Quantcast
Channel: Lito Bautista Archives | Bandera
Viewing all 138 articles
Browse latest View live

Oral sex sa PNPA

$
0
0

HUWAG padadala sa kayabangan. Ito ang mensahe ng Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Fil 2:1-4; Sal 131:1-3; Lc 14:12-14) sa Lunes sa ika-31 linggo ng taon.

Marami na’ng napariwara at napahiya sa kayabangan. Sa smuggling sa Customs, ang mayayabang na sina Duterte at Aquino ay sinampal ng kahihiyan. Tila walang hiya na ang ating inihalal (di ko ibinoto sina Rody at Noy). Ang promosyon at papuri na ibinigay ni Duterte kina Faeldon at Lapena ay kahiyahiya, tulad ng hosana ni Aquino kay Abaya.

Para sa mga Customs reporter, noon at ngayon, balatkayo ang pagdinig sa Senado hinggil sa smuggling. Panahon pa ni Amang Rodriguez, ang mga mambabatas ang smugglers, by remote control. Ang paki ng mga senador at kongresista sa Customs, na may kapit sa Malacanang, ay walang hanggan. Kaya walang takot na pinalulusot (hindi nalusutan) ang bilyones na shabu.

May puslitan din (bagaman ‘di malaki at garapalan) noong panahon ni Marcos, pero napipigilan ito ni Parayno. Nagalit si Marcos. Pero di agad nagdedesisyon si Marcos kapag galit (tulad noong tinaga si Imelda sa Nayong Pilipino). Lodi ni Digong si FM pero sablay ang Dabawenyo dahil nagdesisyon siya habang galit, sabay pagmumura.

Bakit ang nagbunyag ng smuggling sa panahon ni Duterte ay iniipit? Bumabalik ang administrasyon sa panahon ni Aquino. Nang ibunyag ng deputy customs commissioner ang paglaho ng 600 lata (containers), kinasuhan pa siya ng katiwalian kaya natanggal sa Customs. Baka makulong pa nga ang gumagandang si Mangaoang.

Mayabang pa rin si Pangitlinan kahit pabata nang pabata ang nasasangkot sa krimen, na karamihan ay sa barangay lang at di nababasa sa dyaryo kaya’t hindi iniimbestigahan sa Senado. Dapat, pantay ang parusa sa bata’t matanda. Sa South Carolina, nililitis ang 6-anyos at sa 35 states, 7-anyos ang pinapanagot sa kanilang krimen. Ang pangit ng batas mo, Pangitlinan.

Kung walang kamunduhan, ang oral sex sa PNPA, tulad ng ginagawa sa special agents (top spies) ng CIA at KGB, ay mataas na antas ng kasanayan (training). Sa CIA at KGB, ang babae ay tinuturuan (brainwash) na ituring ang oral sex, pakikipagtalik at foreplay bilang bahagi ng trabaho. Ito’y inilalarawan na simple skin contact. Pero, kapag tumibok ang puso ay iba na. Dahil wala pa ang AFP at PNPA sa mataas na antas ng kasanayan, ang oral sex ay demonyong kamunduhan.

Isang uri ng simple skin contact ay ang paghawak sa suso ng mga babae sa isang tribu may 20 kilometro mula sa Port Moresby City. Ang paghawak ng mga lalaking bisita sa kanilang mga suso, pati na sa mga asawa ng hari ng tribu, ay pagbati sa pagdating ng mga dayo. Kapag tinanggap ng babae ang paghawak sa suso, kikiligin sila. Ang mga lalaki sa tribu ay hubad din at ang tanging nakabalot ay ang kanilang laweet. Ang tanging ‘di humahawak sa suso ay mga paring nagmimisyon.

Sa mga inilathala hinggil kay Freddie Mercury, halos wala namang ipinagkaiba ang pelikulang Bohemian Rhapsody. Pinalakas lang ang drama, pero may saysay dahil kontra AIDS ito. Ang di mapasusubaliang katotoohan simula sa first century ng simbahan ay ang sariling laman ay kakainin ng uod ng ganid sa laman.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan): Sa kuko ng breast cancer, sakmal ng takot ang senior citizens. Wala silang cancer, pero dumarami ang may sintomas nito sa kanilang mga manugang, anak o apo. Sa stage 3-4, ang kuwenta ng gamutang medico ay P2 milyon-P3 milyon. Saan naman kukunin ng seniors ang ganitong halaga? Karaniwan ang mga senior ay pumapasan din sa gastos ng kapamilya.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Juan, Hagonoy, Bulacan): Dumarami ang nagrereklamo na di na raw kasya ang arawang suweldo. Ang isang masigasig sa reklamo ay halos wala namang naipundar na gamit sa bahay. Bakit noong kasya o higit pa ang kanyang suweldo ay di siya nagpundar ng gamit? Saan napunta ang sobrang kita? Bakit ‘di napag-ipunan ang pangangailangan sa kinabukasan ng nag-aaral na mga anak? Ah, may videoke at alak.

PANALANGIN: Noli, Mater Verbi, verba mea despicere; sed audi propitia et exaudi. Amen

MULA sa bayan (0916-5401958): Di naman talaga sikat ang mga Pimentel dito. Hangga’t maaga, kailangang malaman kung dapat pang kumandidato si Koko o hindi na. …8766, Besigan, Cagayan de Oro City

The post Oral sex sa PNPA appeared first on Bandera.


Biktima ng tambay

$
0
0

SA lalaki, maging simple, marangal, marunong. Sa babae, maging banal, hindi tsismosa o alipin ng alak, mabait, masunurin sa kanilang asawa. Sa kabataan, maging simple lang. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Tito 2:1-8, 11-14; Sal 37:3-4, 18, 23, 27, 29; Lc 17:7-10) sa kapistahan ni Santa Francisca Cabrini, dalaga.

Pinili na lang ang simpleng mga katangian, pero kapag isinama ang iba pa (matatag sa pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis; banal sa kilos, magaling sa pagtuturo ng mabuti, dalisay, masipag sa bahay; huwaran ng mabuting gawa, malinis na konsiyensya, di matutuligsa upang mapahiya), wala nang makapapasang opisyal ng gobyerno, kandidato sa 2019, namumuno sa oposisyon, atbp.

Huwag munang isama ang kamunduhan, droga at hayagang pagnanakaw sa QC. Sa pagiging huwaran, dalisay at malinis, malayo si Joy. Pero, nakipag-alyansiya siya kay Sara nang hindi inaalis ang muta sa mata. Sa Davao ni Sara, ang pagpapatala ng negosyo ay plantsado sa tatlong araw. Sa QC, 13 ang proseso, na aabutin ng 30 araw; 14 tax at contribution payments at napakaraming kakausapin. Mahigit 20% ng puhunan ay malulustay na rito.

May magandang balita sa Baguio kung tatakbo pagka-mayor si heneral Benjamin Magalong, ang sana’y naging hepe ng PNP, imbes na si Bato. Nang ibinulgar ni Magalong ang dalawang libro (blotter) ng PNP sa ilalim ng Oplan Lambat Sibat at sasabit si Mar, natapos ang kanyang pangarap na PNP chief. Nanindigan si Magalong sa kanyang imbestigasyon sa Mamasapano at naipit sina Puring at Noy. Iisa na lang ang totoong tao ngayon, dalisay at malinis: si Magalong.

Kailanman, di pa matatawag na rebolusyonaryo ang mga nag-aral sa UP. Noong naganap ang Diliman Commune, naging malaking propaganda ito ng komunista. Pero, hindi buong Barangay UP Campus ang naging commune. Ang commune ay nagaganap lamang sa garalgal na broadcast ng dzUP dahil bumaha ang pale pilsen beer, gin at Tanduay sa Pook Dagohoy, Pook Palaris at Pook Amorsolo. Wala kasing pasok ang mga obrero ng UP.

Simula noong FQS hanggang ngayon, kung recruitment center ng komunista at NPA ang UP, napakabobo ng intel ng AFP para di masundan at matunton ang mga namundok. Ang istorya ng mga namundok sa Samal, Bataan ay lumabas sa kabilang tenga ng mga hepe ng pulis dito. Ang mga istorya ay nagmula mismo sa mga residente na nawalan ng mga anak na nurse, teacher at clerk na pinatay dahil pinaratangang DPA. Maraming alam na istorya sina Satur at Bobby sa Samal.

Mas dumami ang mga tambay sa NC (North Caloocan). Wala namang kampanya kontra tambay ang mayor. Iniutos lang niya na itaboy o pauwiin ang mga ito. Pero ang itinaboy ay ang di kakampi at kamag-anak ng purok, tanod at barangay. Ngayon, talamak na naman ang inuman sa kalye, eskinita’t pathwalk. Sa gabi, habulan, batuhan. Sa alas-3 n.u., dilat pa ang nakashabu. Teka, di ba sa Makati nagbalikan na rin ang mga tambay?

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Bagong Buhay 1, San Jose del Monte City, Bulacan): Piling-pili ang dumalo sa maliit na piging sa kompleanyo ng senior citizen, 75-anyos. Milindal na lugaw, tokwa’t okoy at inuming kalamansi; at santol. Mas marami ang bida (kuwento). Sa konting panawid gutom, hahaba ang buhay ng matatanda. Sa sobrang panawid gutom, 300,000 ang namamatay taun-taon, ayon kay Dr. Anthony Leachon.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-ugnayan sa King Kabayo, San Miguel, Bulacan): Kailangan mo pa ba ng bagong kaibigan? May bagong kaibigan ka ba na minero kung maghukay ng mga lihim sa buhay? Naihiwalay mo na ba ang grupo ng mga kaibigan mo na “curious” at “concerned?” Bubuksan mo ba ang aklat ng iyong buhay sa kaibigang may malasakit o malas-sakit sa iyo? Ang panlilinlang ng kaibigan ay sintanda ni Adan. Kung si Jesus ay isinakay pa sa tsubibo ni Escariote…

PANALANGIN: Quare me dereliquisti. Bakit Mo kami iniwan?

MULA sa bayan (0916-5401958): Di pa normal buhay namin sa Marawi Ang mga anak namin ay nag-aaral pa sa Taguig at Caloocan. …7442, Bubonga Marawi, Marawi City.

The post Biktima ng tambay appeared first on Bandera.

‘Filipino’ mamamatay

$
0
0

MARAMING manlilinlang ang naglabasan. Iyang ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 Jn 4-9; Sal 119: 1-2, 10-11, 17-18; Lc 17:26-37) sa Paggunita kina Santa Margarita ng Escosia, reyna; at Santa Gertrudes, dalaga, Bi-yernes sa ika-32 linggo ng taon.
Sunud-sunod ang panlilinlang. Sa pagtatanggol ng wika (Fi-lipino), sa isang pulong sa UP Hotel,may sumigaw na “balikwas,”

“ibagsak,” “pag-aalsa,” “himagsikan,” “imperyalista,” “iwaksi ang Ingles.” Umapaw sa komunista ang silid. Kaya, di nakapagtataka. Pero, ang tunay na problema ay ang desisyon ng Supreme Court na alisin ang pagtuturo ng Filipino at

Panitikan sa kolehiyo publiko. Problemang legal, pero pilit ipinapasok ang propagandang laos. Kung tama ang komunismo, bakit hindi nagtagumpay? Bakit walang inihahalal na komunista sa mataas na posisyon sa gobyerno? Bakit naubos ang mga komunista sa gobyerno ni Digong?

Namumuhi sa Ingles. Pero sina Lou Salazar at Lea Lapena Bonifacio ay nagmula sa Ingles, nakapag-ibang bansa dahil sa Ingles, nagsulat sa Ingles. “Alisin ang Ingles, in that manner,” ani Salazar. Ha?! Bakit may Ingles. Dalawang dulang musika na isinulat ni Bonifacio ay Ingles. Sa kanilang pagbabalik-tanaw, Inglisan nang Inglisan at maraming English words na walang salin sa Tagalog (Filipino). Inamin naman nila na para maging mabunga ang sariling wika ay dapat mamulot ito ng ilang Ingles. Ha?!

Motion for reconsi-deration ang solusyong legal sa SC sa kaso ng Wikang Filipino. Mukhang nagdarahop sa bright legal luminaries ang komunista. Ang tagal naman ng filing nila. Sa Nob. 26 pa. Pero, maaari ring mag-ikot muna at mangampanya.

Baka makaakit ng bagong komunista; laman-loob din yan. Di lumalaki ang bilang nila dahil wala namang ibibigay na trabaho ang komunista. Bagkus pina-patay pa ang mga naakit. Ang aking personal na kaalaman hinggil sa pagpatay sa sariling hanay ay naganap sa Samal, Bataan. Kinuha nila mula sa isang pamilya ang bagong nurse na babae, saka dinala sa bundok para gamutin ang su-gatang mga NPA. Nakauwi. Muling ki-nuha. Nakauwi, mu-ling…

Isang gabi, di na nakauwi ang nurse. Di na umuwi. Pinatay na pala pagkatapos pagbintangang ahente ng militar. Mas lalong naghirap ang pamilya. Inutang lang sa mga kamag-anak ang edukasyon ng bata, hanggang sa makapasa ito. Hindi na gaanong nakapaghanapbuhay ang nurse dahil kinuha na nga ng NPA. Isang buhay ang nasayang, isang pa-milya ang nagutom at hanggang ngayon ay lugmok ang mga pamangkin ng nurse. Hindi sila makasigaw sa hapis. Hindi sila makapagreklamo dahil sa bantang may susunod pa. Ang akusasyon, kung ahente ang nurse, di malayong gayun din ang mga kapatid nito.

Kung susundin ang mataas na pagtuturo ng Filipino ng mga taga-UP, mamamatay nga ang lengguwahe. Ipinabasa ko sa magmamani sa Dona Remedios Trinidad at sa maglulugaw sa Santa Rosa 1, Bulacan ang kanilang ipinamigay na polyeto sa mga dumalo sa pulong, kabilang ang media. Wala silang naintindihan. Matayog ang kanilang (UP) Tagalog at hindi lingua franca, na siyang sinusundan ng mga pahayagan. Ito’y pagpatay sa sariling wika at hindi pagtulong para yumabong ito.

Isa pang panlilinlang ng komunista ay ang mga placard sa rally sa pagdalaw ni Xi Jin Ping, presidente ng China. Dapat daw ibalik ng China sa atin ang mga kinamkam ng isla sa South China Sea. Ha?! Wala pa tayong sariling isla sa SCS. Ang ating hawak ay “claim” pa lang. Nagli-lingkod na ba ang mga komunista sa interes ng Kano? Binanatan sa rally si Xi. Na, binabanatan din ng Kano at umiiwas na makabangga sa paggamit sa RP.
qqq
UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Lumang Bayan, San Jose del Monte City, Bulacan): Magandang balita: marami na ang 80- anyos sa bansa at sila’y nasa mga lalawigan. Masamang balita: maraming edad 65-75 ang di makabili ng kanilang gamot at maintenance medicine. Namimigay din naman ng gamot ang mga opisyal dito. Pero di lahat ay nabibiyayaan. Umiiral pa rin ang politika. Sa barangay pa lang, hinaharang na.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Agustin, Hagonoy, Bulacan): Sinong patay (kaluluwa) ang ipinagdasal mo? Isa lang? Sampu lang? Dalawampu lang? Lahat ang kaila-ngang ipagdasal. May hanggang a-30 pa ng Nobyembre para makamit ang indulhensiya mula sa mga kaluluwa sa purgatoryo, na naiangat hanggang sa tarangkahan ng langit.

PANALANGIN: Ang walang hanggang liwanag ay sumakaluluwa na.

MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit mahal pa rin ang gas dito? Sabi sa dyaryo, araw-araw ,ay rollback. …1877, Fatimna, GenSan

The post ‘Filipino’ mamamatay appeared first on Bandera.

Pasko? Amoy dayaan

$
0
0

MAG-ingat at baka madaya na naman. Huwag maniwala sa kanila. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Pag 14:1419; Sal 96 10-13; Lc 21:5-11) sa kapistahan ni San Valeriano, Martes sa ika-34 na linggo ng taon.

Ang amoy ng Pasko ay naglalaho dahil sa mabahong singaw ng politika at Smartmagic, mas angkop bilang Smartswitik, ng Comelec, ang sistema ng bilangan para sa malawakang pandaraya. Ngawngawan muli ang mga politiko. Pero ang walang kibong ngawngawan ng computer ng Comelec ang nakatatakot dahil ito ang magwawagi. Mananaig ang pandaraya sa katotohanan.

Hindi sigalot ng China at US ang mitsa ng gulo, kundi ang malawakang pandaraya sa Mayo. Kasunod ng galit ng taumbayan ay ang pagtatatag ng RevGov para humupa ang lahat. Nakita na natin ang martial law ng mga Ilokano. Susubukan ang disiplina ng Davao?

Bumubuhos ang mga kasong kriminal laban kay Janette Garin. Ayon sa simbahang Katolika, ang buong Nobyembre ay buwan para ipagdasal ang mga kaluluwa. Ipinagdasal ba niya ang kaluluwa ni Chief Justice Renato Corona? Si Garin ay isa sa mga lumagda para ma-impeach si Corona. Hindi ipinagdasal ni Garin ang mga namatay, at mamamatay, sa Dengvaxia dahil di naman daw ang bakuna ang sanhi.

Mahigit 10 taon akong residente ng Pook Amorsolo, Barangay UP Campus, Diliman; ang huling taon ay 1990. Bumaba mula sa bundok ng Dona Remedios Trinidad (ipinangalan sa lola ni Imee Marcos), Bulacan, nitong Nobyembre, wala nang maparkingan sa UP ang apat na gulong. Mabuting na lang at dalawang gulong lang ang sasakyan ko at nakasingit sa maliit na lote ng UP Hotel, para sa pulong sa wika. Mayayaman na pala ang mga komunista, tulad ni Jack Ma.

Walang na-recruit ang komunistang mga prof at estudyante sa Amorsolo, Dagohoy, Palaris, maging sa kalapit na Krus Na Ligas (ang bilihan ng beer ng lasenggong mga prof at estudyante pag malalim na ang gabi) para mamundok at maging NPA. Hindi komunismo ang hangad ng mga residente at obrero sa UP Diliman, kundi ang bukas ng pamilya. Pinarangalan pa nga ni Michael Tan ang tapat na mga kawani ng UP, na di sumama sa komunista.

Si Dona Perpetua (Nana Tua) Molina, asawa ni Ignacio (Tata Atoy) Molina, ng Romblon, Romblon, ay nagsabi noong 1963 na palamura ang Kastilaloy na si Pangulong Manuel Luis Molina Quezon. Sa isang araw, mahigit 50 (100, 150, 200?) ang pagmumura ni Quezon. Hindi pala si Duterte ang palamura, kundi si Quezon. Kung dinadakila si Quezon ngayon, mas dakila pala si Digong dahil minura niya mismo si Obama (sumipsip din si Quezon sa Kano).

Gun ban muli; napakasakit sa responsible and licensed gun owners. Bakit mga drug addict at user lang ang exempted sa gun ban? Mga kidnaper, carnapper at motor-napper, exempted? Naawa ako sa taga-Santo Nino, Balagtas, Bulacan na natangayan ng P90,000 halaga ng mountain bike sa Marilao, pagkatapos tutukan ng baril.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Santo Rosario, Malolos City, Bulacan): Marami na raw ang 80-anyos, o higit pa. Mali ang Bloomberg Media Studies dahil wala silang datus sa Pinas. Ang mga pensyonado ng SSS ay 2.4M. Ayon sa tala ng DOH, marami sa edad 30-50 ang namamatay sa sakit (kabilang na ang di man lang naratay sa higaan) at aksidente (6M). Wala bang opisyal na talaan ng mga namamatay? Kung umaabot man ng 80 at 100 ang matatanda, ito’y dahil sa kanilang disiplina sa katawan at di dahil sa kalinga ng gobyerno.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Jose, Bulakan, Bulacan): Walang makapipigil sa nakawan ng maliliit na bagay sa gabi, tulad ng nakalimutang sinampay, bisikleta, bumbilya sa labas, o maging motorsiklo. Bagaman di pa malakihan (maliban sa motorsiklo), ang panlaban ng mamamayang normal at di marahas ay ang pagbabantay. Mapalad ang mga nagbabantay sa gabi (Lk 12:37-38), anang Pagninilay sa Ebanghelyo sa ilang nakalipas na araw ng karaniwang panahon.

PANALANGIN: Banal na hustisya, durugin ang demonyong politiko at Comelec.

MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit may shabu na naman? …4391, Bucana, Talomo, Davao City

The post Pasko? Amoy dayaan appeared first on Bandera.

Maganto Sparrow killer

$
0
0

WALANG mamiminsala’t mananakit sa kapwa. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Is 11:1-10; Sal 72:1-2, 7-8, 12-13, 17; Lc 10:21-24) sa paggunita kay San Juan Damasco, pari’t pantas, Martes sa unang linggo ng Adbiyento.

Tila malayo pang mangyari; tila malapit na rin. Walang makapagsasabi. Sa aklat ni propeta Isaias, ang alingawngaw ng panahon ng kapighatian ay damang-dama sa paligid ngayon, kahit na, at bagaman, pinaghahandaan ang kapaskuhan. Kilala ang nananakit at namiminsala.

Death squad ang sagot ni Duterte sa Sparrow ng NPA. Ang Sparrow ay nanghiram ng tapang kay Corazon Aquino nang iluklok ang balo ng militar, hindi ng taumbayan. Kaibigan din naman ng NPA si Ninoy, kaya tagumpay ang Plaza Miranda bombing. Mabangis ang “hustisya” ni Joma Sison at NPA. Pagkatapos ng dalawang araw na paglilitis ng “People’s Court,” daan-daan ang pinatay na “kasama” na inakusahang AFP infiltrators. Doon nakilala ng mga taga-Samal, Bataan si Satur, bilang NPA.

Banta ni Duterte: pakakawalan ang DDS kontra Sparrow. Huli ka na, Digong. Nauna sa iyo si Gen. Romy Maganto. Nauunahan palagi ni Maganto ang Sparrow Unit. Ang Sparrow ay agaw-armas din; at maraming pulis ang pinatay. Sa G. Tuazon-Tondo ni Maganto, patay ang Sparrow. Kaya nga may pelikulang “Maganto Sparrow Hunter.” Di binilang ni Maganto ang patay na Sparrow. Basta patay sila; buhay si Maganto.

Tahimik ang NPA sa kanilang killing fields sa Visayas at Luzon. Tahimik din ang NPA sa mga napatay na Sparrow ni Maganto. Tahimik din ang NPA sa kanilang inambus na mga sundalo ng Engineering Brigade, na non-combatants at gumagawa lamang ng daan, tulay at paaralan. Bakit nag-iingay ang mga kampon ni Aquino na magiging “wild, wild west” ang Pinas? Ano ba yung wild, wild west, tanong ng millenials.

Di raw isasama ng AFP ang sibilyan sa DDS. Ito namang si Gen. Carlito Galvez, parang children. Maraming sibilyan sa DDS sa Min. Hindi sasama at tutulong ang sibilyan sa DDS kung ang bayan ay Samal, Bataan. Mas marami ang NPA kesa normal na tao roon. Sa Marikina at Iligan, na maraming shooter, di na kailangang kumbidahin ang sibilyan para umanib sa misyon ng DDS. Mas marami ang normal kesa NPA sa Marikina at Iligan.

Nagwala ang Intsik nang balikan ang kanyang SUV, na ipinarada sa PWD slot; flat ang dalawang gulong. Pinayagan ng sekyu ang Intsik na pumarada sa PWD dahil “Chinese siya,” may-ari ng binabantayang fastfood. Nagalit ang mga driver na itinaboy ng sekyu. Bakit nagalit ang mga driver? Si Spanish Lt. Gov. Antonio de Morga ay nag-deport ng 30,000 Intsik na sinona (zona) sa Intramuros at Binondo, dahil sila’y “unruly, rowdy and drunkards.” Paktaylo.

Napakasipag ni Inday Sara; hakot dito, hakot doon. Mananalo na sa 2019 ang partido ni Sara. Yan ang akala niya, nila. Pero, ang eleksyon ay gagamit ng mandarayang teknolohiya ng Smartswitik, parehong service provider, administrador at regulasyon ng salamangkang Comelec. Walang binabanggit hinggil sa file integrity; nalinis na ba o muling binago nang rebisahin ang code? Hindi bukas sa publiko ang source code review. Continuing crime. I hate drugs, and cheating, too.

Bagaman bawal, tumatanggap pa rin ng Christmas gifts ang mga kawani ng isang sangay ng gobyerno sa North Caloocan. Napaikutan ng mga matsing ang kautusan ng civil service. Sa card ng aginaldo, hindi pangalan ng kawani ang nakasulat kundi pangalan ng anak ng kawani. Sa “From:”, ang nakasulat ay “ninong” o “ninang.”

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Agustin, San Miguel, Bulacan): Kapag kaharap ang millenials, huwag banggitin ang “good old days” o “noong milnuwebesiyentos ek-ek.” Away at pandudusta ang inabot ng matatanda sa umpukan sa pondohan.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santa Rita Bata, San Miguel, Bulacan): Nariyan lang sila. Yung nagsasabing marami silang alam at hindi maungusan sa kuwentuhan. Yung ang akala nila’y alam nila ang lahat. Kilala nila maging pagkatao ng iba. Malaking pagkakamali. Pero, narinig na ba nila kung sino ka? Ang iyong panig? Di sila nakikinig sa iba. Juan 7:1-30

PANALANGIN: Ipagtanggol Mo ang dukhang tumatawag, ang api na walang tmutulong. Sal 72:12

MULA sa bayan (0916-5401958): Kailan hearing ni Trillanes dito? Sasalubungin namin siya. …4341, San Juan, 2nd Agdao, Davao City.

The post Maganto Sparrow killer appeared first on Bandera.

San Mateo, Bong, Leila

$
0
0

SA maraming pagkakataon, tayo’y nagiging mahina, lalo na sa pera. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 40:1-11; Sal 96:1-3, 10-13; Mt 18:12-14) sa Paggunita kay San Damaso 1, papa, Martes sa ikalawang linggo ng Adbiyento.

Si San Mateo, alyas Levi, ay maniningil ng buwis at di kailanman sumablay sa kuwenta, kaya siya’y tinawag ni Jesus. Bukod sa pera, matalas ang memorya ni San Mateo sa mga salita ng kausap. Kaya numero’t salita ang kanyang itinatala, ang katibayan. Walang lusot. Kung si San Mateo ang nagkuwenta sa pork barrel ni Bong, nasa Munti na sana siya ngayon. Amen?

Dapat halikan ni Bong si Leila dahil si beautiful girl ang nagplantsa ng demanda kontra pogi bago ibinigay kay lola Conching. Hindi inosente si Bong sa plunder dahil may referrals siya. Dahil sumablay ang prosecution, di nakarating ang paglilitis sa “guilt beyond reasonable doubt.” Di naiprisinta ang ilang testigo at mahahalagang dokumento na may “high probative value” dahil di naman ito nakasaad sa pre-trial at markings. O kundi’y lagpas na sa “reglamentary period.”

Walang sapat na ebidensiya para hatulan si Bong, pero may katibayan para iutos ang pag-soli ng milyones. “For failure of the prosecution to establish beyond reasonable doubt that accused Ramon “Bong” Revilla received directly or indirectly, the rebates, commissions, and kickbacks from his PDAF, the Court can not hold him liable for the crime of plunder,” anang desisyon. Si
Sandiganbayan 1st Division Judge Geraldine Faith Econg, na hinirang ni BS Aquino 3, ay nagsabi na “the court must focus on the facts of the case and should not be swayed by popular opinion.” Igalang ang pasya.

Parehong may impluwensiya sa politika at poder sina Bong at Janet Napoles. Walang impluwensiya si Richard Cambe, bagaman siya’y abogado. Pero siya ang napuruhan. Ang bigat ng bundok ng sala ay ibinalibag sa kanya. Kawawang cowboy si Cambe. Ang batas ng sabwatan (ang gawa ng isa ay gawa ng lahat) ay di pinairal. Tulad ng isang katangian ni Jesus, walang estado’t poder sa buhay si Cambe, bagaman mataas ang kanyang pinag-aralan at may ari-arian.

Mahalaga ang pre-trial at markings. Idinemanda ako (kami) ni Bong ng kasong kriminal sa Trece Martires City noong siya’y gobernador ng Cavite. Nasa poder, may malakas na impluwensiya na maaaring ikatalo ko (namin). Pero, sablay sa pre-trial at markings si Bong at wala siyang binanggit na matibay na testigo laban sa akin (namin). Walang nagawa ang chief posecutor (Efren Maranan) para pangunahan ang paglilitis kaya ibinasura lang ng huwes ang kaso. Anak ng teteng mo.

Sa umpukan ng military brass sa isang Xmas party, “pulutan” si Robredo. Siya na ba… ang hahalili kay Duterte? Hindi siya. Hindi popular si Robredo at babagsak lang sa maling kamay ang AFP. Kahit tambakan pa ng pera ang brass na sinlaki ng Araneta Coliseum, ang popular pa rin ang papanigan ng AFP. Ang mga popular ay sina Sara, Sotto at Arroyo. Isang kontra: walang dabarkads si Sotto sa AFP. Isa pang kontra: muntik nang makudeta si Arroyo kung may ipapalit lang. Sa Xmas party, walang kumontra kay Sara. Ang brass ay tagahanga ni Abraham Lincoln sa nilalaman ng kanyang liham kay Gen. Joseph Hooker: Only those generals who gain success can set up dictators.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Bagna, Malolos City, Bulacan): Ilang kaklase na ba ang namatay? May di na ba makabangon? Ilan ba ang malakas pa? Ilan ba ang nakapag-asawa ng tatlo, apat? May nabilanggo na ba? Ilan ba ang di na Pinoy? Bakit tuwing Christmas party, wala na siya, sila? Aabot pa ba tayo ng 70?

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Jose, Bulakan, Bulacan): Ito na raw ang stressful Christmas (sa iilang inabot ang tiempo Japon, walang Pasko). Mahirap ang pera pero may lasingang walang sawa. Walang prayer book pero may gadgets. Sa dala-dalawa ang gadgets, kulang pa rin. Sa tatlo ang asawa, kayod 25 oras (parang Goodah!). Focus on joy, not on worldly stress.

PANALANGIN: Magalak, magsaya. May hain pa sa hapag. Sal 96:10-13.

MULA sa bayan (0916-5401958): Ang tagal naman ng arraignment si Trillanes. Naiinip na kami. …1871, Barangay 40D, Poblacion, Davao City.

The post San Mateo, Bong, Leila appeared first on Bandera.

Kahit baog ka pa

$
0
0

IYAN ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 7:10-14; Sal 24:1-6; Lc 1:26-38) sa kapistahan ni Santo Domingo de

Sa talinhaga, hindi baog sa tuwirang turan ang tukoy kundi ang imposibleng nagagawa sa nangangailangan (sina Zacarias at Elizabeth ay wala nang pag-asang magkaanak, pero niloob ito ng makapangyarihan kaya isilang si Juan Bautista). Nakaiinsulto na ang kahirapan ang siyang dahilan ng oposisyon para pasamain ang Pasko at sisihin ang gobyerno.

Sa pusod ng Aroma, Tondo, ang karamihan na hindi kilala ay nabubuhay lamang nang tahimik, tulad ng Pagninilay sa Mt 1:17 (kapistahan ni San Florian). Binabata ang labis na kahirapan. Ang bawat Pasko ay lumilipas nang walang luha at pagka-awa sa sarili, bagkus kumakayod para may makain. May nakakain (God provides).

Hindi kailangan ang handa, basta may makakain lang, o isang msarap na ulam para sa okasyon. Huwag nang maghanda; nauubos din yan, ang kanilang pakli. Ang Pasko ay isang araw lang, di tulad ng siyaman sa Santo Nino at Nazareno. Walang Simbang Gabi, dahil oras ito ng pangangalakal ng basura at pamumulot ng gulay sa Divisoria.

Tulad ng Hudyong Jesus na naglaboy sa Palestina, ang mga taga-Aroma ay “nagkita-kita sa paraisong” katabi at kasalo ang malalaking daga, walang estado sa buhay, walang pinag-aralan, walang real estate, naliligo kapag dumayo sa tubig o umulan nang malakas at tumulo ang bubong. Di nila itinuturing ang kahirapan na parusa ng Diyos, kundi dulot ng mga ganid na negosyante sa Divisoria at pandidiri sa kanila ng mga senador, kongresista at maging si Duterte.

Maging si Catriona Gray ay di sila dinadalaw, kundi ang isang “nakaririwasang” bahagi ng Tondo, na sineserbisyuhan na ng mga pari’t layko ng Santo Nino de Tondo (kumusta, Fr. Bobby de la Cruz, exorcist). Mga bata lang ang kalinga ni Cat, pero di naman nagdaramdam ang mga taga-Aroma. Ang mga bata sa Aroma ay naghahanapbuhay at di umaasa, lalo na sa politiko.

Tulad ng sa sabsaban, meron ding mga magnanakaw sa Aroma. Ayon kina JR at RJ (di tunay na mga pangalan), nagnanakaw lamang sila para gumanti sa mga magnanakaw; na siyang ginawa ng mga pastol sa Bethlehem. Kapag nanakawan ng tupa, babawi sila para makumpleto ang tupa. Kapag kumpleto na ang tupa, hinto na ang nakawan. Taliwas sa mga politiko sa Batasan at Senado. Daan-daang milyon at di humihinto.

Walang halaga sa mga politiko ang buhay ng mga taga-Aroma. Wala silang halaga kaya sila’y basahan o trapo. Kung sa mga naka-condo sa Divisoria, doormat ang mga taga-Aroma: ipapagpag kapag nanggitata at muli na naman iwanan ng dumi ng maruming paa. Marami na rin silang binanggit na Merry Christmas. Sa bawat banggit ay sinasagot ng “patawad” o “patawad po.” Aksaya lang ng laway ang Merry Christmas.

Niloloko tayo nina Bam, Imee at JV. Kailanman hindi malalansag ang political dynasty, taliwas sa sinasabi nila. Mahigit 90 ang pinakamayamang pamilya sa bansa at nabili na nila ang politika. Dahil diyan, di matatapos ang kahirapan, na tinuldukan na ng maraming bansa simula 2015, kabilang ang ilan sa ASEAN. Pederalismo? Cha-cha? Ngawngaw lang yan.

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Poblacion, Pulilan, Bulacan): Sensitibong talakayin sa umpukan ng senior citizens ang paghahanda sa kamatayan. Iilan lamang ang handa at karamihan ay takot. Kung may tutol, wala rin silang magagawa dahil nasa departure lounge na sila. Ang gawin: maging handa sa kamatayan, na sa Ingles ay rehearsal. Kung may pera, di problema ang pagyao sa Bulacan. May rock, jazz at videoke burol. Kung matatakaw ang naglalamay, di problema sa caterer. Rehearsal o plan burol?

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santa Rita Bata, San Miguel, Bulacan): Di apektado ang mga Katoliko rito sa sunud-sunod na sex scandal na kinasangkutan ng mga pari. Sa batas ng tao, matagal na paglilitis at baka maabsuwelto pa. Sa batas ng Diyos, walang paglilitis at may commitment order agad sa impiyerno.

PANALANGIN: Diyos, huwag kang lumayo. Sal 71:12

MULA sa bayan (0916-5401958): Sinong nagbabayad sa Manila media para sirain si Pulong? …5643, 35D, Pob, Davao City

The post Kahit baog ka pa appeared first on Bandera.

Bully sa Youth Year

$
0
0

SA dilim nag-uumpisa ang dagitab na liwanag at di kayang harangin ng karimlan. Ito ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 52:7-10; Sal 98:1-6; Heb 1:1-6; Jn 1:1-18) sa dakilang kapistahan ng Pagsilang ng Panginoon.
***
Agad na kumalat ang paglatag ng dilim sa paghahanda ng Simbahang Katolika sa Year of the Youth, ang ikapito sa paghahanda sa ika-500 taon ng Katolisimo sa Pinas (ang naunang mga taon ng paghahanda ay Integral Faith Formation, 2013; Laity, 2014; Poor, 2015; Eucharist and Family, 2016; Parish as Communion of Communities, 2017; Clergy and Religious, 2018; at Youth, 2019).
***
Ang sanhi ng dilim ay ang bully sa Heswitang Ateneo de Manila University, bukod lalim ang pagiging Katoliko ng mga estudyante. Dahil walang kakampi ang bully sa taumbayan, napilitan na rin ang ADMU na idismis ang mayabang at mapanakit na maliit. Di ba itinuro ng mga pari na ang mayabang ay ibinibagsak ng divino at pasan ang labis na kahihiyan sa paglagapak? Ah, prestige U.
***
Sa paghubog sa kabataan, 16-29, tuturuan silang maging transparochial apostolates tungo sa bokasyong pari, madre o religious life. Gagawin din silang agents of vocational pastoral ministry sa kapwa nila kabataan. Ang ituturong disiplina ay pagiging tahimik, mataas na antas ng contemplation at pagdarasal.
qqq
Pero wala ang mga katangiang ito sa bully ng Heswita sa katipunan. Ang pagi-ging gold medalist ay tala lamang ng panalo at di panghabambuhay. Kapag natalo ng bano ay mapapahiya ang mayabang na gold medalist. Kapag tumanda ay tatakasan ng lakas at malalaos na rin. Ang biyayang ito ay di pangmatagalan, di tulad ng journo na nakapagsusulat pa sa edad na 92.
***
Nang unang kumalat ang video, hindi nabahala ang ADMU sa sinapit ng biktima kundi ang pagkalat at sharing ng video, turan ang paglabag sa privacy rights ng bully. Hindi malalaman ng publiko ang pambu-bully kung di ito ikinalat sa socmed ng nagyabang. Ang pag-aalsa ng taumbayan kontra bully at pagtatanggol sa biktima ay ikipanlumo ng senior citizens na hi-nubog sa pag-aaral ng mga Heswita. Sana’y umakyat sa husgado ang reklamo ng biktima at kanyan mga magulang.
***
Hindi pala techie ang ilang opisyal ng ADMU, bunsod ng iniatas ng isa na huwag ikalat ang bully video. Ang utak ng opisyal na ito ay tila chain letter na ikinakalat (ipinadadala) sa pamamagitan ng koreo sa post office. Opisyal ka pa naman ng ADMU, bakit ka ganyan? Bawasan mo ang kakakain ng steak. Di yan bagay sa sikmurang lumaki sa pritong St. Peter’s fish.
***
Sayang ang itinatayo naming party-list na Motor. Isa sa mga binabalangkas ay ang paghahatid ng pasahero, tulad ng ginawa ng Angkas. Sa Cebu, si Mayor Tom Osmena ay ilalaban nang patayan ang Angkas, dahil naihahatid nila ang tao’t serbisyo nang mabilis. Matagal nang api at minamaliit ang riders sa kalye. Mahihirap lang daw sila at di kayang magka-kotse. Sana’y mapunta sa langit ang mga de-kotse, ang marangal na hangad ng mga nakamotor.
***
Ramdam na ang sunud-sunod na patayang politika. Huwag nang magbalik-tanaw. Sa tanaw-bukas, marami pa ang susunod na papatayin, at di tanong kung sino. Puwedeng ikaw (tinamaan ng ligaw na bala), siya o sila. Maging mapagmasid at handa. Kahit ganoon ang PNP, humingi pa rin ng tulong sa kanila, lalo na kung hawak ng politiko ang ilang pulis.
***
Ang economic team ni Ferdinand Marcos ay may graduate schooling sa America: sina Placido Mapa at Vicente Paterno, Harvard; Cesar Virata, Wharton; Gerardo Sicat, MIT; Jaime Laya, Stanford. Di sila sumawsaw sa anumang politika. Sa 2019, sinu-sino ang pantapat ni Duterte kontra kahirapan?
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Malumot, Paombong, Bulacan): Sa talaan ng hapis at ligaya sa pagta-tapos ng taon, mas marami ang hapis. Ang iba’y nakapanlulumo. Ang iba’y panandalian at agad na lumilipas ang ligaya. Malupit ba ang mundo? Ang kalupitan ay sakripisyo. Ang sakripisyo ay ligaya. Kung sinapit na ang ganitong edad sa ngalan ng sakripisyo, kaya pa ang mga susunod.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Iba-Ibayo, Hagonoy, Bulacan): Isinantabi ang tema dahil apat sa dumalo ay may katulad na problema sa pagpasok ng Bagong Taon: marital troubles ng kanilang anak na nasa tarangkahan na ng away-pamilya. Di nababawasan, bagkus nadaragdagan ba ang marital troubles? At ang dahilan ay pera.

PANALANGIN: Gumawa ka ng himala, Panginoon. Sal 98:1

MULA sa bayan (0916-5401958): Dito, hindi tumatagal ang bully. …7203, 26C, Davao City.

The post Bully sa Youth Year appeared first on Bandera.


Alsa-riders heto na

$
0
0

HINDI sila kabilang. Kung kabilang sila, kasama sana natin sila. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (1 Jn 2:18-21; Sal 96:1-2, 11-13; Jn 1:1-18), sa kapistahan ni San Silvestre 1, ika-7 araw sa pagdiriwang ng Pasko.

“No escape from reality. Open your eyes. Look up to the skies and see,” ayon sa Bohemian Rhapsody, awit ng Queen. Sinabi ng tagapagsalita ng MMDA na bukas sila sa suhestiyon na ipagbawal ang motorsiklo sa EDSA, dangan nga lamang at mangangailangan ito ng mahabang talakayan. Kung gayon, wala nang fastfood delivery, banko at messengerial services; maging motorcycle unit ng MMDA, HPG at PSG sa EDSA? Anlupet!

Sa Cebu City, ipinaglalaban ni Tom Osmena ang karapatan at kapakanan ng mga nakamotor at Angkas. Sa Metro Manila, wala pang politiko na magpapakamatay para sa kanila, isang sektor ng mahirap na marangal na naghahanapbuhay. Bago mag-Pasko, pinatay na ng rebeldeng Danilo Lim at LTFRB ang kanilang hanapbuhay kaya nagugutom ang pamilyang ipinagdiwang ang Dakilang Pagsilang ni Jesus – hanggang Bagong Taon.

Kapag TNVS na wala ring prangkisa ay puwede; motor hindi. Paanyaya ito ng pag-aalsa ng riders. Huwag igalang ang rebeldeng Danilo Lim. Huwag iboto ang mapaniil na mga politiko. Mag-alsa laban sa kanilang mga kasinungalingan na kapag rider, masama. Di naman agad matatanggalan ng mga riders ang gobyerno ng kontrol sa poder, pero sa pasikut-sikot ay makararating din doon.

Ang taumbayan ay nasa likod ng Angkas, ng riders. Tulad ng habal-habal at skylab sa mga liblib ng Mindanao, walang nagawa ang LTFRB dahil ito ang transportasyon ng taumbayan, lalo na sa emergency cases na kailangang dalhin agad sa ospital. Sa awit ni Jim Morrison na Riders On The Storm, kayang tawirin ang unos na dulot ng gobyerno. Unlawful motorcycles-for-hire of today, lawful motorcycles-for-hire tomorrow.

Gobyerno’t politiko ang kalaban ng riders. Ang mga nakamotor, kanilang pamilya’t mga kamag-anak at kapitbahay at ang commuters na nawalan ng masasakyang agad na makararating sa patutunguhan ay malaking puwersa sa eleksyon. Huwag iboto ang mapang-api. Huwag igalang ang rebeldeng Danilo Lim. Ang pangangailangan ng commuters ay hindi ibinibigay.

Para kay Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin, ang bully ng maka-Diyos na Ateneo ay dapat gulpihin hanggang mawalan ng ulirat.

Isa pang maka-Diyos, ang UST, ay pumatay ng law student. Nag-aanyong matino at marangal ang demonyo sa unibersidad ng mga Heswita’t Dominicano. Sa UST noon, pinatay din ang ROTC cadet, na ang bangkay ay lumutang sa likod ng Quinta market. Taon ng bully and 2018.

Sana naman, ngayong 2019, managot na sa batas sina Aquino at Abad sa paglustay ng pera natin. Mga gurami lang ang nakademanda. Malinaw ang sinabi ng Supreme Court sa mga eskandalo ng DAP at PDAF. Sana naman, di lang si Napoles ang nasa selda. Nasaan si Roque, atbp., na nangolekta rin ng pera ng taumbayan at ibinigay ang malaking bahagi sa mga senador at kongresista? Sus, matatabunan ito ng eleksyon, anang senadora.

Singkad ang abuse of the clergy noong 2018. Bakit mas lalong dumagsa ang mga nag-simbang gabi sa siyam na araw? Sapat ang mga batas ng tao para litisin ang nagkasalang mga pari/obispo. Lilitisin pa sila at hindi pa huhusgahan. Sa mga kolum at social media, nahusgahan na sila at kondenado na.

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Santo Cristo, Baliwag, Bulacan): Dahil Taon ng Kabataan, hinihikayat ng simbahan ang senior citizens na tumulong, kumbidahin sila at lumahok sa mga gawain ng simbahang Katolika. Madaling sabihin, mahirap gawin. Malaki na ang agwat ng kabataan at senior citizens. Para sa seniors, kailangan pa nilang makipagkaibigan sa mga naligaw ng landas. Mahirap. Paano pa kaya kukunin ang kanilang tiwala sa nakatatanda?

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Wawa, Balagtas, Bulacan): New Year’s resolution? Walang mangyayari riyan. Lumingon ba sa 2018 bago hinarap ang 2019? Isinama ba si Jesus noong 2018 at isasama rin ba ang Santatlo sa 2019? Si Maria ang tampok sa mga unang araw ng 2019. Bakit di siya kasama?

PANALANGIN: Panginoon, tulungan mo silang magmahal sa naghahanapbuhay na riders. Banal na pangalan ni Jesus, ipanalangin Mo kami.

MULA sa bayan (0916-5401958): Inday Sara, kailan ba darating dito si Trillanes? …7670, Talomo Proper, Davao City

The post Alsa-riders heto na appeared first on Bandera.

Mga ligalig ni Kris

$
0
0

SILA na naghahanap ay makatatagpo; kung may patnubay ng tala. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 60:1-6; Sal 72:1-2, 7-8, 10-13; Ef 3:2-3, 5-6; Mt 2:1-12) sa dakilang kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon.

Isa sa may pangunahing mga hinahanap ay si Kris, na inilulugmok sa labis na mga ligalig ng buhay. Hindi siya nagdasal sa Diyos, na kanyang sinabihan sa Japan: God I’d let go of all my anger if only he would let me live until my son Bimby turns 18th in seven years. Nakikiamot lang si Kris ng awa sa Diyos na mapagbigay, pero ang katugunan at kaganapan ay di hinaharbat kundi naayon sa Kanyang kalooban, at kung kailan Niya nais na ibigay sa nararapat pagbigyan. Ayon sa Catechism of the Catholic Church, di ikinalulungkot kung di ibinigay ng Panginoon. May dahilan ang Panginoon at Siya lamang ang nakaaalam.

Kapag tinanggal ba ni Kris ang galit sa kanyang puso ay ibibigay ng Diyos ang kanyang kahilingan na maabot ang ika-18 kaarawan ni Bimby? Ang problema kay Kris ay hindi siya mapagkumbaba. Laki sa yaman, mayabang at ang tapang ay hinuhugot sa poder, na wala na siyang tangan. Sa Ebanghelyo, ang mayabang ay lumalagapak sa kahihiyan at kawalan ng lahat na mahalaga. Wala bang kapatid si Kris na kukupkop kay Bimby at tutustusan ang luho nito (hindi binanggit ni Kris si Josh)?

Di na ako lalarga sa mga sakit ni Kris, kahit na ang bokasyon ay sa sick and the dying (inakay ko sa mapayapang kamatayan ang tanyag na horse racing columnist na si Orlando Primo, na ni minsan ay di man lang tumawag sa Diyos pero nagsisi at namatay sa Banal na Oras ni Kristo). Ang sumira sa kanyang kalusugan ay mismong ang kanyang isip at katawan.

Dahil sa gabay ng tala kay Mayor Sara Duterte, sinabi niya na komunista at tagapagtayod ng NPA ang Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers (ACT), Anakpawis, Gabriela, Kabataan, at Migrante. “These militant groups, who masquerade as pro-people, only want to sow hostility and chaos, especially to those who reject them and the terrorist groups they support — the New People’s Army (NPA), the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), and the Communist Party of the Phil-ippines (CPP),” ani Inday.

Oktubre 2018 pa lang ay sinabi na ni Sara na komunista-terorista ang ACT. Bakit lumambot sina Panelo at Albayalde? Magkaiba ang profiling at paniniktik. Ang profiling ay hindi paniniktik at ang paniniktik ay na-profile na. Sa isang barangay tanod outpost sa Barangay Bagong Silang, NC, may profiling ng nahuhuling mga batang hamog bago isangguni sa pulis at DSWD. Ang kanilang profile ay nakasusugpo ng krimen at natututo ang mga tanod hinggil sa bagong mga modus ng mga anak ni Kiko Pangilinan. Ang komunista ay takot sa profiling at National ID dahil mabubuking sila. Nanirahan din ako sa mga bundok ng eastern Bulacan: di umubra ang NPA.

Si ama (Antonino L. Bautista, Manila Police Department) ay naging outpost commander sa labas/tabi ng simbahan ng Quiapo noong mid-’50s. Kahoy ang outpost at angat sa lupa dahil binabaha ang plaza; wala pang Underpass. Walang traslacion at wala pang 20 pulis mula Isaac Peral ang nagbabantay sa prusisyon, na inaabot lamang ng tatlo-limang oras, mula sa paglabas sa simbahan makapananghalian. Nagdarasal at disiplinado ang mga namamanata, di tulad ngayon: lasing o naka-shabung deboto.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Santa Cruz 3, San Jose del Monte City, Bulacan): Biglang tumaas ang presyon ng ilan. Ang tema: PERA. “Sa tanda ba namin, di pa kami marunong sa pera?” “Di pa ako nakahawak ng sandangkal na P100.” “Wala sa edukasyon yan. Ang bigasan ko ay lumago hanggang P3 milyon ang umiikot.” “Noon, empleyado ako. Ngayon, perang impok ang naghahanapbuhay para sa akin.” “Wala pang P6,000 ang kita ng tindahan ko. Pero, buhay ang dalawang apo ko.” Financial literacy o wais lang sa pera?

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Jose, Bulakan, Bulacan): Natapos ang Pasko sa Bulacan noong Enero 6. Bagaman mahirap ang buhay at mababa ang suweldo sa kanayunan, halos pantay ang bilang ng nagbibigay at tumatanggap. Masamang pangitain pero realidad. Pinipili na ang pagbibigyan.

PANALANGIN: Panginoon, salamat at natagpuan ka namin. Pawiin mo ang aming kahinaan.

MULA sa bayan (0916-5401958): Bakit nang binomba ang mall sa Cotabato City, tahimik ang mga kumaintarista sa Imperial Manila? …Barangay 23C, Davao City

The post Mga ligalig ni Kris appeared first on Bandera.

Kandidatong Smartmatic

$
0
0

ALAM ng demonyo ang kapangyarihan ni Jesus. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Heb 2:5-12; Sal 8:2, 5-9; Mc 1:21-28) sa kapistahan ni Santa Ita, sa unang linggo ng karaniwang panahon.

Maraming spokesmen ang demonyo, at isa sa kanila ay nag-uutos na patayin at pagnakawan ang mga obispo. Wala namang sumusunod kay spokes. Kung susunod, madaragdagan ang mga martir-santo na Pinoy; tulad ng naganap kay Oscar Romero. Makapangyarihan si Jesus, kaya alam ng demonyo na kahit araw-araw na manukso, di niya mailulugso ang simbahang isinilang noong Pentekostes. At pinakamahirap wasakin ang simbahang Katolika sa Pinas.

Nakaiinis na ilang monsinyor at obispo ang pumatol sa spokesman. Hindi dapat sila napundi sa spokesman dahil sila ang ordinadong kinatawan ni Kristo. Mas katanggap-tanggap kung sila’y magpapakumbaba at idalangin, o alayan ng nobena, ang spokesman. Puwede naman silang mag-alay ng buong araw na sunud-sunod na Misa para sa spokesman sa Quiapo, kuntodo tirik ng kandila. Maliban na lang kung nagmamadali silang maging martir, o di na tumatakbo kaya’t nagkaroon ng bagong 3.0 Dmax.

Sa likod-bahay sa dulong bayan sa Bulacan, natatanaw ang mga NPA. Karamihan ay bata, na tila estudyante nga ng UP at PUP. Simula 2014 ay wala nang bakbakan ang NPA, mga residente, pulis at Army dito. Pinapayagan silang dumaan nang tahimik, walang armas, at di magbabahay-bahay para mangikil ng sardinas, karne norte, mantika’t bigas. Papatayin sila ng taumbayan at gobyerno. Sa Plaridel, naglaho ang NPA nang dumami ang mga residenteng asintado na sa baril at may kasanayang lumaban sa active shooter(s). Hindi papayag ang Bulacan na matulad sa Quezon na inilugso ang kaunlaran ng NPA.

“…drivers of motorcycles… who venture to ply national, provincial, city and municipal roads are the most abusive and arrogant drivers nowadays,” ani Charlie Manalo. Bakit mo naman nilahat? Sarap mong… Di naman abusadong rider sina Randy David, Benhur Abalos, Gregorio Honasan, Reynaldo Berroya, Dr. Che Lejano, Oscar Albayalde, Rodrigo Duterte; mga driver ng Angkas, fastfood at messengerial services. Sarap mo talagang…

Nakita ko si Labor Secretary Silvestre Bello III sa isdaan ng palengke. Kung bodyguard ang nakasunod sa kanya, di ito makabubunot ng baril dahil bitbit ang mga pinamili. Luma’t pudpod na sapatos. Luma pero malinis na damit. Kilala ng mga reporter si Bello na kuripot; Ilocano. Mas milyonaryo pang manamit ang kapitan ng isang barangay sa North Caloocan, na naging tao lang nang dumikit kay Mayor Oca Malapitan. Kung kawatan si Bello, bakit tatlong recruiter lang ang nagsasabi?

Kapag panahon ng kampanya ay maraming matalino at manloloko. Maraming manunuri (analyst), kesyo si Poe na, etcetera. Sa nakalipas na tatlong eleksyon, ang kandidatong Smartmatic ang nananalo. Ang kandidatong ito ay nagbabayad, sa malaking halaga, ng “institutional operators” para manalo. Malawak mangampanya ang kandidato, at bigla siyang aangat sa survey sanlinggo bago eleksyon. Ang mga galamay ni Andy Bautista ay nasa Comelec pa; mga hustler sa pandaraya. Di nila akalain na halos buong bansa ang bumoto kay Duterte, gayung tiniyak na ni De Lima kay Ronnie na si Mar ang mananalo. Hindi pa naaalis ang programang mandaraya sa mga makina ng Comelec. Masalimuot na computers na di kayang maunawaan ng taumbayang nakanganga.

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa San Vicente, Malolos City, Bulacan): Mula sa 15 makasariling damdamin, tatlo ang natira para pagbotohan para maging isang pangunahing demonyong damdamin. Ang tatlo: inggit, galit at muhi (muntik pang masama ang makamundong pagnanasa kahit senior na). And the “winner” is: muhi. May kimkim na muhi ang seniors sa kabila ng kanilang edad? Sa 10 scale, 5-3 ang muhi; kimkim at di isiniwalat o maisiwalat.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Bagong Silang, San Miguel, Bulacan): Di mapigilan ang away ng magkakaibigan, pamilya, maging kamag-anak. Nagkakasakitan, nagpapatayan, nagdedemandahan. Laganap sa bayan, bansa. Mula sa Biblia, hanggang ngayon. Walang pumipigil, bagkus pinapaypayan pa. Di na kilala ang espiritu santo.

PANALANGIN: San Miguel, iharang mo ang iyong sundang sa aming daraanan.

MULA sa bayan (0916-5401958): Kay bilis naman maglaho ni Trillanes nang basahan ng kaso dito. Sayang. …3240, Barangay 13B, Davao City.

The post Kandidatong Smartmatic appeared first on Bandera.

Hamog. Ano si Kiko?

$
0
0

DAPAT buwagin ang mga batas na mapa-nganib sa tao. Ang batas ay para sa kabutihan ng tao. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Heb 6:10-20; Sal 111:1-5, 9-10; Mc 2:23-28) sa paggunita kay San Vicente, diyakono’t martir, sa Martes sa ikalawang linggo ng taon.

Dalawang pangunahing batas ang dapat buwagin at/o baguhin dahil ito’y naging mapanganib sa tao at taliwas sa katotohanan: batas pabor sa batang hamog ni Pangitlinan (ang pangit kasi ng batas) at Automated Election (RA 8436, 1997). Bata’t kabataan ang sangkot sa krimen at ang demonyong batas ni Pangitlinan ang kanlungan. Sa nakalipas na tatlong eleksyon, techie ang pandarayang di maarok ng karaniwan kaya lumalakas ang panawagang amyendahan ito at baguhin ang seguridad ng transmission ng resulta ng halalan, todong rebisa sa source code, bukas at malinaw na digital forensics at bukas at bagong teknolohiya ng pagbibilang. Isang gabi lang nailuklok na ang mga kandidato ng Smartmatic.

Sa mga kontrang baguhin ang batas-Pangitlinan, subukang tumambay, maglakad o manirahan sa Bagong Silang, North Caloocan; Payatas A at B, Holy Spirit, Batasan Hills, Quezon City; Baseco, North Harbor at Radial sa Maynila; at Bay Boulevards (North at South) sa Navotas; o magmaneho sa gabi sa C5 at NLEX.
Kahit kabilang kayo sa bupete ni Atty. Estelito Mendoza, wala kayong madedemandang batang hamog ni Kiko.

Huwag isangkalan ang UN Convention ek-ek. Hindi umubra yan sa London at Bagong Silang, NC. Sa London, ibinaba sa 7-anyos ang pananagutang kriminal dahil sa isang insidente (dinukot, binugbog at pinatay ng dalawang 10-anyos ang 2-anyos na sanggol). Sa Bagong Silang, mismong vigilantes ang pumapatay sa mga batang hamog dahil pinalalaya lang sila ng mga tanod at purok leader para muling maghasik ng lagim.

Noong ’50s, binubugbog ng taumbayan at batang-kabo ang mga juvenile delinquents sa Gastambide, San Anton, M.V. De los Santos, Reten at Lepanto. Bagaman may nakukulong, nakalulusot sila sa batas dahil sa demonyong lagayan at bangketahan ng kaso. Bugbog ang remedyo ng taumbayan noon; hindi salvage. Nabawasan ang mga batang siga. Wala pang droga; naka-Tanduay lang ang mga hamog.

Kung makalulusot, ang ARMM ay hangad baguhin ng BOL. Sa ARMM, mas lalong yumaman ang mga politiko at mas lalong lumala ang kahirapan at tunggaliang tribu. Maaaring mapalitan ang mga politiko ng mga rebelde, na ayaw ng ilang Moro. May isa o dalawang pangkat ng rebelde na maiiwan ng tren ni Duterte at ang mangyayari ay taga-Mindanao lamang ang nakatatalos kaya walang karapatang pumuna ang taga-Luzon. Sabaw ng pusit? Malabo?

Nakagagalit. Wala pa ring hustisya sa mga balo’t naulila ng Mamasapano massacre. Sa unang anibersaryo hangad ng mga balo’t naulila na makalaboso si B.S. Aquino 3. Hindi natutulog ang divino. Unti-unti nang kinakain ng anay ng karma (gaba sa Bisaya) si Aquino. Mumultuhin na siya ng namatay na SAF 44, mga batang sinaksakan ng Dengvaxia, mga binastos na bangkay sa Yolanda. Nakita na siya ng Diyos, at naghihintay lang, ani Leo Tolstoy. Kinakarma na rin ba si Kris? Ang ligalig ay isang paraan ng paniningil.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa San Jose, Bulakan, Bulacan): Life expectancy: 80. Boundary: 70.
Nagdudulot sa kanila ng lakas ang pag-aalaga ng apo, sa kabila ng masasakit (marurupok) na mga buto at naiipit na baga dahil sa hingal. Kapag apo, gagawin ang lahat, pati na ang paliligo at pagpalit ng nangamoy na lampin. Iyan ang katangiang meron lang ang Pinoy; mahirap na masarap para sa seniors.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Pag-asa, Obando, Bulacan): Kumakalat ang fake news sa teritoryo ng Diocese of Malolos. Utos daw ni Duterte na huwag magsimba sa National Shrine of Our Lady of Fatima at National Shrine of the Divine Mercy. Sa Fatima, madaling mapuno ang dambana dahil di ito malaki.
Sa Divine Mercy, nagdagdag pa nga ng Misa dahil dumarami na ang tao sa may apat na ektaryang lawak nito.

PANALANGIN: St. Thomas Aquinas (ikaapat na nobenaryo sa kapistahan sa Enero 28) manatili kaming nakaugat sa katotohanan. Amen.

MULA sa bayan (0916-5401958): Hindi kailanman papayagan ang BOL dito. …5498, Barangay 5A, Davao City.

The post Hamog. Ano si Kiko? appeared first on Bandera.

Handang mamatay

$
0
0

ANG masasama ay nagkaisa sa paggawa ng masama para wasakin ang kabutihan. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Heb 9:15, 24-28; Sal 98:1-6; Mc 3:22-30) sa ika-3 linggo ng karaniwang panahon, sa paggunita kay Santo Tomas de Aquino, pari’t pantas

Muling naghasik ng lagim ang kamatayan sa loob mismo ng Katedral ng Birhen Carmelo sa Jolo habang sinasalubong ng hymno ng papuri ang Ebanghelyo. Hindi matanggap ang biglaang kamatayan sa karahasan. Pero, meron din namang tinanggap ang nangyari at nagdasal (ang mga namatay ay umaawit ng papuri nang sumabog ang bomba).

“You must be ready to die today, now, at this very moment!” anang Preparation for Death, Prayers and Consolation for the Final Journey. Iyan ay ilan lamang sa maraming turo ng Simbahang Katolika hinggil sa kamatayan. “Death is an end of man’s earthly pilgrimage,” tugon ng CCC (Catechism of the Catholic Church) 1013, ang editio typica at gabay-pagmumulat.

Dahil diyan, “Death itself and pain whatever torments might come were but child’s play,” ani St. John Chrysostom (347-407), isa sa mga doctor ng simbahan. Ayon kay San Agustin, naaapula ang sunog, naililiko’t napipigilan ang baha, ang bansa at luklukan ay naipananalo sa digmaan, pero walang makapipigil sa kamatayan.

Ang kamatayan ay tinatanggap para makabangon at lumaban. Tama ang panaghoy ng mga naulila: hustisya. Makakamit ang hustisya sa gobyernong Digong (walang hustisya sa gobyerno ng dalawang Aquino). Tatapatan ni Duterte ang katraydoran ng mga Moro. Makakamit din ang hustiya. Kung kaya ni Erap noon, mas kaya ni Digong ngayon.

Ang Bagong Silang, North Caloocan ay takbuhan at kublihan ng mga Morong tinutugis ng batas. Kapuna-puna na bago naganap ang insidente ay dumami ang mga mosque sa North Caloocan. Sa limang beses na pagdarasal araw-araw, nakatrompa (loudspeaker) ang mga mosque, na dati’y pang-alas-5:30 n.u., lang. Sa isang banda, ang nakabibinging trompa ay nakabawas sa maiingay na videoke ng mga Kristiyano. Takot lang nila sa Moro.

Tila may hugot si Bishop Ambo David, ang biblical scholar ng Pinas, nang kondenahin niya ang pambobomba pero isinama ang mga namatay sa drug war. Walang konek. Ang bomba sa Jolo ay may pera ng ISIS. Ang shabu sa Visayas-Luzon ay wala pang kamay ng Al-Qaida. May karga si David. Sa pagtuligsa sa social issues, dapat tularan ni David si Jesus: walang paghusga, pero nagdarasal ng gabay at kapatawaran ng Diyos Ama. Nakalulungkot na tila nagkasipon si David sa bahing ni Socrates Villegas.

Panis na nga ang reaksyon ng CBCP dahil nakaraan na ang tatlong araw. Malinaw na pinagtalunan muna ang teksto ng pagkondena; at inakalang mas sisipa kapag may banat kay Duterte. Ang hindi nakita ng mga obispo ay ang kasunod na all-out war ni Duterte sa bandido, terorista at durugistang mga Moro. Sinuportahan ng taumbayan ang all-out war at pag-ulan ng mga bala ng Howitzer.

Noong si Fr. Cirilo Nacorda ay nagmisa sa rehiyon, parati siyang may bitbit na M16, bagaman 1081 (martial law) noon. Nakamotor lang si Fr. Cirilo at nakalaylay sa balikat ang Armalite. Maraming kilala ang pari sa komunidad ng mga Moro. Shooter ang pari at handa siyang lumaban, batay sa atas ng CCC (Catechism of the Catholic Church) 2265.

Inilarga noon ng mga batang Marcos ang Ilaga sa Mindanao. Kung ano ang ginagawa ng mga Moro, tinatapatan. Atras ang mga Moro. Ginaya ito ng ilang opisyal ng PC at militar. Tiklop ang Moro. Kaya, may saysay ang banta ni Duterte sa mga Moro: kung kaya ninyo ang brutal, kaya rin namin.

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Longos, Pulilan, Bulacan):
Ang VMMC sa North ave., QC ay para sa senior citizens na nagserbisyo sa hukbo. Bagaman di ito ang tema ng talakayan, agaw-pansin ang reklamo ng ret-military sa karatulang bumungad sa kanya bago pumasok ng pinto: “Bawal ang fixer.” Bukod dito, marami ring karatula ang kanyang nadaanan. Kawawa naman ang seniors, na ang hangad ay serbisyo-kalusugan, hindi fixer.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Wawa, Balagtas, Bulacan): Sa paghahambing at pagyayabang ng kaalaman at paggawa, walang nakahihigit. Mas mabuting ipakita na lamang ito nang tahimik at anihin ang natapos. Kahit na ang anghel at unggoy ay bumabagsak mula sa itaas. Iwasang magyabang.

PANALANGIN: Ipanalangin Mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

MULA sa bayan (0916-5401958): Welcome ng maraming Ilokano rito ang Imee-Sara. …5116, 16B, Davao City.

The post Handang mamatay appeared first on Bandera.

Maraming konsintidor(a)

$
0
0

HINDI kayo manghihina o masisiraan ng loob. Makikibaka kayo laban sa masama. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Heb 12:1-4; Sal 22:26-28, 30-32; Mc 5:21-43) sa paggunita kay Santa Agata, dalaga’t martir.

Nakapanghihina para sa normal na tao, hanggang sa masiraan ng loob, ang pambobomba sa Katedral ng Birhen Carmelo sa Jolo at ang pagtatalo para ipagtanggol ang mga batang nakagawa, at patuloy na gumagawa, ng krimen.

Ang pambobomba at pagtatanggol sa mga batang kriminal ay simpleng pangungunsinti. Konsintidor(a) sila ng terorista’t kriminal; at ng kriminal at terorista. Sila’y kampon ni Satanas na nakapag-aanyong relihiyoso’t bihis-mambabatas sa Bastusang Pambansa at Maangas na Kapulungan.

Si Satanas, bilang terorista, ay walang habag at duwag. Sila’y si Herodes na pumapatay ng inosente, bata’t matanda, kahit ka-relihiyon nila o kadugo, tulad ng unang lalaki sa lupa na pumatay ng sariling kapatid.

Maraming natutuwa sa kanilang pamamaslang. Di ba’t iniutos ni Duterte na pumatay ng mga pari’t obispo ng Katoliko; mga mananampalataya’t deboto (huwag na raw tumawag sa mga canonized saints kundi kay Santo Rodrigo na lang. Sa isang banda, nanahimik si Digong sa kababanat sa simbahan nang bombahin ang katedral; pero di siya huminto)?

Ang pangungunsinti ay naipahahayag din sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo, lalo na ng lokal at pambansang opisyal ng gobyerno. Okey lang sa kanila kung 13 pari na ang pinatay sa Mindanao, marami sa kanila ay sa Sulu, dahil marami pa ang papatayin. Alam ng mga lider-Islam at gobyerno kung sinu-sino ang terorista sa kanilang hanay; o mismong sila ang terorista dahil kinakanlong nila ang mga ito. Sa umpukan sa “Moroland” sa North Caloocan, alam nila ang grupo’t lider ng mga terorista. Ilan sa kanila ay dito nagpapalamig pagkatapos ng pambobomba; dahil maiinit na sila sa Taguig at Barangay Commonwealth, QC. Ayaw nila ng katahimikan at pag-unlad sa Mindanao dahil mawawalan na rin sila ng saysay; at wala nang makukuhang milyones sa Islamic State.

Sa Bastusang Pambansa at Maangas na Kapulungan, binaluktot ng mga mambabatas ang katotohanan, tulad ng pagbaluktot ni Satanas sa batas ng Diyos. Noon pa man (’50s na aking nakagisnan), alam na ng mga bata ang tama’t mali.

Napakalaking kasinungalinan sa sinasabi ng mga mambabatas ngayon na di pa alam ng mga bata ang tama’t mali. Natutuwa si Satanas kapag nagsisinungaling ang mga mambabatas (ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw; ha-ha-ha, dagundong sa impiyerno).

Ang bata ay tulad din ng tuta. Binibinyagan (binibigyan ng pangalan) at inaalagaan. Pinakakain at tinuturuan ng stand, sit, fetch atbp. Nagiging bantay-bahay ang aso dahil mahal niya ang kanyang amo. Natutuwa ang tao kung masunurin ang tuta; at ito’y ipinagmamalaki pa, hanggang ma-TV. Ang asong di na sumusunod sa amo ay ipinakakatay na lang. “Old dogs can no longer be taught new tricks,” anang kasabihan sa Ingles. Ang matandang mambabatas ay di na tumatanggap ng mabuting asal; bagkus kinakanlong pa ang kasamaan ng bata.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, sa Santo Rosario, Malolos City, Bulacan): Nakasubaybay ang intellectual senior citizens sa HB 7030, ang panukalang “Anti-Elder Abuse Act,” na iniakda ni Rep. Vic Yap (second district, Tarlac, na di na rin iba sa mga taga-Malolos). Ang 7030 ay magtatanggol sa matatandang biktima ng karahasan, pisikal at damdamin. May mga milyonaryong matatanda sa Malolos City na de-baril, lisensiyado at shooter. Mas marami ang walang baril. Ang PNP ay pabor sa senior na magkabaril dahil malinaw ang “threat assessment” sa kanila.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Dampol 2A, Pulilan, Bulacan): Isa sa napakahirap ipagtanggol sa mga talakayan ay ang kabiguan. Bigo na nga, sasabihin pang tama at angkop. Kapag mababaw ang kaalaman, di sasang-ayon sa pagtatanggol. Nang mabigo ba sa first love ay natuto ba sa second love? Nang mangutang ng 5-7 dahil sa matinding pangangailangan ay di na bumalik sa 5-6? Nang magkasala ay di na nagsisi’t nagbago?

PANALANGIN: Mabuhayan kayo ng loob magpakailanman! Sal 22:27.

MULA sa bayan (0916-5401958): Dito sa DC, handa rin naman kaming mamatay. Sariwa pa ang nangyari sa Sasa at Night Market. …7433, Leon Garcia, 2nd Agdao, Davao City

The post Maraming konsintidor(a) appeared first on Bandera.

Pulpol na Comelec

$
0
0

ANG masama ay itinatago sa mabulaklak na mga salita. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Gen 1:1-20, 2:4; Sal 8:4-9; Mc 7:1-13) sa kapistahan ni Santa Febronia, Martes ng ika-5 linggo ng taon.

Mabulaklak ang mga salita ng Comelec na magiging malinis at maayos ang halalan sa Mayo. Lokohin ninyo lelang ninyo. Ang kasamaan ng Smartmatic ay nariyan pa rin at dahil sa mabulaklak na mga termino ng computer, na di gets ng masa. Kaya maraming bansa na gumamit ng Smartmatic ay bumalik sa manual counting. Simple: di nakita ng botante ang pagbibilang ng boto nila. Nawala ang transparency.

Bukod sa maraming mali, tulad ng naganap sa US, madali’t mabilis ang pandaraya, tulad nang iginigiit ni Bongbong Marcos. Dalawang eleksyon pumalpak ang Technical Evaluation Committee (TEC). Sa Mayo, pinalitan na lang ito ng Pro V&V Inc. Di pa rin nakumpleto ang audit sa accuracy ng Automated Election System software, hardware at comsys (communications systems). La lang.

La lang din ang implementing rules and regulation, na 10 taon nang nakabimbin simula nang isabatas ang RA 9369. Wala pa ring IRR sa Mayo. Bukod dito, mismong Comelec ay natawa sa P3 gastos ng kandidato sa bawat botante. Kung bibigyan na lang ng kandidato ang botante ng P3, ibabalibag sa kanya ito. Sa tagal ng panahon, di nagkusa ang Comelec na hilingin sa Kongreso na itaas ang halaga ng gastos sa bawat botante para mas madali nilang magigipit ang kalaban at kakasuhan ng labis na paggasta (kapag P5 ang ibinigay sa kandidato, overspending na).

Mabulaklak din ang resulta ng mga survey, na minana lang ng SWS, Pulse, atbp., kay Pilato. Naniwala si Pilato sa survey kaya pinakawalan si Barabbas at ipinapako sa krus si Kristo. Hayun, bumagsak ang imperyo. Sa pakikinig ng mabulaklak na salita ng mga politiko, nagpapalakpakan pa ang mga tao. Pinapalakpakan ang nasa likod ng mabulaklak na salita: ang kasamaan.

May kamay ang Diyos sa bawat halalan at ito ay nakapatong sa kandidatong walang perang pambili ng boto, walang pambayad sa survey firms at anunsiyo sa media; tulad nina Nemesio Prudente, Haydee Yorac at Rodrigo Duterte. “Huwag mong tingnan ang kanyang itsura o taas… Di pareho ang tingin ng tao… Nakakakita ang tao sa pamamagitan ng kanyang mata pero ang puso ang nakikita ni Yawe.” 1 Sam 16:7. (Ang pagiging “marahas” ni Duterte ay ibang tema; sa ibang panahon).

Kasama ang Senado sa nagpadumi sa Manila Bay, ayon sa Laguna Lake Development Authority. Maaaring ang dumi mula sa bituka’t pantog ng mga senador ay humalo na rin sa itim ng Manila Bay. Bakit hindi tinutunton ang dumi ng Malacanang, gayung mas maitim ang Pasig River kesa Manila Bay? Bakit walang tala ng coliform sa bahagi ng ilog sa Malacanang gayung mas madaling sukatin ito dahil di naman mahaba ang espasyong susuriin? Baka mas malala pa ang dumi ng Malacanang kesa dumi ng Manila Bay.

Katabi ko sa hanay si Armida Siguion-Reyna sa Malacanang at sa kanyang kaliwa ay si Eddie Romero. Ang giit ni Tabako, positive films. Ang sagot ni Armida, na kami lamang nina Eddie at Teresita Ang See ang nakarinig: ikaw (Tabako) ang mag-produce. Ang pelikula ay di dapat dinidiktahan ng pangulo. Kay Armida, ang nega films ay salamin ng lipunan.

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Gasak, Meycauayan, Bulacan): Marami pala ang seniors na napipilitang magtrabaho o kumita kahit konti para lamang itaguyod ang kanilang mga apo. Sa umpukan, napakalupit naman ng mga anak na pati ang pagkain ng mga musmos ay iaasa pa sa matatanda. Ang isang lola, binuhay na niya ang kanyang mga anak noon, binubuhay pa rin niya ang kanyang mga apo ngayon. Hindi naman nagkulang ang relihiyosang lola, nademonyo lang ng lipunang Satanas ang anak.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Banca-Banca, San Rafael, Bulacan): Kaunlaran ng paligid? Hindi. Dapat mauna ang kaunlaran ng bulsa. Lumang teyorya na raw ang solusyon ng politiko na kaunlaran ng paligid bago ang bulsa. Ang dapat daw ay magkapera muna ang taumbayan sa pamamagitan ng trabaho o negosyo; saka uunlad ang paligid. Teyorya o makatotohanan lamang sila?

PANALANGIN: Panginoon, maghari ka sa puso ng Comelec at mga kandidato sa panahon ng kampanya. Santa Apolonia, ipanalangin mo kami.

MULA sa bayan (0916-5401958): Noong nanuntok sa Inday, binatikos ng mga politiko sa Imperial Manila. Ngayon, nakadikit sila kay Inday. Anyare? …6799, San Isidro, General Santos City

The post Pulpol na Comelec appeared first on Bandera.


Tutubi, bubuyog, paru-paro

$
0
0

PINAGSISISIHAN ang pagpapaluklok sa masasamang lider. Tulad ng paglipol sa 40 araw na baha, bilang kawangis ng banal, may paraan para alisin ang mga suwail sa gobyerno. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Gen 6:5-8, 7:1-5, 10; Sal 29:1-4, 9-10; Mc 8:14-21) sa Martes sa ika-6 na linggo ng taon.

Malinaw na, kung sinu-sino ang tapat na mga kandidato at siman (si manloloko) sa kanilang pagmamalinis na lumalabas sa maruruming bunganga. Kung hindi dadayain muli ng Comelec at Smartmatic ang halalan, may kapangyarihan ang taumbayan na lipulin (salitang gamit ng Genesis noon; at talinhaga ngayon) ang masasama sa pamamagitan ng halalan.

Sa Genesis, walang itinirang masasama (nilunod sila; masakit na kamatayan). Nagsisi sila pagkalipas ng pitong araw na ulan, pero di nakinig ang Panginoon. Gumamit man sila ng Ariel ni Kris, maiiwan pa rin ang dumi at mantsa ng kasamaan. Bakit ayaw isoli ang ipinasosoli kay Cesar ng Sandiganbayan? Sa divino, ang dinambong ay dinambong.

Ako’y nakapamili na; at wala akong napili. Nais ko ang kandidatong nagsisimba tuwing Linggo; kung maaari ay walang patlang dahil meron namang anticipated Mass sa Sabado, minsan ay dalawa pa, para matugunan ang pagsisimba sa Linggo. Lumalabag sa Ikatlong Utos ng Diyos at Catechism of the Catholic Church 2181 ang di nagsisimba tuwing Linggo. Kung di tinutugon ang tungkuling espirituwal, lalong di tutugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Binastos ni Digong ang Diyos. Si Sara ay humihingi ng kaalaman at gabay ng divino. “Running for president is not an overnight decision. It needs money, machinery, but the most important thing is wisdom and guidance from the Lord because it will be difficult if it’s not intended for you,” ani Sara. Kahalintulad nina Santa Monica at anak na si Agustin, na naging santo at doctor ng simbahan nang magsisi at magbago.

Ikinatutuwa ng mga pari’t layko sa teritoryo ng Diocese of Malolos ang pagpapatawag ni Pope Francis ng summit para talakayin (at maging bukas) ang abusong sekswal ng mga kleriko. Ang summit ay magiging ulat kaalaman/kaliwanagan para sa matagal nang inililihim at pinagtatakpang kabuktutan. Managot sa batas ng Diyos at ni Cesar ang nagkasala. Sa Pagpapahayag ng Pagpapala (Beatitudes), ang hustisya ay iginagawad sa api. Napakahirap sundin ang utos ng Santo Padre: kausapin ng mga pari’t obispo ang kanilang mga biktima. Nakabawi si Pope Francis sa napipintong pagpapatalsik sa kanya.

Meron pa bang tutubi, bubuyog at paru-paro sa paligid ng bahay mo? Mula sa aking sinilangang Gastambide, Maynila, nasa tabi na ako ng Aurora ngayon at ilang taon na lang ay palisan na ng Bulacan. Nais kong umaaligid ang tutubi, bubuyog at paru-paro, lalo na ang mariposa; at sa gabi’y alitaptap. Ang tutubi ang aking batayan ng paraisong paligid. Namamatay na sila sa Bulacan. Tutubi, tutubi huwag kang pahuhuli sa batang… Tutubi, tutubi pinapatay ng dumi.

Sa 45 taon ng pamamahayag (di kasama ang campus journ; bilang editor ng mag at newslet ng unibersidad, first year/first sem pa lang), nakakintal sa isipan na huwag babanatan sa pagsusulat ng balita ang pribadong mamamayan. Sa binanatang taga-gobyerno, libelo o/at death threat lang ang iuuwi. Karangalan ang maidemanda ng libelo. Sa 89 kaso, di ko isinigaw ang pagsikil sa kalayaan, kundi panggigipit ng mayayaman at nasa poder. Death threat? Lumaban, kahit buliLit(o).

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Biak-na-Bato, San Miguel, Bulacan): Tila dumarami ang mga senior na nasisigawan, o sinisigawan, ng kanilang mga anak. Kapag ito’y nakikita ng mga apo, nakikisigaw na rin ang mga bata dahil ang maling ginagawa ng magulang ay tama sa paningin ng anak. May hibla pa ba ng moralidad sa bansang kilala noon sa pagiging magalang sa matatanda?

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Tibag, Baliwag, Bulacan): Uso na yata ang annulment sa mga may kaya o maperang di rito naninirahan. Ang engrandeng kasal ay nauwi sa hiwalayang tila nagpalit lang ng pang-ibaba. Noong ’60s, na wala pang annulment, ang hiwalayan ay pinakaiingatang tsismis. Ngayon, ipinagmamalaki pa ito at simbolo-estado na.

PANALANGIN: Panginoon, iligtas mo kami sa masasamang politiko, lalo na ang hindi tumatawag sa Iyo at nagsisimba.

MULA sa bayan (0916-5401958): Kailan ba ang next hearing ni Trillanes dito? …5116, Barangay 10-A, Davao City.

The post Tutubi, bubuyog, paru-paro appeared first on Bandera.

Pandudusta ng simbahan

$
0
0

TANGGAPIN ang anumang sasapit. Maging matiisin sa kadustaan sapagkat sa apoy sinusubok ang ginto at sa pugon ng paghamak ang mga kalugud-lugod. Mula sa Unang Pagbasa ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Sir 2:1-11; Sal 37:3-4, 18-19, 27-28, 39-40; Mc 9:30-37) sa Martes sa ikapitong linggo ng taon, kapistahan ni San Victor de Plancy.

Di ko matanggap na ang pandudusta at paghamak sa ilang kandidato’t politiko (tulad ni GMA, na nanalo sa lahat ng kasong kriminal na isinampa sa kanya) ay naganap mismo sa pa-workshop ng isang diocese para sa mga layko bilang paghahanda sa papel na kanilang gagampanan sa eleksyon sa Mayo. Ang pandudusta’t paghamak ay naganap sa mismong katedral, ang luklukan ng diocese.

Pagkatapos ng maigsing video presentation, iginiit ng nagsalita na ex-sem at taga-UP, na di tatanggapin ang mga tanong mula sa layko. Diktadurya ng kleriko. Bagaman di papasok sa dogma ang presentasyon,walang nagawa ang layko. Sinilaban ang aming upuan ng labis na pagkabahala dahil sinikil ang karapatang magtanong. “Martial law” ng diocese.

Sa questionaire na “Maka Diyos,” isinama ng diocese ang mga kandidatong wala pang hayag na posisyon, walang naitalang katiwalian, wala pang track record sa gobyerno, walang kasong plunder. Kung wala pang track record, bakit iginiit ng diocese ang umano’y kaduda-dudang pagiging “maka-Diyos” ng mga ito? Nahusgahan (labag sa mga Ebanghelyo’t utos ni Kristo) na ba sila? Bakit ipinukol ang unang bato gayong makasalanan din naman sila?

Pangkalahatan ang husga sa mga namatay sa kampanya kontra droga, at EJK daw ang mga ito. Sa Saligang Batas at kodigo penal, walang EJK. Bakit ayaw nilang tanggapin ang maraming analysis ng PNP Crime Lab na ang balang ginamit sa mga pinatay ay mula sa mga baril ng sindikato ng droga at hindi sa mga pulis? May slug analysis din na ang mga tingga ay lumabas sa paltik, na hindi ginagamit ng mga pulis. Sa five-meter distance, ang balang mula sa paltik ay lilihis at di papasok sa “alpha.”
qqq
Ako’y cerrado Catolico. Panig kapag tamang batikusin ang simbahan kung mali ang kanilang ginagawa. Magagalit at mamumuhi kung pagtatakpan ng layko ang maling ginagawa ng simbahan, base sa nais ng mga pari’t obispo. Tatawagin kong demonyo ang mga pari’t obispo na magtataas ng Ostia at magmimisa nang di nangungumpisal, nagsisisi at nagbabago. Proud to be Catholic.

Kung ang mga Intsik mula sa People’s Republic of China ay narito sa bansa bilang kawani ng kanilang “kompanya,” ayos lang. Sugal nila, mananaya nila. Sa Central Luzon at North Caloocan nga, hindi pinakikialaman ng mga Intsik ang jueteng natin. Natawa pa nga si Mr. Xi dahil ang ating sugal ay ballpen, lastillas at bolang bingo pa ang ginagamit, gayung ang sa kanila ay computer na. Ang kanilang mananaya ay nasa mainland kaya di tayo apektado.

Kapag Maharlika na, Magasa (dating Pagasa), Mag-IBIG (dating Pag-IBIG), MNP (dating PNP, Madalas Naging Pera). Umayaw si Imelda sa Maharlika nang sumulpot ang Maharlika Motel (ginawang Mahal Kita drive-in), Maharlika Sauna Bath (naging Maalikaya), Mais (dating Phil. Islands) at MIC (Maharlika Ind. Church).

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan): Dapat bang bigyan ng maraming laruan ang apo dahil noong bata pa sina lolo’t lola (di pa sila nagtatagpo/ipinagtatagpo) ay iilan lamang ang kanilang laruan at gawa pa sa kawayan at nakasusugat na lata? Bakit kapag binigyan ng laruan ngayon, bukas ay nakairap na ang apo sa lolo o lola? Bakit kapag nasira agad ang laruan, sinisisi agad ng apo ang nagbigay, na duguan ang puso sa panghihinayang at kamahalan nito? May pagpapahalaga ba ang apo sa nagbigay? Whew. Tumaas ang presyon ng mga senior sa bangayan.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Panghulo, Obando, Bulacan): Nakagugulat. Di akalain na ang temang Armida Siguion-Reyna ay mas umani ng interes kesa mataas na presyo ng bilihin. Isang millenial: Lumaban base sa sariling prinsipyo, kahit alam mong di ka mananalo. Ha? Si Armida raw ang nagsabi (di ko alam/arok ito). Mula sa kanyang Smartphone, binasa niya ang mga ipinaglaban ni Armida. “Bakit ka matatakot lumaban kung matapang ka?”

PANALANGIN: Panginoon, sana’y mahanap nila ang katotohanan at di gamitin ang kabulaanan para ikintal bilang katotohanan.

MULA sa bayan (0916-5401958): We actually have fears in our hearts. In the BARMM, who will be the next to detonate a bomb? …2125, Lumbaca Madaya, Islamic City of Marawi.

The post Pandudusta ng simbahan appeared first on Bandera.

Ka Freddie; Kris A.

$
0
0

ALISIN muna ang pagbabalatkayo. Mag-ingat sa pakitantao, lalo ang mga ginagawa. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Jl 2:12-18; Sal 51:3-6, 12-14, 17; 2 Cor 5:20, 6:20; Mc 6:1-6, 16-18) sa Miyerkules ng Abo.

Maskarado ang mga kandidato. Sa panig ng gobyerno, nakangiti. Sa otsong kalaban, galit at naka-ismid. Sa Pagninilay sa Ebanghelyo, pinag-iingat tayo. Maingat nga ba sa pagpili ng kandidato? O lango na ba sa showbiz ang bobotante? O hangalan (halalan) na lang ang pinakikihintay ng sahod-palad?

Nakababahala ang voters’ education workshop ng isang diocese sa Metro Manila nang talakayin ang pagkatao ni Ka Freddie (PDP-Laban). Sa “Maka-Diyos Indicators,” inilarawan si Aguilar na “walang hayag na posisyon sa EJK o death penalty” sa Value Life and Human Dignity. Sa Good Reputation/Clean Record, inilarawan si Aguilar na “walang publikong isyu ng corruption.” Sa Just & Righteous Governance, “walang track record sa gobyerno.” Sa Concern for God’s Creation/Environment, “walang kilalang adbokasiya para sa environment.”

Kung “wala” sa mga kategorya ng si Aguilar, bakit isinama ang kanyang pangalan? Paano tatalakayin si Aguilar kung “wala” naman pala siya sa tatlong butas? Sa lalang ng Diyos, bakit “walang adbokasiya sa environment” ang sagot ng diocese? Lahat ay lalang ng Diyos pero si Aguilar ay ikinamada sa “environment.” Malabo pa ito sa sabaw ng pusit.

Kung ito’y panahon ni Noy, di tutulungan ni Ipe si Bong Go sa kampanya dahil di lang ganoon ang magiging buwelta ni Kris. Baka iligpit si Ipe dahil sa pagbabantang “kayang ipapatay.” Mistulang palaman ng tinapay na lang si Kris ng dalawang nasa entablado, Bong at Ipe. Nangalisag din sa takot si Tsong noon nang mag-iiyak si Kris, at naninisi pa ng tulo. Katsipan ito, pero showbiz ang masa (no can do). Ako? MaPa!

Di naman malinis ang simbahan pagdating sa pagkakalulong ng ilang pari’t obispo sa laman. Kasuhan sila (at lilitisin pa) sa batas ng tao; itapon agad sila sa impiyerno, sa batas ng Diyos.
Kung nagkasala nga, wala silang lusot. Kung inilihim at pinagtakpan ng ilang diocese ang problema, mananagot sila sa Espiritu Santo; na ang sala ay walang kapatawaran at tanging apoy ang ganti ng divino. Basahin ang Lukas 6:42.

Sa katatapos na summit sa Vatican, ang pandaigdigang diocese ay nakatuon kay Cardinal Chito Tagle, Pinoy, na nakaluklok sa hanay at mesa ng Santo Padre. Bago binigkas ni Tagle ang makadamdaming pag-amin, alan na ito ni Pope Francis. Sumang-ayon din ang Papa sa payo ni Tagle, Pinoy, ang susunod na pinuno ng bansang Holy See, sa luklukan ni Pedro; na ang sala ay inaamin, pinagsisisihan at udyok ng pagbabago.

Muling kumakandidato sa Los Banos, Laguna ang kabaro, kaibigan at kasama sa Evening Post, Manila Times at Bagong Araw na si Lulu Principe (kabiyak ng yumaong Tony, ng DENR). Ang ayaw kay Lulu ay nagtampo sa bigas, ‘ika nga. Dalangin ko kay San Gregorio magno, pantas ng simbahan at tagapangasiwa ng Romano sibil, ang iyong tagumpay.

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Gitna, Paombong, Bulacan): Walang senior ang bukod-tangi, kahit malawak ang karanasan, magagandang bagay na nakamit, at may pinag-aralan. Habang tangan ang maraming katangian, kailangan pa rin ng katuwang, alalay at tagapayo, lalo na sa espirituwal. Nakagugulat ang dumarating mga hamon at pagsubok dala ng mabilis na modernisasyon.

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Bagong Silang, San Miguel, Bulacan): Napakadaling buksan ang temang pamamalo ng bata (di nilagdaan ni Duterte ang batas kontra-palo dahil inaalis nito ang parental authority sa nagkamaling bata at baka matulad tayo sa mga Kano na walang galang ang anak sa magulang). Likas sa madasaling Bulacan ang angkop na disiplina sa bata. Kung marahas, meron namang anti-child abuse law.

PANALANGIN: Halina, Espiritu Santo; maging buhay ka ng politiko.

MULA sa bayan (0916-5401958): Gusto naming magpunta rito si Bam. Nang makatikim siya. …7609, Wilfredo Aquino, Agdao 2nd, Davao City

The post Ka Freddie; Kris A. appeared first on Bandera.

Hatol sa paring laman

$
0
0

WALANG kawala sa tukso, maging si Jesus, pero nanindigan Siya para sa Ama. Di nais ng doktrina na mapunta sa impiyerno ang paring nag-sex selfie, pero ito ang kanyang pinili sa kalayaang ibinigay ng Anak. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Dt 26:4-10; Sal 91:1-2, 10-14; Rom 10:8-13; Lc 4:1-13) sa unang Linggo ng Kuwaresma.

Bagaman walang opisyal na pahayag ang simbahan sa mga paring laman hanggang ngayon (na minsan ay sinundot sa ambo ng ilang militanteng pari sa Diocese of Malolos), maliban sa panlulumo sa Vatican ni Cardinal Tagle sa harap ng Santo Padre at mga obispo, walang bisa ang anumang espirituwal na pakikialam kung ang pasya ay ligaya ng kasalanan diretso impiyerno.

Si St. Thomas Aquinas, isa sa mga doctor ng simbahan, ay minsa’y nagduda na walang Diyos. Kung may demonyo, samakatuwid walang Diyos. Pero, mahiwaga ang kilos ng Diyos. Sa pagpili ng mga paring laman sa impiyerno, ang simbahan ay babangon nang mas malakas, tulad ng paglipas ng dark ages; na ang anak ng obispo ay kanyang sinasanay bilang kapalit niya, at talamak ang simony.

Sa Canon law, dedikasyon ng simbahan ang paghilom. Pero, wala itong magagawa kapag ang pinili ay di pagliligtas. Nais ng Diyos na maligtas ang lahat, lalo na ang mga itinalaga. Pero, kung ayaw ng pagliligtas ang mismong nangangaral ng pagliligtas, sino ang simbahang puputol sa kanilang kaligayahan (ngayon lang ako kumibo sa isyung ito dahil hinintay ko muna ang pagkibo ng dapat kumibo)?

Kawawa naman ang mga gumagamit ng tubig. Isinakay na naman sila sa tsubibo ng mga tagapagsalita ng concessionaires. Ang MWSS at concessionaires ang nagkulang (inuna kasi ang pagkakamal ng pera) dahil hindi sila nagtayo at nagbukas ng bagong pagmumulan ng tubig. Sa umpisa pa lang ay alam nila na magkukulang ang igiban (dams) at mamiminsala ang tagtuyot. Ang pagkukulang na ito ay matagal nang nakita ni Ferdinand Marcos.

Dedma ang MMDA ng rebeldeng Danilo Lim sa krisis sa tubig. Kaya nilang tumulong dahil matatanda na sila. Ngayon dapat ipakita ng MMDA ang kanilang kalinga at tulong, hindi ang pagyayabang ni Bong Nebrija sa mga walang kakayahan sa kalye. Makalalabas pa kaya ang mababahong residente para bumoto sa Mayo (hanggang Mayo raw ang krisis)? Ngayon pa lang ay nais nang magsara (muna) ng mga paaralan dahil sa umaalingasaw na mga kubeta mula unang palapag hanggang ikaapat.

Nakadududa kung bakit kayang magpuyat ang ilang lalaki sa isang barangay sa Pasig (remember Pasig shabu tiangge?) sa pila-balde sa tubig. Alas-10 n.g., pa lang ay may tagay MP na sa pila. Pero, bakit mas lalo silang gising pagdating ng bumbero alas-3 n.u.? Dapat dinadalaw na ng antok dahil nakainom na. Pampasigla talaga ang shabu na panundot (pangbanlaw) sa MP.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang pagpili ng tamang kandidato. Yan ay kung magiging tapat na ang Comelec sa Mayo at di na pamumunuan ang pandaraya sa AES (Automated Election System). Tatlong eleksyon na tayong winawalanghiya ng Comelec, magpapawalanghiya pa ba tayo sa Mayo? Nakadududang tahimik ang imperial Davao sa nakaambang pandaraya na isasagawa ng isang daliri lamang sa keyboard. Ang pandaraya ba ay pabor sa kanilang mga manok?

UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Bagna, Malolos City, Bulacan): Huwag sumunod sa “Pagalingan ng Lolo ko (wala yan sa lolo ko)” ng isang noontime show. Dahil hindi yan totoo, ang sinasabing “mas magaling” ang lolo ko ay “magaling” lang sa ibang lolo dahil mas magaling sila sa mas magaling na lolo. Ang turan nito ay di talaga pinakamagaling ang sinasabing mas magaling dahil may mas nakahihigit pa. Dahil ang kaalaman ni lolo ay may mas higit pa, ang pagpapakumbaba. Bakit tila paborito ng mga senior ang magmagaling kapag may nagmamagaling?

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa San Jose, Bulakan, Bulacan): Humihinto ang demonyo sa katutukso kung nakasunod ka na sa kanya. Tumitigil ba ang adik sa kasisinghot, ang sugarol sa katataya, ang lasenggo sa katotoma, ang hayok, sa laman? Bakit pa niya tutuksuhin ang nasarapan sa tukso?

PANALANGIN: Vade retro satana. Dasal ni St. Benedict.

MULA sa bayan (0916-5401958): Ang kabilang parlor (NPA) ay may ikinakampanya nang mga kandidato. Kung di namin sila iboto, babalikan kami. Ang NPA sa lalawigan ay suportado rin ng ilang LGUs. …7120, Casisang, Bukidnon

The post Hatol sa paring laman appeared first on Bandera.

Hatol sa madreng laman

$
0
0

HANGGANG ngayon ay ipinahihiya tayo. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Dn 9:4-10; Sal 79:8-9, 11, 13; Lc 6:36-38) sa kapistahan ni San Cirilo (315-386) ng Jerusalem, obispo’t doctor ng simbahan, ang nagligtas sa banal na lunsod sa kuko ng “severe moral decay.”
***
Noong Biyernes, ang ulo ng kolum na ito ay “Hatol sa paring laman.” Sa pagsusuri sa mga kasulatan at paninindigan at homilia ng mga doctor ng simbahang Katolika, ang pagpapahiya sa mga pari (mas kahindik-hindik ang naganap sa dark ages) at madre ay paalala ng kahalagahan ng pagliligtas sa kanilang mga kaluluwa, na maaaring isagawa sa tulong ng dasal ng mga layko at tuwirang pakikialam natin sa kanilang nadungisang buhay, kung alam natin ito at kilala natin sila nang personal.
***
Kung inililihim ng simbahan ang kasalanang laman ng pari, mas mahirap malaman ang pagkahulog sa tukso ng kalandian ng madre dahil walang nakapapasok sa kanilang kumbento at monasteryo. Pero, anang Ebanghelyo, ang nakasinding lampara ay di maaaring takluban at ilagay sa ilalim ng kama. Ang hayagang pagbubunyag ng kasalanang laman ng madre ay sa kabundukan, sa kampo ng NPA (sa aking alam ay sa northeastern Bulacan). Namumundok sila bilang pakikiisa sa pag-aalsa at kapag nasarapan sa laman ay umaalis na sa bokasyon; o kundi’y muling bababa at magpapanggap na di nalawayan ng lalaki o di nadarang.
***
Sa ritwal ng Consecratio Virginum, ang nagmadre ay itinuturing na sagrado at ang mga gawain ay apostolika, at hindi ang pagsama sa kathang-isip na himagsikan para agawin ang poder sa gobyerno.
Ang isa pang mortal na kasalanan na nabunyag sa monasteryo ay ang homosekswalidad ng madre, na di makatanggi sa nakatataas. Pero, mahirap ikuwento ang lihim dahil ang kasalanan ay lumagos lamang sa adobeng pader. May nabuntis na mga madre, ani Duterte. Wala akong hawak na katibayan dahil wala naman akong kapangyarihan bilang hamak.
***
Maaari pang tulungan ang nadapang madre, kung nais niyang bumangon at iligtas ang kanyang kaluluwa. Sa naligaw na madre, inakala niyang maaari pa siyang magbalik sa Diyos pagkatapos magpasasa sa kamunduhan. Maling akala. Kailanman ay hindi malilinlang ang Diyos. Ang pagsisisi ay maaaring ipakita sa superyora, sa pari, umiyak man ng dugo. Pero, batid ng Diyos kung tunay ang pagsisisi. Kung tunay nga, mas mapadadali ang kapatawaran kung tutulungan natin sila ng marubdob na sumamo’t dasal.
***
Napaligiran ng pulutong ng mga Intsik, tila mula sa mainland, ang lolo at 6-anyos na apo sa isang bahagi ng Mall of Asia. Ang pakiwari ng lolo ay nasa HK siya at apo. Nang mapansing balisa ang lolo at nagbukas ng cellphone, biglang nagtagalog ang isang tsekwa, matatas. Sa isang kalye sa Makati kapag gabi, ang magugulo ay mga Koreano. Hindi Intsik. Maligayang pagdating, hapit anay.
***
UST (Usaping Senior sa Talakayan sa Santo Rosario, Malolos City, Bulacan): Nakatatakot ang paglalarawan ng tatlong senior (66, 69, 71) sa mga anak na lumaking iresponsable, na kahit pantoma ay hinihingi pa sa kanila. Hindi sinisi ng panig namin ang senior, bagaman may kinalaman sila sa naging halimaw na anak. Ang solusyon: referral sa barangay; magpalabas ng CFA; at PAO para asistehan sa husgado. Bakit humantong sa ganito, kawalang galang at karahasan? Mahabang kuwento.
***
PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-Ugnayan sa Santa Peregrina, Pulilan, Bulacan): Tila wala nang gabay at di pagsang-ayon ang mga magulang ngayon sa kanilang mga anak na sa pagsibol ay nagpapakita na ng kasarian ng pagiging bakla o tomboy. Nang dahil sa dami ng mga napanood sa TV, gadgets at netsites, sige na, bahala na. Hanggang sa mahawa ng HIV ang lalaki at masangkot sa krimen ang babae. Wala na rin ang espirituwal na gabay dahil malayo na sa pananampalaya ang magulang.
***
PANALANGIN: Tutulong tayo? O magbubulag-bulagan? Mateo 25:31-46.
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Paki publish. May droga na naman. Mas mura pa. ….1873, Los Amigos, Tugbok, Davao City.

The post Hatol sa madreng laman appeared first on Bandera.

Viewing all 138 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>