailangang tumestigo ang sound engineer para masukat ang layo ng putok ng .38, hindi tatama ang bala sa mga pulis na sinenyasan ng poseur-buyer dahil “out of range“ ito. “Within range“ pa ng 9mm ang tulak/adik, kaya patay ang demonyo, na dinadakila at sinasamba ng oposisyon; at ginagamit kontra gobyerno. Putok pa lang ay alam ng mga pulis at PDEA agents ang pinagmulan nito at distansiya sa kanila. Kung malayo, sugod ang pulis; bukod sa decoy shots para lituhin ang adik/tulak.
***
Nakapagtataka na nakikialam ngayon ang UNHRC at Iceland, gayung ang karamihang obispo’t pari ng simbahang Katolika ay tahimik na. Ang basehan ng mga obispo’t pari na huwag nang makisawsaw (pagkatapos matalo ang Otso Diretso) ay ang Talaarawan 1698 ni Santa Faustina: Obduracy in souls is so great that consciously they chose hell; thus they make useless all prayers offered to God, and even the efforts of God.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Pinagbakahan, Malolos City, Bulacan): Mas marami ang problema ng mga lolo/lola sa kanilang mga anak/apo. Tila walang hanggang baliktatakan ang temang ito. Bawat isa/lahat ay may opin-yon/pagbabahagi. Pasidhian ng kuwento. May umiiyak. May namumula sa galit. May tumataas ang presyon. Bakit nga ba sa katandaan ay pasan pa rin ang krus bago ang unang pagkakadapa.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santo Nino, Hagonoy, Bulacan): Uso na: wala nang love/care ang mga lalaki sa kanilang asawa; o ang mga babae sa kanilang asawa. Anyare? Flower vase na lang ba ang pagsasama? Parang pagsasama ng dating pa-ngulo at kanyang asawa? Hindi kayang magbayad ng mahihirap sa marriage encounter seminar at counselling. Paano sila matutulungan/sasagipin ng simbahan?
***
PANALANGIN: Huwag sanang umabot sa sukdulan ang pasensiya sa kapwa ko. Pagsasagawa sa Ebanghelyo sa Paggunita sa Mahal na Birhen ng Carmelo.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Para sa amin, pinaglaruan lang ni Digong si Cayetano. Naniwala naman siya. …9043, Ubalde, 2nd Agdao, Davao City

The post Bobo sa baril appeared first on Bandera.


PDEA, walang pera

$
0
0

DINUDUROG ang kaaway. Huhugutin ang tabak at pupuksain. Lalamunin sila ng lupa. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Ex 14:21, 15:1; Ex 15:8-10, 12, 17; Mt 12:46-50) sa Martes sa ika-16 na linggo ng taon, sa Paggunita kay Santa Brigida, relihiyosa.
***
Pabor ang marami sa bitay-droga. Pabor din ang tiwaling mga piskal (prosecutor) at pulis sa bitay-droga. Ang bitay-droga ay magsisilbing panakot sa mahuhuling lumabis sa gramo; o kundi’y daragdagan lang ang gramo para pasok sa labis. Sa bitay-droga, madali nilang mapasusuka ng milyones ang mahuhuli. Sino ba naman ang magpapabitay dahil sa droga? Maging mga tsekwa ay takot sa bitay-droga.
***
Dito nagkapera ang mga huwes ng Magnificent 7; kaya nang mabuking ay agad na inalis sila sa isang bubong at ikinalat sa maraming bubong para di na makapangurakot. Pero, sa planong-Duterte, tila di na maaambunan ng milyones ang mga huwes dahil mahaharang na ito ng tiwaling mga piskal at pulis. Ang katiwalian, siyempre, ay nagsisimula sa PCP at inquest.
***
Sa PCP, kayang ikulong ang suspek ng mahigit 36 oras basta agad na makapagpapadala ng “referral slip” sa piskalya ang istasyong nakasasakop sa PCP; ligtas na siya sa serious illegal detention. Sa dami ng nahuhuli sa droga, di na rin kasya ang oras sa inquest para siyasatin at basahan ng asunto ang suspek. Pero, iba ang usapan kapag mayaman ang suspek.
***
Sa bawat operasyon ng PDEA na kasama ang PNP, may timping kurot sa puso ang ilang ahente ni Director General Aaron Aquino, ang magiting, matapang at malinis na hepe. Buwis-buhay ang PDEA, tulad ng PNP. Pero, malaki ang suweldo ng PNP at kalahati lang ng suweldo ng pulis ang tinatanggap ng PDEA agents. Pag napatay, mas maraming benepisyo na tatanggapin ang PNP kesa PDEA. Hindi hangad ng PDEA agents na maging bayani na may monumento. Ang hangad nila ay makapamuhay ng marangal ang kanilang pamilya.
***
Simula sa panahon ni Dionisio Santiago hanggang ngayon, di maiiwasang madarang sa apoy ang mga ahente. Lumalaban si Aquino sa tukso at 90% ang kanyang tagumpay, kaya pinagkakatiwalaan pa rin ang PDEA. Sa kakarampot na suweldo at walang umento hanggang ngayon, sino’ng di matutukso sa P5 milyon hatag, in cold cash, on the spot?
***
Umalma ang mga trapo (politiko) sa nais ni Digong na bitayin ang mga mapatutunayang nagkasala sa plunder (pandarambong, tulad ng ginawa ni Erap noong siya’y presidente). Kawawa naman ang mahihirap kung sila lang ang bibitayin sa kasong droga dahil wala silang pera para bayaran ang serbisyo ng de campanillang abogado. Kung bibitayin ang mga politiko, na mayayaman, ay pantay na ang mundo, na nais ni Santo Rodrigo. Hindi papanig ang taumbayan sa simbahan na kontra-bitay. Bakit si Christian Bishop Benny Abante ay panig sa bitay sa droga’t plunder? Ang bitay, o pugot, ay kalakaran sa Moro. Do not take life – which God has made sacred – except for just cause. Qur’an 17, 33, Islam. Allahu Akbar.
***
Sa kalahati ng termino, bigo si Duterte na ibangon ang sektor ng agrikultura. Bansot ang agrikultura, imbes na lumago. Kamatis, subuyas, talong at okra ang pangunahing gulay ng aba. Mataas ang presyo ng mga ito (at nariyan ka pa rin, Manny Pinol).
***
UST (Usaping Senior sa Santo Rosario, Malolos City, Bulacan): Resulta ng boto: panalo ang dasal. Ang pinagtalunan: ano ang mabisang paraan para labanan ang mabilis na pagtanda? Pumangalawa ang disiplina sa sarili at kalusugan. Amen.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Sumapang Matanda, Malolos City, Bulacan): Bakit marami ang tamad? Ang Number 1 sagot: gadgets. Ang Number 2: tambay at tsismis.
***
PANALANGIN: Sa ngalan Mo, iginagapos ko ang lahat ng puwersa ng diyablo. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit di na ibinabalita sa diyaryo ang bista ni Trillanes dito? Di na siya senador kaya miss na namin siya. …2810, Gov. Vicente Duterte, 2nd Agdao, Davao City

The post PDEA, walang pera appeared first on Bandera.

Di pala lotto ang…

$
0
0

PAKAINGATANG makipagtipan. Patibong ito. Suriin nang walang pagkunkuwari ang sariling kahinaan. Iyan ang mga Pagninilay sa Ebanghelyo (Ex 33:7-11, 34:5, 9-28; Sal 103:6-13; Mt 13:36-43) sa Martes sa ika-17 linggo ng taon, sa Paggunita kay San Pedro Crisologo, obispo’t pantas ng simbahan.
***
Saan man, ang bawat anomalya’t pandaraya ay patibong. Sa Una’t Bagong Tipan, nakalitanya na iyan (sa Exodo pa man din, pagkatapos ng unang aklat ng Genesis). Kaya kahapon, ang kahinaan ay pinalalakas ng santambak na pera, kahit na ito’y galing sa masama at mula sa ugat ng demonyo. Sinong mag-aakalang mga dating militar (ang mga ipinagpipitagan ni Duterte) din ang idadawit sa anomalyang PCSO at pananggalang na naman ang mahihirap para muling buhayin ang pandarambong?
***
Tanong 2019 at 1996: may dayaan ba sa bola ng lotto? Noong 1996, nakadalawang banner headline ang Bandera nang siyasatin nito ang maaaring pandaraya sa bola ng lotto (hanggang sa ipinatigil ang ikatlong serye, nang tawagan ng opisyal ng gobyerno ang opisyal ng pahayagan para utusan ang editorial na ihinto na; kahit bitin). Chemist na dating isko(lar) ng bayan ang source ng Bandera na nagpapaliwanag na posibleng umakyat ang pingpong ball mula sa ibaba na itinutulak ng mainit na hangin sa tambiolo hanggang ito’y unang makapasok sa tubo at mahulog bilang napiling numero.
***
Bago ilagay sa attache case ang (napiling) bola, na ihuhulog sa tambiolo, ito’y bahagyang bubugahan ng kemikal, na kapag nainitan ng hangin sa tambiolo, ay gagaan at unang makapapasok sa tubo hanggang magpadausdos at mapiling numero, ayon sa teyorya ng chemist. Pero, nilinaw ng chemist na hindi iyon nagaganap sa Draw Court sa Erod, QC. Anang chemist, gumawa siya ng model nang makuha ang bigat ng bawat bola, saka kinuwenta ang bahagyang wisik ng kemikal, na hindi makapagpapabigat sa bola kahit na 0.0001. Magaan ang bola at ito nga ang sumiksik hanggang sa mauna sa tubo.
***
Pero, hindi ito naganap ngayon; ang pandaraya sa bolahan. Ang pandaraya at pandarambong ay naganap sa ingreso ng kita sa STL. Lumobo na sa 85, simula 18, ang STL operators kahapon at merong dating mga kawal. Mga dating kawal din ang inilagay sa Aduana, pero mas lalong dumating ang maraming shabu, at ilan sa kanila ay ibinagsak sa Bacoor, Cavite sa kabila na kontrolado, matagal na, ng angkan ng Revilla ang lowland city.
***
Sa kuwentas-klaras ng Commission on Audit, mahigit P8 bilyon dibidendo ang di pa ibinabayad ng PCSO sa gobyerno. Kung bakit umabot ng mahigit P8 bilyon ito, ayon sa insider, sa santambak na pera na binibilang sa PCSO araw-araw, di na mahahalata kung makalimutan, o pitikin, ang P8 bilyon. Kaya naman daw makalap ang P8 bilyon sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo at nabulkasil na ang butas.
***
Pakatandaan na ang pera na ibinibigay sa mahihirap na may sakit ay hindi galing sa PCSO kundi sa taya ng mahihirap na nangarap na maging milyonaryo, dangan nga lamang at di sila pinalad; at pinagnakawan pa!
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Fatima 2, San Jose del Monte City, Bulacan): Dalawa, sa ngayon, ang maintenance ng senior citizens: gamot at luho. Maaaring isa sa kanila ang mahal, o pareho lang ang presyo. Kung nadaragdagan na ang sakit, tumataas ang pondo para sa gamot. Kung luho, sky is the limit. Bakit nga naman may matatanda na naniniwalang may kaya pa rin sila gayung hindi naman Gokongwei ang apelyido nila?
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Fatima 5, San Jose del Monte City, Bulacan): Kaya bang ilista ang mga bagay-bagabag sa buhay? Totoo ba ang mga ililista? Marami ang lalong nabagabag nang matapos ang paglilista. Marami ba ang bagabag na di na kayang lutasin at iilan na lamang ang may solusyon? Kailangan ng lakas-divino para sa mga bagabag na maaari pang baguhin.
***
PANALANGIN: Igawad Mo ang Iyong biyaya at papanibaguhin Mo ang mga taong nakapagdulot ng sakit at pighati sa taumbayan. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Bong Go for president; Isko Moreno for senator. Iyan ang unang lineup ng Davaowenos para sa 2022 elections. …5321, Poblacion 37-D, Davao City.

The post Di pala lotto ang… appeared first on Bandera.

Day care ng rapists

$
0
0

IHINTO ang kahibangan. Alipin ng tao ang anumang nakasusupil sa kanya. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Dn 7:9-10, 13-14; Sal 97:1-2, 5-6, 9; 2P 1:16-19; Lc 9:28-36) sa Kapistahan ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon.
***
“Dangerous place“ ang pula sa Pinas para sa mga nabubuhay sa shabu. Pero, ang Pinas, sa totoo lang, ay day-care center ng mga rapists, at tahimik ang mga obispo’t pari, maging si Cardinal Tagle (walang pasaring na batikos o homilia sa kanyang lingguhang Word Exposed), sa halos araw-araw na pagsabog ng mga rape at pagpatay, Hunyo-Hulyo-Agosto. Dahil ba babanda ang mortal na kasalanan sa mga pari (sapat ang mga batas ng tao’t Diyos para litisin ang mga klerikong nagkasala)?
***
Tahimik din ang mga bilyonaryong pamilya sa Makati, Cebu at Davao hinggil sa rape sa kanilang di mapasok na paraiso (ang kinoberan kong Forbes rape case na naganap sa water bed noong 1976 ang huling insidente, ayon sa aking kuwaderno). Ang Pinas nga ang pinakaligtas na lugar sa mga rapists. Pero, ang kaluluwa ng mga pinatay ng rapists ay sumisigaw pa rin ng hustisya hanggang langit!
***
Hindi iginagawad ang hustisya sa mga biktima ng rape sa Pinas. Pinabagal ang bista at muntik pang naligwak ang kasong isinampa ni Maggie de la Riva sa apat, na ipinaglaban ni QC CFI Judge Lourdes San Diego hanggang silya elektrika. Leo Echegaray? Mahirap lang siya kaya nabitay. Sa bawat pinatay ng rapist, namatay na rin sa pighati ang ina, asawa, mga anak at kaibigan dahil sa kawalan ng hustisya.
***
Tahimik nga ang simbahang Katolika sa mga kasong rape. Mas lalo siyang tahimik sa bilyon-pisong sex tourism sa mamahaling mga otel at Internet, na mismong mga batang babae ang ibinebenta 24/7 ng kanilang mga magulang/pamilya. Sa korap na industriya, tikom sina father at bishop, maliban sa iisang pari na sumisigaw sa ilang. Ang gumagawa ng kahalayan ay nagkakasala sa sarili niyang katawan. 1 Cor 6:18.
***
Salamat at nakilala ko noon ang mga pulis na sina Fred, Bobby, Lakay, Rey, Romy, Ganda(Wali). Napapawi ang luha’t pighati ng mga naulila ng pinatay ng rapists. Nagkikiskisan ang aming mga ngipin sa pahayag/depensa/pagkakaila ng mga suspek. Ang matapang na mamamahayag na si Mon ay durang may plema na lang ang naibubuga sa nakakulong na hayok. A wise man has nothing to do with lust. Lust is nothing but death… Acarangasutra 2.61. Jainism.
***
Hindi nakapagtataka kung bakit masidhi ang pagkontra ng 10 kongresista at anim na senador sa bitay sa rapists. Alipin din ba sila ng laman? Gayun din ba ang kanilang mga anak, kamag-anak at mga kaibigan? Bakit nga naman parurusahan ng kamatayan ang kanilang demonyo’t makamundong pagnanasa sa lupa, gayung sa impiyerno rin naman ang kanilang tuloy?
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Bagong Silang, San Miguel, Bulacan): Matanda na, mayabang pa? Ang puna ng millenials, bagaman di tama, pero may laman. Di tama dahil nanghusga (kasalanan). May laman dahil di kinakatigan ng anumang relihiyon ang pagyayabang, ang pagmamataas. Ang pagpapakumbaba ay pagsuko ng maraming nakagawian. Ano pa ba ang ipagyayabang gayung mayaman na sa karanasan ang matatanda?
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santa Rita Bata, San Miguel, Bulacan): Sa kisapmata‘y lumilipas ang panahon. Di na maibabalik ang winaldas na oras. Patuloy pa bang palalagpasin ang pagkakataon? Di na ba makalalaya sa pagiging alipin ng gadget, ang laruang ang sinisira ay ang naglalaro? O talaga bang laro na lang ang buhay at wala nang pagpapahalaga sa bukas na walang katiyakang darating?
***
PANALANGIN: Kasuklaman ninyo ang masama at kumapit sa mabuti. Roma 12:9
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Inday o Pulong? Itong mga sepsep, talagang sepsep. Pero kami, Inday. Kabisado, subok at abogado sa 2022. …8650, 15-B, Davao City.

The post Day care ng rapists appeared first on Bandera.

Baba, Danilo Lim, baba!

$
0
0

BILANG katiwala, dapat maging mabuting katiwala. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Kar 18:6-9; Sal 38:1, 12, 18-22; Heb 11:1-2, 8-19; Lc 12:32-48) sa ika-19 ng Linggo ng karaniwang panahon.
***
Bumaba ka na, mislabeled chairman Danilo Lim sa puwesto mo sa MMDA. O kundi ma’y bumaba ka na sa opisina mo sa ibabaw ng bundok sa Orense at dumalo sa susunod na pagdinig sa Senado. Nang dahil sa iyong pagliban sanhi raw ng MOA, napakabango ngayon ng pangalang Grace Poe sa politika; at puwede nang ihalal na pangulo maibsan lang ang trapik sa EDSA. O baka naman umiiwas ka lang na matanong kung may kaalaman at background ka sa highly-urban traffic management?
***
Bakit anti-poor ka (pagbabawal ng provincial bus) gayung kailangan mo ang mahihirap at masa para maipagtagumpay ang rebolusyon? Bakit mas daragdagan mo ang paghihirap ng mga nahihirapan na sa buhay sa ilalim ng gobyernong Duterte? Bakit di mo sila bigyan ng ginhawa sa biyahe gayung mas marami sila sa isang sasakyan lang at makatutulong sa hikahos na buhay ang makarating sa patutunguhan?
***
Iginiit ni Sen. Francis Tolentino, dating MMDA chairman na tanging tumawag sa Divino para ma-exorcise ang EDSA (na pinagtawanan pa) na mas may karapatan ang mahihirap na dumaan sa EDSA kesa mayayaman dahil sa equal protection na ipinaiiral ng batas at Supreme Court. Ito ang ipagkakait ng sistema ng MMDA, na ang pinuno ay ang rebeldeng Danilo Lim.
***
Sa provincial bus ban, ang higit na mahihirapan ay ang senior citizens. Nakalulungkot na pahapyaw lang ang turan sa senior citizens sa pagdinig ni Poe. Sana’y sa susunod na pagdinig ay palawigin ni Poe ang ginhawa sa biyahe ng senior citizens. Ang matatanda ang loyalistang tagahanga ni FPJ, na kahit sa Cine Mo ay sinusundan nang paulit-ulit sa lalawigan at nakagagaan sa kanilang damdamin sa paglipas ng nalalabing panahon.
***
Maraming dapat palitan sa MMDA, lalo na sina Garcia, Nebrija at Pialago. Hindi sila nakatutulong sa imahe ng MMDA. Hindi gobyerno ang kanilang asta’t mga pahayag araw-araw. Naalala ko mahinahon na mga pahayag nina George Abando, Edgardo Ermita at Ignacio Bunye. Sila ang tunay na gobyerno, na may galang at pagmamahal sa mahihirap; hindi nangungutya, hindi mayayabang.
***
Ang problema ng drivers ng private cars ay hindi nila alam ang side streets ng Metro Manila. May kaalaman ang retiradong mensahero ng telegrama’t liham. Dalawa lang silang mensahero sa maliit na tanggapan sa Ermita noong 1975. Hinati nila ang ruta sa Metro Manila. At dahil mistulang mapa na ang kanilang utak, wala silang problema sa pagyayaot. Kung walang alam, huwag nang magmaneho dahil sa EDSA pa rin ang tuloy niyan.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Agustin, Hagonoy, Bulacan): Kapag buhay ang pinag-usapan ng matatanda, napakasigla’t walang umaalis. Patandaan, mas lamang. Yung kase-senior (60) pa lang, matamang nakikinig. Biyaya nga ba ang umabot ng 86-anyos? Biyaya kung walang sakit at maintenance lang; at kung may mga anak at apo na gumagasta. Paghihirap at sakripisyo kung wala. Ayon kay San Agustin, prolonged suffering ang walang kumakalinga. Bakit pinapapayagan ng Divino ang prolonged suffering? Bakit ang hiram na buhay ay di pa kinukuha ng may-ari? Meanwhile, enjoy daw.
***
PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa San Pascual, Hagonoy, Bulacan): Nilusob na ng demonyo ang kids’ cartoons? Ito ang paniniwala ng pari’t relihiyoso. Witches, warlocks, violence, pandemonium, occult sa mga laruan at games. Bewitched, Sabrina The Teenage Witch, Charmed, Secret Seals Barbie, Black Robes, Reaper of Souls, Dungeons & Dragon, and more. Sino’ng pipigil?
***
PANALANGIN: Jesus, turuan Mo siyang mag-isip nang mabuti. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Dailly Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Trapik na rin sa Metro Davao, pero lahat kumikilos para gumaan at dumaloy mga sasakyan. Tulungan at bigayan lang yan. …8770, Matina, DC

The post Baba, Danilo Lim, baba! appeared first on Bandera.

Regalo, pera tanggapin

$
0
0

WALA sa kayamanan ang ikaliligaya ng tao. Liligaya lamang kung ibinabahagi ang anumang meron siya sa kanyang kapwa. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Hkm 2:11-19; Sal 106:34-37, 39-40, 43-44; Mt 19:16-32) sa Paggunita kina sa Exequiel Moreno, obispo, at San Juan Eudes, pari, sa Lunes sa ika-20 linggo ng taon.
***
Namatay nang walang pera si Sgt. Antonino Bautista, ng Manila Police Department. Kilala si Bote ng kanyang mga opisyal na ayaw “umispada,” kaya noong ’50s, itinalaga siya bilang hepe ng kahoy na Outpost sa labas ng simbahan ng Quiapo, sa tabi lang. Pero, nagkapangalan si Bote dahil araw-araw ay nahuhuli niya ang mga mandurukot at salisi sa loob ng simbahan at inaabutan ang tumatakbong mga snatcher sa labas. Minsa’y may donya (resident ng 4th st., New Manila, QC) na natuwa sa kanya napigilan ang pagtangay sa bag nito. Natuwa ang donya at binigyan siya ng P50 (P5-P6 ang minimum wage noon at ang bagong Chevrolet pickup ay P3,900 lang). Tinanggap ni Bote ang P50.
***
Inilipat si Bote sa Outpost sa Paco Market. Halos isang weapon’s carrier ang gulay at karne na naiuuwi niya sa sanlinggo. Tinanggap ito ni Bote; ipinakain sa pamilya, mga kapitbahay at nagpadala rin sa Indigent Children’s Hospital sa Gastambide. Pera man o regalo, di sariling pinakikinabangan ni Bote. Sgt. Antonino L. Bautista, Feb. 14, 1893-July 7, 1965.
***
“We have no longer any right over anything that has been given to us, once it has been accepted, whether an article or money. All these donations and presents, which may have been given to us out of gratitude or in any other way, belong by rights to the community. Talaarawan 93, Vow of Poverty, si Santa Faustina Kowalska, Aug. 25, 1905-Oct 5, 1938.
***
Ang kolumnistang Louie Beltran ay may payo sa reporter na tumanggap ng malaking halaga mula sa Customs commissioner: Huwag mong ibili yan ng pagkain o kotse para sa dalawang pamilya mo. Ibigay mo yan sa iyong kura paroko.
***
Come, look at this glittering world, like unto a royal chariot; the foolish are immersed into it; but the wise do not touch it. Dhammapada 13:171. Buddhism.
***
Hindi malinaw kung ano ang nominal at insignificant value ng ibinibigay o regalo. Subjective ang nominal o insignificant value at depende sa nagbibigay at tumatanggap. Pero, binabalangkas na ng gobyerno ang ibig sabihin at dami ng nominal at insignificant value. Kaya nga walang tinanggihan sina Sarhento Bote at Santa Faustina; dahil wala rin namang napunta sa kanilang bulsa, kundi sa komunidad.
***
UST (Usapang Senior sa Talakayan sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan): May magagawa nga ba ang edad 65-75 sa atakeng-laman o pagkakapariwara ng mga apo, lalo na ang mga batang babae? Tila dumarami na nga ito. Mas marami ang nauulat lamang sa tanod o purok at iilan lamang ang nakararating sa media. Ang kahindik-hindik nga lang ba ang dapat ma-media at kung karaniwan lang ay huwag na? Gantihan na lang ba ng dahas? Sadyang mabagal ang batas.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Barangay Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan): Bakit pumapalag ang mga obispo’t pari na inireklamo ng sedisyon? Sa ordinasyon, ang hangad ay kabanalan. Tila walang nagpaalala sa kanila na sila’y magiging biktima rin, tulad ni Jesus. Sila’y may pagkakataon na ipagtanggol ang sarili; na wala kay Jesus.
***
PANALANGIN: Maria, aming Ina, balutin mo kami ng balabal ng iyong pag-ibig upang masisiraan ng loob ang kaaway. Fr. Mar Ladra, ng Healing Eucharist, na itinataguyod ng Philippine Daily Inquirer.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Basta bigay, bigay. Ang hingi ang masama. …6788, Ma-a, DavaoCity

The post Regalo, pera tanggapin appeared first on Bandera.

Viewing all 138 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>